COY 16

183 19 13
                                        

SHARLENE

Kinabukasan ay sinundo ako ulit ni Kevin. Agad na akong sumakay sa kaniyang sasakyan dahil pinagtitinginan na siya ng mga kapitbahay namin.

"Tara na." sabi ko pagkatapos kong maisuot ang seatbelt at tinignan siya.

"Ayaw mo bang malaman ng Mama mo na may boyfriend ka na?" saglit akong natahimik dahil sa kaniyang tanong.

Napalunok ako. Bigla tuloy akong naguilty. Ayaw ko namang isipin niya na ikinakahiya ko siya o kung ano kaso..

"Hindi naman." sagot ko ng makabawi. Tipid ko siyang nginitian. "She had me when she was just 18. Maagang nagkaboyfriend, maagang nabuntis tapos iniwan din siya ng Papa ko dahil hindi daw siya kayang panindigan. Natatakot lang siya na baka magaya ako sa kaniya. I hope you understand. Sasabihin ko din naman kay Mama pero hindi na mun ngayon. Siguro kapag nakagraduate tayo?" nakatitig lang sa akin si Kevin kaya bigla akong nailang. "Wag ka ngang ganyan tumingin. Tara na." aya ko at nginitian siya.

"I understand. Minadali na kitang maging girlfriend ko kaya hindi na kita mamadaliin sa bagay na ito. I can wait." sabi niya na ikinangiti ko.

"Thank you."

Saglit pa siyang tumitig sa akin bago nagsimulang magmaneho.

"By the way, anong endearment natin?" nakangiti kong tanong.

"Endearment?"

"Oo. Like baby, babe, mahal o kaya sweetiepie." napasimangot ako ng bigla siyang tumawa. "Anong nakakatawa doon?"

"Wala. Hmm." tumahimik muna siya at nag isip. "I prefer mahal."

"Talaga? Gusto ko din yun." kinikilig kong sabi.

Nilingon niya ako at nginitian.

"Mahal." nakagat ko ang pang ibabang labi ng tawagin niya ako. Maya maya ay natawa na lang ako.

"CR lang ako." sabi ni Kevin noong makarating kami sa school.

"Sige. Mauuna na ako, mahal." binulong ko ang salitang mahal dahilan para mapangiti siya. Tumango siya at umalis na kaya naman nauna na akong pumasok sa classroom.

Nakikipagkwentuhan ako kay Lyca ng biglang dumating si Candy at hinihingal pa.

"Guys!" pagtawag niya sa aming atensyon. "Nag aaway sila Luis at Kevin sa boys CR!"

Bigla akong napatayo dahil sa narinig. Tumakbo na ako papunta sa CR para tignan ang nangyayari.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

KEVIN

"Anong sabi mo?"

"Easy to get talaga si Sharlene." nakangising sabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon. "Makakaisa na sana ako sa kaniya kahapon kaso biglang tumakbo eh." dugtong niya at tumawa pa.

Biglang nagdilim ang aking paningin dahil sa narinig. Sinuntok ko siya dahilan para tumigil siya sa pagtawa.

"Siraulo ka ah!" sigaw niya sa akin at pinandilatan pa ako ng mga mata.

So, ito palang kumag na ito ang dahilan kung bakit umiyak si Sharlene kahapon?

Tumayo siya at akmang susuntukin din ako pero nakaiwas naman ako kaagad. Napangisi ako at muli siyang sinuntok at sinipa. Namulsa ako at naglakad palapit sa kaniya na ngayon ay nakaupo na sa sahig.

"Kapag nakita pa kitang lumapit sa kaniya, hindi lang yan ang aabutin mo." pagbabanta ko.

"Kevin!" umayos ako ng tayo ng marinig ang boses ni Sharlene.

Kinalma ko ang aking sarili bago siya nilingon.

"Sir! Siya ang naunang nanuntok!" sabi ng kumag kay Sir Dizon noong pinatawag kami sa guidance.

"Kilala na kita, Luis. Palagi ka na lang gumagawa ng away sa eskwelahan na ito!" sabi ni Sir Dizon at nilipat sa akin ang tingin. "Hijo, pagpasensyahan mo na itong si Luis."

"Sir!" pagmamaktol niya.

"Pwede ko bang malaman kung bakit sinuntok mo siya?" mahinahong tanong niya sa akin hindi tulad ng pagsigaw niya sa lalaking katabi ko.

"Binastos niya ang girlfriend ko." sagot ko.

Nasapo ni Sir Dizon ang kaniyang noo at tinignan ng masama yung Luis.

"You're suspended for 1 week!" sigaw niya na ikinangisi ko.

"Kevin! Anong sabi sayo?" nag aalalang tanong ni Sharlene noong makalabas ako sa guidance.

"I'm fine. Hindi naman ako pinagalitan." kitang kita ko sa kaniyang mukha na nakahinga siya ng maluwag. Napangiti ako. "Stop worrying about me."

"Bakit kasi pinatulan mo pa siya?"

"You lied to me about what really happened to you yesterday." sabi ko na ikinatahimik niya. "And of course, I got mad. Boyfriend mo ako."

"Ayaw ko lang na mag alala ka pa."

"Don't do that again. Mas gusto kong malaman ang lahat ng nangyayari sayo. Mas mag aalala ako kapag may inililihim ka sa akin." tumango siya at nginitian ako.

"Okay."

Pumunta na din kami sa classroom pagkatapos noon. Pinagtitinginan ako ng mga kaklase namin. Marahil ay gusto nilang malaman kung ano ba ang totoong dahilan at nakipag away ako.

"Feeling ko dahil kay Sharlene. Remember, gusto siyang ligawan ni Luis pero binasted kaagad niya."

"Siguro nga."

Naupo na lang ako ng tahimik sa aking upuan at tinignan si Sharlene mula sa likod. I hope she knows how much I like her kahit naging madali ang lahat para sa amin.

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon