SHARLENE
"Ahhh!!"
Pagkatapos kong sipain ang pagkalalaki niya ay tumakbo ako agad papunta sa pintuan at lumabas.
"Bitch!" dinig kong sigaw niya.
Pinunasan ko ang aking luha at tumakbo na palayo doon. Noong mapagod ay huminto ako at umiyak dahil sa takot.
"Sharlene?"
Noong makita si Kevin ay lalo akong naiyak. Agad niya akong nilapitan at niyakap.
"What happened? Why are you crying?" dinig ko sa kaniyang boses ang pag aalala at gusto na akong tignan pero niyakap ko siya ng mahigpit.
Ayaw kong makita niya akong ganito.
"Sharlene, what the hell happened? Sino ang gumawa sayo nito?" wala na akong nagawa pa ng lumayo siya at sinapo ang aking mukha. "Bakit ka umiiyak? Tell me."
Umiling iling na lang ako at ayaw ng palakihin pa ito.
"Sharlene." may pagbabanta na sa kaniyang boses kaya naman tinignan ko na siya.
"A-akala ko may multo sa storage room. N-natakot ako." pagsisinungaling ko.
Para naman siyang nakahinga ng maluwag at nginitian ako.
"Akala ko kung ano nang nangyari sayo." inayos niya ang aking buhok at hinalikan ako sa noo na ikinapikit ko. "Sasamahan na lang kita. Wag ka ng umiyak."
Tumango ako at pinigilan na ang sarili sa pag iyak.
I feel safe.. I feel safe with him..
Saglit niya pa akong pinatahan bago niya ako sinamahan papunta sa storage room. Mabuti naman at wala na si Luis dito. Ayaw kong magpang abot pa silang dalawa. Napatingin ako sa kahon na kaniyang hawak bago ako tumingin sa kaniyang mukha.
"Bakit ka pala nandito?"
"Narinig kong pinapunta ka dito kaya lumabas din ako." sagot niya at nilingon pa ako. "Okay ka na ba? Gusto mong bilhan pa kita ng tubig?"
Umiling ako at ngumiti.
"Okay na ako. Dalian na natin. Baka hinahanap ka na."
Saglit niya pa akong tinitigan bago niya itinuon ang kaniyang atensyon sa aming nilalakaran.
Nang makabalik sa theatre room ay nasa amin na agad ang kanilang atensyon. Kinuha ko ang kahon kay Kevin.
"Sige na. Magpractice ka na ulit. Salamat."
Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at tinapos na ang ginagawa.
"Kaya pala biglang nagpaalam si Kevin na lalabas." dinig kong bulong ng student manager ni Hailey na si Ciara.
Nang matapos ang kanilang practice ay umuwi na din kami agad.
"Wag mo na akong ihatid. Umuwi ka na din para makapagpahinga ka." sabi ko kay Kevin noong makalabas kami ng school.
"It's late. Ihahatid na muna kita." pagpipilit niya.
"Hindi na nga. Magcocommute ka pa naman. Baka wala ka ng masakyan mamaya." saglit siyang natigilan at nag iwas ng tingin sa akin.
"I have something to show you. Hintayin mo ako dito." sabi niya at biglang umalis.
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatingin sa mamahaling kotse na nasa aking harapan.
"Sa inyo 'to?" tanong ko nang mahimasmasan.
"Actually, it's mine. Birthday gift ni Daddy last year."
"Wait. Akala ko pareho tayo ng estado sa buhay." wala sa sarili kong sabi.
"Why? Ano namang masama sa estado natin? Kaya ka ba pumayag maging girlfriend ko ay dahil doon?"
"Eh akala ko ba naghihintay ka din ng masasakyang jeep noong nagkita tayo dito?"
"Nasa parking lot ang kotse ko. Nakita kita dito kaya pumunta ako."
"At noong naglakad tayo hanggang sa bahay?"
"Iniwan ko talaga ang sasakyan ko noon sa bahay. I just want to walk you home. Mas matagal kitang makakasama kapag naglakad tayo."
"Nakakahiya naman sayo. Pinasakay pa kita sa jeep noong nakaraan." sabi ko noong makasakay na kami sa kaniyang sasakyan.
"It's okay. Ngayon ko lang din naman ulit ito dinala since palagi na tayong malelate sa pag uwi." sabi niya at inayos ang aking seatbelt.
"Thanks." nakangiting sabi ko.
"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain muna tayo?" tanong niya at nagsimula na din sa pagmamaneho.
"Busog pa ako. Ang dami mong binigay na pagkain sa akin kanina eh." ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay.
"Ayaw ko lang na magutom ka."
"Kamusta naman ang practice mo? First day mo ngayon." masayang sabi ko.
"It's okay. Hindi ko lang nagugustuhan ang mga tingin sayo ni Lawrence kanina." inis niyang sabi.
"Napakaseloso mo naman!" natatawang sabi ko.
"It's because you liked him."
"Crush ko lang naman siya." depensa ko.
"I know. Ang mga lalaking tulad niya hanggang crush lang talaga." natawa na lang ako at napailing.
Napatingin ako sa labas ng bintana at unti unting nabura ang ngiti sa labi. Alam kong hindi nagustuhan ni Luis ang ginawa ko sa kaniya kaya paniguradong gaganti siya.
