COY 34

153 14 4
                                    

SHARLENE

"Matagal ka na bang nandito?" tanong ko kay Marco.

Nasa coffee shop kami at dito naisipang mag miryenda. Dahil sa pagtulong ko sa kaniya kanina ay nilibre niya ako ng chocolate cake at coffee frappe.

"I've been here for almost a week." sagot niya. "Ikaw?"

"Kadarating ko lang kanina."

"That's why I only saw you earlier." tumatangong sabi niya. "May kasama ka?"

"I'm alone." nakangiting sagot ko.

"Pareho tayo. I just want to clear my mind here." nagulat ako ng marinig iyon.

"Talaga? Pareho tayo ng dahilan!" natawa ako at kumain ng cake.

Natawa din siya at uminom ng kape.

"I'll go island hopping tomorrow. Wanna come?" alok niya. "Don't worry I don't bite." ngumiti ako at tumango.

"Sure!"

"Great."

Pagkatapos kumain ay naglakad lakad naman kami sa dalampasigan. Napangiti ako dahil sa ganda ng kapaligiran. Ang maputing buhangin, ang maasul na dagat at kalangitan.

"I'm here because of a family problem." biglang sabi ni Marco.

Napahinto ako sa paglalakad at tinignan siya. Tumingin din siya sa akin at nginitian ako. Umupo siya sa buhanginan kaya tumabi ako sa kaniya.

"Family problem?" ulit ko sa sinabi niya kanina.

"Yup. My Dad and I are not in good terms, so bilang anak umalis ako para hindi na kami lalo pang mag away." kwento niya. "How about you?" tanong niya at nilingon ako. "Why are you here?"

"Gusto ko lang takasan ang nakaraan ko."

"Is it a love problem?" natawa ako at napatango.

"After five years, nagkita kami ulit ng ex ko. He said he still loves me.." malungkot akong napangiti at itinuon ang tingin sa maalong dagat. "But I can't be with him. Makakasira lang ako sa career niya."

"You still love him too, right?"

Natigilan ako at hindi alam ang isasagot. Nilingon ko siya at nginitian.

"Isang linggo ka na dito di ba? May marerecommend ka bang masarap na restaurant?" pag iiba ko sa usapan.

Ilang saglit din siyang hindi sumagot at nakatitig lang sa akin. Maya maya ay tumawa siya na ikinatawa ko na din.

"Okay. Let's not talk about our problems. Let's just enjoy our stay here." ngumiti ako at tumango. Nag ubu ubuhan siya at inabot ang kamay sa akin para makipagshake hands. "Hi. I'm Marco Crisostomo. 26 years old from Makati."

Natawa ako at nakipagshake hands din sa kaniya.

"I'm Sharlene Bautista. 25 years old from San Vicente, Palawan."

"So, I'll see you later?" tanong niya noong makabalik na kami sa villa.

"Okay." nakangiting sagot ko at kinawayan siya. "Papasok na ako."

Tumango siya at ngumiti din. Pagpasok ko sa aking villa ay nahiga ako sa kama. Mamaya ay sabay kaming magdidinner. He seems kind at masaya din siyang kasama kaya kahit kanina lang kami nagkakilala ay naging kumportable na ako sa kaniya. I'm staying here for a month so might as well make a friend here para di ako maboring.

Nagbihis ako ng simpleng black dress na may floral design. Sa Sulu Restaurant daw kami kakain at noong madaanan namin iyon kanina ay napakaganda ng lugar at halatang mamahalin ang mga pagkain.  Hinayaan ko lang din na nakalugay ang aking buhok at tanging cellphone at wallet lang ang dala noong lumabas. Nagulat ako ng makitang nandoon na siya sa harapan ng aking villa at naghihintay.

"Sorry. Kanina ka pa ba? Sana kumatok ka." nahihiyang sabi ko.

"Hindi naman. Kalalabas ko lang din." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Noong muling magtagpo ang aming mga mata ay nakangiti na siya. "You look beautiful."

"Salamat. You look good too." sabi ko na ikinatawa niya.

Gwapo naman talaga si Marco sa suot niya. Naka white tshirt na panloob na pinatungan niya ng white polo at white short din na pang ibaba.

"Let's go?" tumango ako bilang sagot.

"Wow. Mas maganda dito sa gabi." manghang sabi ko habang naglalakad.

"Yup. Mamaya may mga artista daw na darating kaya may fireworks display."

"Talaga? Wow!" excited kong sabi.

"You like to see actors in real life?" tanong niya ng mapansin ang pagka excite ko.

"No. Excited ako sa fireworks display." ngiting ngiti kong sagot na ikinatawa niya.

"Right. Bakit ba hindi ko naisip 'yon?" natatawang tanong niya.

"Anong oras daw ba?"

"I think I heard that it will start at 10 pm later."

"10 pm." tumango tango ako. "Hindi muna ako matutulog noon para mapanood ko."

"Why? Do you sleep early?"

"Actually, I always sleep late but since I'm here ay gusto ko sanang baguhin yun pero siguro bukas ko na lang sisimulan." sabi ko at natawa.

"You're cute." natigil ako sa pagtawa at tinignan siya.

"Ha?"

"Nothing. Let's go." pag aaya niya at nginitian ako.

-------------

Their outfits..

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon