COY 31

144 19 7
                                        

Another update! Hindi ako masyadong busy kaya lubus lubusin natin 😊
Sana magustuhan ninyo 🤗

-------------------

SHARLENE

Nakagat ko ang pang ibabang labi at nakaramdam ng awkwardness. Pagkatapos kaming dumugin ng mga reporters kanina ay hindi na ako iniwan pa ni Lawrence. Ngayon ay nakaupo ako sa table kasama ang mga artistang hindi ko akalaing makikita at makakasama ko ng ganito kalapit.

"So, you're that Sharlene?" nakangiting tanong ni Rico Padilla.

Napakunot ang aking noo at tinignan si Lawrence. Ngumiti siya at umiling.

"Don't mind him." bulong niya.

Tipid akong napangiti at tumango na lang.

Inilibot ko ang aking paningin at nagpasalamat dahil mukhang wala sila Hailey at Kevin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

"You're so pretty. Ayaw mo bang mag artista?" tanong ni Jennie Mendoza na ikinagulat ko.

"Wala akong hilig sa pag arte." nahihiyang sabi ko.

"Maybe a model then?" sabi naman ni James Villaroel. "Pwede ka sa agency namin." alok pa niya.

Ngumiti ako at umiling.

"By the way, hindi pa ba dumarating sila Hailey at Kevin?" tanong ni Lawrence. Napalunok ako at napaayos ng upo.

"Nandito na sila kanina pero umalis din. Nakita kong sinundan ni Hailey si Kevin palabas. I don't know where did they go." sagot ni Anne Gutierrez.

Bumagsak ang aking balikat at biglang nalungkot dahil sa narinig. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa pouch at napayuko. Noong mag angat ng tingin ay kinalabit ko si Lawrence at nginitian.

"Restroom lang ako." bulong ko.

"Samahan na kita." alok niya.

"Hindi na. Sa restroom ako pupunta." napangiti ako ng makitang mukhang narealize niya ang ibig kong sabihin. "Saglit lang ako. Babalik ako agad."

Tumango siya at nginitian ako. Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanila. Noong mahanap ang restroom ay agad akong pumasok doon. Tinignan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin at napabuntong hininga.

Why am I feeling this? Kanina lang ay ipinagpapasalamat kong wala silang dalawa dito pero ngayon.. pero ngayon gusto kong ipagdasal na makita silang dalawa dito.

Naisipan kong lumabas at pumunta sa pool area ng hotel para makalanghap ng sariwang hangin. Napatingala ako sa kalangitan at napangiti ng makita ang mga bituin.

Nasaan kaya sila? Magkasama ba silang dalawa? Lumapit ako sa pool at tinignan ang sarili sa tubig. Kung malalaman lang ni Lyca na si Kevin ang iniisip ko ngayon ay paniguradong sesermunan niya ako. Ilang beses ko pa namang sinabi sa kaniya na nakamove on na ako at kinalimutan ang kung anong nangyari sa amin pero heto na naman ako.

"Hey there beautiful." napalingon ako sa aking likod ng marinig ang hindi pamilyar na boses.

Nakita ko ang isang foreigner na naka itim na sando at boxer shorts lang. For sure ay hindi siya bisita ni Lawrence. Tumingin ako sa paligid at nakitang kaming dalawa lang ang nandito.

"Sorry." sabi ko at bahagyang yumuko. Aalis na sana ako pero nagulat ako ng bigla siyang humarang sa aking harapan.

"Why are you in a rush?" nakangising tanong niya dahilan para mapaatras ako. "Why are you alone?"

"I'm sorry but I have to go." kinakabahang sabi ko.

"Oh no, sweetie. I just got here. Let's enjoy the night first."

Humakbang ako paatras at noong tumingin ako sa aking likod ay isang hakbang na lang at mahuhulog na ako sa pool.

"Come baby. I'll make sure you'll enjoy this night." nakangising sabi niya.

Huminga ako ng malalim at handa ng sumigaw pero..

"Didn't you heard her? She said she needs to go now." natigilan ako ng marinig ang boses na iyon.

Tumingin ang lalaking foreigner sa kaniyang gilid kaya napatingin din ako doon.

"Kevin." bulong ko sa kaniyang pangalan.

Noong magtagpo ang aming mga mata ay nakahinga ako ng maluwag. Suddenly, I felt safe.

"And who are you?" inis na tanong noong foreigner. "Go and find some chick out there. I saw her first."

Ngumisi si Kevin at naglakad palapit sa amin.

"I'm sorry to say but I saw her first.. five years ago."

Napatakip ako sa aking bibig ng biglang sinuntok ni Kevin ang foreigner at bumagsak sa pool.

"Come." sabi ni Kevin at hinawakan ang aking kamay.

"Pero.." nag aalalang sabi ko at tinignan ang foreigner na masama ang tingin sa amin.

"What the hell is your problem?!" sigaw noong lalaki.

"Let's go." sabi ni Kevin at hindi na pinansin pa ang lalaki.

Wala na akong nagawa ng hilain ako paalis ni Kevin doon. Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa akin na para bang ayaw iyong bitawan.

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon