SHARLENE
Napabuntong hininga ako at sinulyapan siya habang kumakain. Nakagat ko ang pang ibabang labi at nag isip ng pwedeng mapag usapan.
"Hanggang kailan pala kayo dito?" naisipan kong itanong.
"I don't know yet.. maybe a month?" hindi siguradong sagot niya at hindi man lang tumingin sa akin. "How about you?" tanong niya at nag angat na ng tingin.
"I'm staying for a month." sagot ko at tipid siyang nginitian.
Tumango siya at inabala na muli ang sarili sa pagkain.
"Nandito din si Hailey? Hindi ko pa siya nakikita."
"Bukas pa siya darating." tumango ako at nanahimik na.
Suddenly, I feel like he's not Kevin anymore. Parang hindi siya yung lalaking humingi ng second chance last month but maybe.. maybe it's because I hurt him a lot when I told him that we should stop.
Nagsisisi ba siya sa mga sinabi niya? Did he already moved on? Nahuli na ba ako?
Binitawan ko ang hawak na kutsara at tinidor dahilan para mapunta sa akin ang kaniyang atensyon.
"Why? You didn't like the food? What do you like? I'll order it for you." sunud sunod niyang sabi at tumayo na palapit sa telepono.
Sinundan ko siya ng tingin at tumayo din saka naglakad palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. Naramdaman ko ang pagkatigil niya pero hindi na iyon pinansin pa at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
Napapikit ako at napangiti.
"I missed this.. I missed you." bulong ko. "Sobra." lalo kong idinikit ang sarili sa kaniya. "Simula ngayon, hindi ko na iisipin pa ang sasabihin ng iba. Hindi ko na hahayaang mawala ka pa ulit sa akin." dumilat ako at ngumiti. "Let's just think about us. Unahin na natin ngayon ang isa't isa."
Hinawakan niya ang aking kamay na nakayakap sa kaniya at humarap sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi na ikinangiti ko. Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo.. sa aking mga mata.. sa tungki ng aking ilong.. hanggang sa aking magkabilang pisngi..
"I love you." sambit niya na ikinamulat ng aking mga mata. "Don't ever leave me alone again. Hindi ko na kakayanin pa."
Tumango ako habang nakangiti. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at unti unting lumapit sa akin. Pumikit ako hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa akin. Humiwalay siya sa akin at nginitian ako.
"I love you, Sharlene. So much." bulong niya.
"I love you too, Kevin." nginitian ko siya at muling niyakap.
"Mahal na mahal kita." muling sabi niya na ikinalawak ng aking ngiti.
Right. This is my home. He is my home.
Paggising ko kinabukasan ay agad akong tumingin sa aking tabi at nalungkot ng makitang wala na doon si Kevin. Bumangon ako at nagpunta sa mini fridge para kumuha ng maiinom. Napangiti ako ng makita ang sticky note doon.
I have a shoot. Sandali lang 'yon kaya hintayin mo ako. Babalik ako agad.
BTW, good morning and I love you.
"I love you too." sabi ko habang nakatitig sa sticky note.
Tulad ng sabi niya ay hindi ako lumabas ng villa at nanood na lang sa netflix. Kanina ay may dumating na breakfast na paniguradong si Kevin ang nag order. Pagtingin ko sa oras ay nagulat ako ng makitang ala una na pala ng hapon. Hindi pa ako kumakain ng lunch. Matagal pa kaya siya? Tatawag na sana ako sa restaurant para mag order ng lunch ng may kumatok sa pintuan. Agad akong napangiti at tumakbo palapit doon para buksan.
"Kev..!" hindi ko natuloy ang pagbanggit sa pangalan ni Kevin ng makita kung sino ang nasa labas. Unti unting nawala ang aking ngiti ng makita kung sino ang bisita. "Marco."
"Expecting someone? Lunch tayo." nakangiting alok niya.
"Ha? Ano kasi eh.."
"So, you two are together again?" tumango ako bilang sagot at nginitian siya.
"Thanks for the advice. Nagkabalikan na kami."
Yumuko siya at narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Noong mag angat siya ng tingin ay nakangiti na siya sa akin.
"Congrats."
It should be a happy word but his face is the opposite of what he said. Natigilan ako ng maalala na bukod sa binigay niyang advice ay inamin niya munang gusto niya ako.
"Thanks." sabi ko na lang at tipid siyang nginitian. "I hope we're still friends?" patanong kong sabi.
"Of course. You're my first friend here in the island. I'm just here if you need a friend."