HAILEY
Suot ang puting dress na binili ko sa mall kahapon ay nagpunta na ako sa hotel kung saan gaganapin ang birthday celebration ni Lawrence.
Pagdating doon ay nakipagbeso ako sa mga artistang kakilala.
"You look stunning, Hailey." nakangiting sabi ni Anne. "By the way, where's Kevin?" tanong niya at sumilip pa sa aking likod.
"He'll be here later." nakangiting sagot ko kahit hindi sigurado kung pupunta ba siya.
Kevin prefers to sleep than to attend in this kind of gathering but I hope he'll come since it's Lawrence birthday.
Nakikipagkwentuhan ako sa mga kaibigan ko sa industriya ng may mapansin.
"Nasaan pala si Lawrence? Hindi ko pa siya nakikita." tanong ko.
"Umalis siya kanina. May susunduin daw." sagot ni Rico.
"Susunduin? But he's the celebrant." kunot noo kong sabi.
"He's smiling widely earlier. Baka susunduin ang date niya." sagot ni Anne at uminom ng wine.
Date? He's dating someone na? Bakit hindi ko alam yun? Isa pa, ipapakilala niya ngayon ang girlfriend niya? Halos karamihan ng nandito ay artista. May mga reporters at media din. Maraming mga nalilink sa kaniya. Sino kaya doon ang pinatulan niya?
"Oh! The birthday celebrant is finally here." nakangiting sabi ni Rico at tumayo pa.
Lumingon ako sa tinitignan niya at nanlaki ang mga mata ng makita kung sino ang kaniyang kasama. Napatayo ako at hindi inalis ang tingin sa kanilang dalawa.
"Wow. Who's that chick?" tanong ni Rico at tuluyan ng naglakad palapit sa mga bagong dating.
"Who is she? Ngayon ko lang siya nakita." tanong ni Anne.
Nagsimula na silang pagkaguluhan ng mga reporters. Naikuyom ko ang aking kamao at napangisi. She never fails to annoy me. Mabuti na lang at wala dito si Kevin. Napairap ako at inalis na sa kanila ang aking atensyon pero natigilan ako ng makita kung sino ang nakatayo malapit sa kanila.
"Kevin." bulong ko sa kaniyang pangalan.
Tahimik lang siyang nakatayo doon at pinapanood ang nangyayari pero alam kong nasa iisang tao lang nakatuon ang kaniyang mga mata. Tinignan ko si Sharlene at agad nakaramdam ng inis. Why does she need to ruin my day?
Agad akong napatingin kay Kevin ng makitang umalis na siya sa kaniyang pwesto kanina. Kinuha ko ang aking pouch at sinundan siya.
"Kevin!" tawag ko sa kaniya ng makarating kami sa pool area ng hotel.
Saglit lang niya akong nilingon at itinuon na ang mga mata sa madilim na kalangitan.
"Why are you here?" tanong niya at hindi man lang nag abalang lingunin ako.
"She's here."
"I know."
"Maybe she's with Lawrence na no? I mean, we all know that Lawrence likes her ever since." sabi ko at pinanood ang reaksyon niya.
"They're not together." natawa ako ng mahina dahil sa sigurado niyang sagot.
"Paano mo naman nasabi? Nakita mo ba kung paano protektahan ni Lawrence si Sharlene sa mga reporters kanina?"
"I just know that they're not together." pagpipilit niya.
"Why do you like her? Why do you still like her?" nasasaktan kong tanong.
Nilingon niya ako at nakita ko ang pagod sa kaniyang mga mata. Pagod dahil sa paulit ulit kong tanong. Pagod na sa pagpapaintindi sa akin ng nararamdaman niya.
"I don't like her." seryoso niyang sabi. Napangiti ako sa narinig at nagkaroon ng pag asa pero agad din iyong nabura dahil sa sunod niyang sinabi. "I love her. So please, stop asking me that question because my answer will always be the same. I don't want to hurt you anymore, Hailey. You're my friend and that relationship is the only one I can give to you. I can't love you the way you want me to feel about you. Hindi ko kayang bitawan si Sharlene. Hindi ko kayang bitawan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ayaw kong tuluyan siyang mawala sa akin." nakagat ko ang pang ibabang labi ng magsimulang tumulo ang aking mga luha. "I love her and she will be the last woman I'll ever love."
•••••••••••••••••
Their outfits for Lawrence's birthday celebration..
Lawrence's Outfit

Hailey's Outfit

Kevin's Outfit

Sharlene's Outfit

