SHARLENE
Nagulat ako ng bigla siyang pumasok at banggain pa ako sa balikat. Wala na akong nagawa kundi ang isarado ang pintuan at puntahan siya. Pag upo niya sa sofa ay tinanggal niya ang kaniyang shades at tinignan ako ng masama.
"So, it's true? You're really here?" ngumisi siya at napailing. "Why? Where did you heard that we're going here? Nilalandi mo na naman ba si Kevin ha? Talaga bang hindi ka titigil?"
"Wala akong nilalandi. Isa pa, mas nauna akong dumating dito kaysa sa kaniya." naupo din ako sa sofa at itinuon sa kaniya ang atensyon. "Why are you here?"
"May nakakita kay Kevin kagabi na dumiretso dito pagkatapos ng taping namin. Did you know what you're doing? Pwede niyang ikasira itong ginagawa mo." napabuntong hininga ako.
"As what you said, siya ang pumunta dito. Hindi ako ang pumunta sa kaniya. Ano ba talaga ang inaalala mo? Ang ikasisira niya o yung katotohanang kahit ikaw ang kasama niya sa nakaraang limang taon ay ako pa din ang gusto niya at binalikan?"
Kitang kita ko kung paano siya natigilan at ang unti unting pagkalat ng inis sa kaniyang magandang mukha.
"What did you say?" nagtitimpi niyang tanong at tuluyan ng tumayo.
"Bakit? Totoo naman di ba? I know you like him." kalmado kong sabi kabaliktaran sa kaniyang nararamdaman ngayon. "But I'm sorry. Kevin and I are still in love with each other. Maganda ka naman. Bakit hindi ka humanap ng lalaking mamahalin ka?"
"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya. "Noong iniwan mo siya ako ang kasama niya! Ako ang nasa tabi niya habang nasasaktan siya!"
Tumayo na din ako at tinignan siya ng mariin.
"Then why you didn't do your best to make him love you? Bakit parang ako na ang may kasalanan dito? Limang taon akong wala sa tabi niya. Limang taon kaming hindi nagkita. Kung ganyan mo siya kagusto bakit hindi mo ginawa ang lahat para magustuhan ka din niya?"
Lalong sumama ang tingin niya sa akin at hindi na ako nagulat noong sampalin niya ako.
"Stay away from him!" nanggigigil niyang sabi. "Umalis ka ulit! Iwan mo siya ulit! Just stay away!" sigaw niya.
"Wala kang karapatan para diktahan kami. Ikaw ang lumayo, Hailey. Dahil mula noon hanggang ngayon ay hindi naman siya naging sayo." naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan iyon. "Umalis ka na. Wag mong sirain ang araw ko."
Padabog niyang kinuha ang kaniyang shades at muli iyong sinuot.
"Iiwan ka din ulit niya. Who knows, baka kaya ka niya binalikan ay para gumanti dahil sa pang iiwan mo sa kaniya?" huling sabi niya bago tuluyang umalis.
Napailing na lang ako at isinarado na ang pintuan. Napabuntong hininga ako at naupo muli sa sofa.
I know Kevin will never do that. Hindi siya ang lalaking gagawa ng ganoon. Naisipan ko na lang maligo at kumain sa labas. Maaga akong nastress dahil kay Hailey kaya naman kailangan ko naman lumanghap ng sariwang hangin.
Paglabas ko sa aking villa ay nakasabay ko pa si Marco na kalalabas lang din sa sariling villa.
"Sharlene! Good morning!" ngiting ngiti niyang sabi.
Napangiti din ako at kumaway sa kaniya. Namulsa siya at naglakad palapit sa akin.
"Kamusta?" nakangiting tanong ko.
"I'm fine. Akala ko magkukulong ka na dyan sa loob ng villa mo eh."
"Hindi naman. Saan ka pupunta?"
"Resto. Kakain ako ng breakfast. Ikaw? Nasaan yung boyfriend mo?"
"May taping." bulong ko sa kaniya.
Natawa siya dahil sa pagbulong ko.
"Tara? Let's eat."
Ngumiti ako at tumango bilang sagot.
"Are you two still secretly dating?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa restaurant.
"Oo." ngumiti ako ng tipid.
"Isn't it hard? You can't date freely. Hindi kayo makapunta sa mga lugar na gusto niyong puntahan na magkasama."
"It's okay. He already told me na hihinto na siya sa pag aartista."
"Really?" gulat niyang tanong. "Then he must be so in love with you para bitawan niya ang career niya para makasama ka."
Napangiti ako at tumango.
"Tingin mo?" ngiting ngiti kong tanong.
"You look so happy and I'm happy for you too."
"Thank you Marco for the advice." huminto ako sa paglalakad dahilan para huminto din siya. Nginitian ko siya. "Kung hindi mo sinabi iyon baka hindi pa ako magkakalakas ng loob para subukan ulit."
"You deserved it. You deserved to be happy. So, stay happy okay?"
Napangiti ako at tumango.
"I hope you'll find your own happiness too, Marco. You also deserve it."