SHARLENE
Pinigilan ko si Lawrence na umalis. Sa mukha pa lang niya ay alam ko nang si Kevin ang pupuntahan niya at kapag hindi ko siya pinigilan ay hindi maganda ang mangyayari.
"Wag." mahinang sambit ko.
"Ako na ang kakausap sa kaniya." desididong sabi niya.
"This is our problem. This is our relationship." natigilan siya at bumuntong hininga.
"Sharlene."
"Thank you for comforting me, Lawrence." nginitian ko siya bago ako tuluyang umalis.
Nang makabalik sa mga kasama namin ay si Kevin ang una kong napansin. Hawak hawak ang cellphone at mukhang may tinatawagan. Natigil ako sa paghakbang at napatitig sa kaniya. Tinignan ko ang aking cellphone at nakita doon ang ilang text at missed call niya. Ibinalik ko sa kaniya ang tingin dahil ayaw kong sagutin ang kaniyang tawag.
"Sharlene!" sigaw ni Lyca sa aking pangalan pero nanatili ang aking tingin kay Kevin.
Nang marinig ang aking pangalan ay agad niyang inilibot ang paningin sa paligid hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. Kitang kita ko ang paghinga niya ng maluwag. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan at pinanood lang siyang naglalakad palapit sa akin.
"Where did you go? I got worried. Are you okay?" nag aalalang tanong niya.
"Mag usap tayo pagbalik sa Manila." sa sobrang dami kong gustong sabihin sa kaniya ay hindi ko din alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig.
"What? Why? What happened?" naguguluhang tanong niya.
"Sa Manila na lang tayo mag usap. I just need time to think." huling sabi ko at iniwan na siya doon.
Hindi ko na naenjoy pa ang huling araw naming pag stay sa Baguio. Sumunod lang ako sa mga kaklase namin para hindi mapag iwanan. Lyca knew that something happened pero hindi siya nagtatanong na ipinagpasalamat ko din naman. Gusto kong kami muna ni Kevin ang mag usap at ayusin ang problema.
Magkatabi pa rin kami sa bus pero hindi kami nag uusap. Alam kong ilang beses na niyang gustong magsalita pero pinipigilan niya ang sarili. I stayed quiet the whole time. Gusto ko na ngang kausapin si Hailey pero hindi ko itinuloy. Paano pala kung napraning lang talaga ako at nagkataon lang na magkasama sila? Ayaw ko namang mapahiya.
"Bes, okay ka lang ba talaga? Gusto mo samahan kita?" nag aalalang tanong ni Lyca noong makarating kami sa school.
"Okay lang ako. Sa monday na lang tayo mag usap." sabi ko at nginitian siya.
"Okay fine. Una na ako ah."
Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya.
"Sharlene." huminga ako ng malalim at hinarap si Kevin.
Bigla kong naramdaman ang pagkamiss ko sa kaniya noong muli kong matitigan ang kaniyang mukha.
Nagpunta kami sa malapit na park at doon napagdesisyunang mag usap.
"Now tell me what happened." sabi niya pagkaupo namin. "Did I do something wrong?"
"Bakit magkasama kayo ni Hailey?" tanong ko na ikinatigil niya.
"You saw us?" tumango ako bilang sagot. Huminga naman siya ng malalim at nginitian ako. "Akala ko kung ano ng nangyari." kinuha niya ang aking kamay at hinawakan iyon. "She said she likes me pero syempre sinabi kong ikaw ang gusto ko. I'm sorry, sasabihin ko din naman sayo pero hindi mo ako kinakausap kaya nakalimutan ko na din. Nagfocus ako sa pag iisip ng mga dahilan kung bakit ka nagkaganyan."
"So, hindi mo tinanggap yung pag amin niya?"
"I already have you."
"Talaga? Hindi ka ba nagdalawang isip noong umamin siya? She's Hailey. Maganda, matalino, sexy, sikat tapos.." hindi ko na naituloy ang ibang sasabihin ng bigla niya akong patakan ng halik sa labi.
"I don't care. Ang mahalaga sa akin ay ikaw. She's Hailey but you're my Sharlene." ngumiti siya at niyakap ako. "Don't get jealous to some girls dahil wala na akong pakialam sa kanila."
Ngumiti ako at niyakap din siya.
"I'm sorry. Hindi kita kinausap para sa mababang dahilan."
"It's okay. I understand."
"Sorry talaga." pag uulit ko at humiwalay na sa kaniya. "Napaka walang kwenta nang dahilan ko tapos wala lang naman pala."
Ngumiti siya at inayos ang aking buhok.
"Just don't do it again. Mas gusto kong pag usapan natin agad ang problema kaysa patagalin ng ilang araw."
Tumango ako at nginitian siya.
Maybe I really like him kaya naiinsecure ako ng ganito. Kaya madali akong magselos. Or baka dahil siya ang first boyfriend ko kaya hindi ko alam ang dapat na gawin. But I'm happy that he's my first boyfriend. Understanding at kaya akong pagtiyagaan.
I'm hoping that he'll be my last too..
But it never happened..
Because I have to let him go..