SHARLENE
Ibinaba ko ang aking bag sa sahig at naupo sa aking kama. Kakabalik ko lang galing sa kabilang isla kasama si Marco. Ni hindi ko nga namalayan na tapos na pala kaming mag island hopping dahil hindi mawala sa aking isipan ang sinabi niya kanina.
"Wag mong isipin ang mga mangyayari kapag binalikan mo siya. Isipin mo yung mangyayari kapag pinakawalan mo pa siya."
Should I give it a try? Should we try it again?
Sa lumipas na limang taon ay wala akong ibang lalaking nagustuhan. Ayaw ko mang aminin sa aking sarili pero aminado akong si Kevin pa rin ang laman ng puso ko. Ni hindi ko sinubukang makipagdate sa ibang lalaki kahit pa pinipilit ako ni Lyca. Palagi kong sinasabi na busy ako sa trabaho at walang oras para sa lovelife pero ang totoo ay may hinihintay ako.. pero ngayong nandito na siya ulit at handa akong tanggapin kahit ako ang nang iwan sa kaniya ay hindi ko magawang maging masaya.
Napayuko ako kasabay ng pagpatak ng aking luha. Agad kong pinunasan iyon pero tumigil din noong nagsunud sunod na ang pagtulo noon sa aking pisngi.
Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang number niya. Saglit nagtalo ang aking puso at isip kung tatawagan ko ba siya.. pero sa huli ay pinili kong makausap siya.
Pinunasan ko ang aking basang pisngi habang hinihintay na sagutin niya ang aking tawag.
"Why?"
Agad bumilis ang tibok ng aking puso noong marinig ang kaniyang boses.
"A-are you busy?" kinakabahang tanong ko.
"Yes." maikling sagot niya.
Malungkot akong napangiti at pinilit na siglahan ang boses. Napalunok ako at huminga ng malalim.
"Okay. Sorry sa istorbo."
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at pinatay na ang tawag. Saglit akong napatitig sa aking cellphone bago iyon binitawan. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para makaligo at makapagpahinga na. Maybe I'm just tired kaya kung anu ano na naman ang naiisip ko.
Suot ang aking kulay purple na night dress ay handa na akong humiga sa aking kama nang biglang may kumatok sa pintuan. Napakunot noo ako at nagsuot ng jacket bago tignan kung sino ang kumakatok.
Nang buksan ko ang pintuan ay nagulat ako ng bumungad sa akin si Kevin na hinihingal pa. Halatang tumakbo papunta dito.
"Kevin." gulat kong banggit sa kaniyang pangalan.
"I'm sorry. I needed to finish our shoot earlier. Why did you call?" hinihingal niyang tanong.
"Ha? Ah." sa sobrang gulat ay nakalimutan ko na kung bakit ko nga ba siya tinawagan kanina.
Bumaba ang tingin niya sa aking katawan pero agad din namang iniiwas ang mga mata. Nanlaki ang aking mga mata ng marealize ang aking suot ngayon. Agad kong isinarado ang zipper noon at iniyakap ang jacket sa aking katawan. Wala akong suot na bra!
"L-let's talk inside." nauutal niyang sabi at nauna pang pumasok kahit hindi pa naman ako pumapayag.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa mabilis na pagtibok ng aking puso. Siya itong tumakbo papunta dito pero pakiramdam ko ay ako itong mas hinihingal. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago isinarado ang pintuan.
Tinignan ko lang siya na nakaupo sa sofa habang inililibot ang paningin sa aking kwarto.
"The guy earlier? Are you with him?" tanong niya noong magtagpo na ang aming mga mata.
"Si Marco? Nakilala ko lang siya dito." tumango siya at parang nakahinga ng maluwag ng marinig ang aking sagot. "Bakit pumunta ka pa dito? Dapat nagpahinga ka na."
"Why did you call?"
"Wala lang." sagot ko at naupo sa aking kama paharap sa kaniya.
"Kumain ka na ba?" sunod niyang tanong na ikinatigil ko.
Ngayong natanong niya iyon ay saka ko naramdaman ang gutom. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain ng dinner.
"Tapos na." pagsisinungaling ko.
Napahawak ako sa aking tiyan ng bigla iyong kumalam.
"I'll order food. Let's eat together."
Yumuko ako para maitago ang ngiting gustong kumawala sa aking labi.
Noong may kumatok ay sabay pa kaming tumayo. Nagkatinginan kami kaya naman nginitian ko siya.
"Ako na ang kukuha ng pagkain."
"Wearing that?" kunot noong tanong niya at tinuro pa ang aking suot. "Nope. Ako na ang kukuha. Paniguradong lalaki yan."
"Pero baka makilala ka."
"It's okay. Kaysa naman makita ka niyang ganyan."
Nakagat ko ang pang ibabang labi at napangiti. Muli akong naupo sa aking kama at hinintay na lang siya.
I suddenly realized that I still want him. I still really really want and love him.
