SHARLENE
Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na naman akong napabuntong hininga. Umayos ako ng higa at nagtalukbong ng kumot.
Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya kanina? As in, kami? Kaming dalawa? We're already dating? Ibig bang sabihin nun mag dyowa na kami? Wala ng ligaw ligaw, ganun?
Inalis ko ang kumot sa aking mukha at kinuha ang aking cellphone. Saglit akong nakatitig doon bago nagpasyang tawagan si Kevin. Tulad noong unang beses na tinawagan ko siya ay isang ring pa lang sinagot na niya agad. Hinihintay ba niya ang tawag ko?
"Hello." halos kilabutan ako ng marinig ang malalim niyang boses.
Jusko! Dyowa ko na ba 'to?!
"Hinihintay mo ang tawag ko? Ang bilis mong sagutin eh." kapal mukha kong sabi.
"Yup. I'm waiting for your call."
Sobrang honest naman ng lalaking ito! Feeling ko aatakihin ako sa puso dahil sa mga sagot niya eh.
"Hindi ka man lang nagdeny."
"Why would I deny it? Kanina ko pa gustong tumawag pero ayaw kong maistorbo ka kung sakaling natutulog ka na kaya naghintay na lang ako."
Napanguso ako hanggang sa unti unting mapangiti. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi makalikha ng kahit anong ingay. Nakakakilig naman ito! Ganito pala ang feeling kapag may dyowa?
"Kinikilig ka?" tanong niya na ikinataranta ko.
"Anong kinikilig? Hindi no! Feeling mo naman." pagsisinungaling ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya na ikinatigil ko. "Pwede bang makita kitang tumawa o ngumiti bukas?"
Saglit siyang natahimik kaya babawiin ko na sana pero nagulat na lang ako sa kaniyang naging sagot.
"Okay. Since I'm going to be with you in the next days, I'll smile and don't forget that you are the reason for that smile."
Parang hinaplos ang aking puso ng marinig ang mga salitang iyon. Kevin looks so cold in the outside but knowing that he's this soft makes my heart flutter. Sobrang saya ko dahil ako ang nakakakita at nakakarinig sa ganitong side niya.
"Kailan mo nalaman na gusto mo na pala ako?"
"I don't know? But maybe when I saw you wearing other guys shirt. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ayaw kong makita ka na suot ang damit ng ibang lalaki." mahina akong natawa at napailing na lang.
"So, you're the jealous type?" pang aasar ko sa kaniya.
"Maybe."
Alas dose na yata ng gabi noong nagsabi akong matutulog na ako. Kung anu ano lang ang mga pinag usapan namin. Kung hindi pa nga ako nagsabi ay baka inabot na kami ng alas singko ng umaga sa pag uusap.
Kahit puyat ay maaga akong gumising at nag ayos. May usapan kasi kami ni Kevin na magkikita sa harap ng school at sabay na magbbreakfast sa cafeteria. Sa unang pagkakataon ay naglagay ako ng kaunting liptint. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang basa kong buhok at mamaya na lang itatali kapag natuyo. Muli kong tinignan ang aking itsura sa salamin bago tuluyang lumabas.
Habang nakasakay sa jeep ay magkatext kami. Nandoon na daw siya kaya bilisan ko.
To: Kevin
Ako ba ang nagddrive ng jeep?From: Kevin
Gusto na kitang makita.Mahina akong napahagikgik ng mabasa iyon. Parang sira 'to.
To: Kevin
Magkasama naman tayo kahapon ah.From: Kevin
I wish you're here with me every second of my life.Pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi kaya naman itinago ko na ang aking cellphone at hindi na muna siya nireplayan. Grabe din pala magpakilig ang lalaking iyon. Ilan na kayang babae ang nasabihan niya nun? Sa isiping iyon ay bigla akong nakaramdam ng inis.
Nang makarating sa school ay huminto ako sa paglalakad at tinitigan lang muna si Kevin. Nakapamulsa siya at mukhang matiyagang naghihintay sa akin. Para siyang isang modelo na tinamad na sa loob ng magazine kaya naisipang lumabas. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at tinext siya.
To: Kevin
Hindi ako makakapasok. May emergency.Bumalik ang aking atensyon sa kaniya noong maisend iyon. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at biglang umayos ng tayo. Nalipat ang aking tingin sa cellphone ko noong magvibrate iyon.
Kevin calling..
"Where are you? What happened? Pupuntahan kita." sunud sunod niyang sabi noong sagutin ko ang tawag.
Pinanood ko lang ang kaniyang ekspresyon hanggang sa magsimula na siyang humakbang at mag abang ng masasakyan. Kitang kita ko sa kaniyang mukha ang pag aalala.
"Hey! Sharlene! What the hell is happening? Are you okay?"
"I like you too."
"What?"
"I'm already here."
Ngumiti ako noong magawi na sa akin ang kaniyang tingin. Pinatay ko na ang tawag at naglakad na palapit sa kaniya.
"Good morning." nakangiting bati ko noong makalapit sa kaniya pero niyakap niya ako na ikinagulat ko.
"I got worried. Don't ever do that again."