COY 4

228 18 1
                                    

SHARLENE

"Hindi nga ganyan. Wala ka bang emosyon?" masungit na tanong ni Kevin.

"Wow ha. Sayo pa talaga nanggaling yan?" tinitigan niya ako ng matalim na ikinatahimik ko. "Okay. Aayusin ko na nga sabi."

Pagkatapos naming mag usap kanina ay pumasok muna kami sa klase at ngayon nga ay nandito kami sa gymnasium para aralin ang aking script.

"Dalian mo na. Dalawang oras na lang bago magsimula ang audition."

Huminga ako ng malalim at tumango. Umiling naman siya at nagulat na lang ako sa sunod niyang sinabi.

"Babasahin ko ang script ni Lawrence. Pumasok ka sa eksena mo."

"Okay." sagot ko na lang.

"Kung hihilingin ko bang sana manatili ka na lang dito, gagawin mo? Mapagbibigyan mo ba ako? Hindi mo ba ako iiwan at mananatili lang sa tabi ko? Kung sasabihin ko bang mahal kita, paniniwalaan mo?"

Natigilan ako dahil sa emosyong nakita ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay tumagos sa aking puso ang mga salitang binitawan niya kahit alam kong peke lang naman iyon. Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng emosyon ang kaniyang mga mata.

"Huy!" nabalik ako sa reyalidad ng pumitik siya sa aking harapan. "Ano? Natameme ka na diyan?"

"Wow." iyon ang unang lumabas sa aking bibig. "Ang galing mo. Bakit kaya hindi ka na lang din mag audition?"

"Tss. Bilisan mo na."

Nakagat ko ang pang ibabang labi at parang lalong hindi na kinaya dahil nandito siya sa aking harapan.

"Pwede bang ulitin mo yung sinabi mo kanina? Promise, magsasalita na din ako."

Umiling iling siya at tumitig sa aking mga mata.

"Kung hihilingin ko bang sana manatili ka na lang dito, gagawin mo? Mapagbibigyan mo ba ako? Hindi mo ba ako iiwan at mananatili lang sa tabi ko? Kung sasabihin ko bang mahal kita, paniniwalaan mo?"

"Mahal mo ba ako dahil mahal mo ako o mahal mo ako dahil ako na lang ang natitira sayo?" pagbanggit ko sa aking linya.

"Gusto kong nasa tabi kita, gusto kitang makasama, gusto kitang palaging nakikita. Hindi pa ba pagmamahal iyon?"

"Baka kailangan mo lang ng makakasama kaya nararamdaman mo ang mga iyan. Baka kapag nakahanap ka na ng ibang makakapagpasaya sayo ay iwan mo lang din ako sa bandang huli."

Pareho kaming natigilan ng biglang may pumalakpak. Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Mrs. Guzman, ang adviser ng theatre club.

"What's your name hijo?" nakangiting tanong niya kay Kevin. "Your acting is so good. Para kang professional!"

Pagtingin ko kay Kevin ay nasa akin ang kaniyang tingin.

"I'm just helping her. Siya ang mag aaudition."

Saglit lang akong pinasadahan ng tingin ni Mrs. Guzman pero ibinalik din niya agad ang tingin kay Kevin.

"Join us. Kailangan namin ang mga may potential na kagaya mo. Hihintayin kita mamaya sa theatre room." nakangiting sabi ni Mrs. Guzman at umalis na din.

Nginitian ko si Kevin na wala na namang emosyon.

"Congratulations. Siguro nga ay hindi talaga para sa akin ang pag arte. Pumunta ka mamaya, kahit ako nadala sa pag acting mo eh." nakangiting sabi ko.

"I'm not interested." walang gana niyang sabi.

"Bakit naman? Pumunta ka, susuportahan kita."

Inabot niya sa akin ang script na hawak bago kinuha ang kaniyang bag at naglakad na palayo.

"Aalis na ako."

"Uy! Teka lang!" kinuha ko na din ang aking bag sa lapag at tumakbo na para sundan siya. "Bakit ayaw mong pumunta? Magaling ka naman ah." hinihingal kong sabi ng maabutan siya.

"Wag ka ng makulit." masungit niyang sabi.

"Sige na. Pumunta ka na. Sasamahan kita." pangungumbinsi ko sa kaniya.

"Anong akala mo sa akin? Bata?"

"Ikaw naman. Susuportahan kita bilang kaibigan hindi bilang magulang no."

"Who says we're friends?"

"Sungit mo talaga. Edi bilang classmate na lang. Dali na, papanoorin kita mamaya. Kapag naging actor ka na talaga sa theatre club palagi akong manonood ng mga play mo."

Ngiting ngiti ako habang tinitignan si Kevin na naglalakad palapit kay Mrs. Guzman. Mabuti naman at napilit ko siyang pumunta dito. Alam kong magiging magaling siyang aktor.

"Sharlene?" napatingin ako sa tumawag sa akin at unti unting nabura ang aking ngiti ng makita si Lawrence.

"I heard from Katelyn na hindi ka na daw mag aaudition. Why? Did something happened?"

"Ah, wala naman. Hindi kasi talaga ako marunong umarte eh. Sorry."

"Ganoon ba? Well, hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo talaga." napunta ang kaniyang tingin sa aking bandang likuran pero agad din namang bumalik ang kaniyang atensyon sa akin. "You know that guy, right?"

Tumingin din ako sa tinignan niya kanina at nakitang naglalakad na palapit si Kevin sa akin.

"Ah oo. Classmate ko siya." sagot ko pero nanatili ang tingin sa mukha ni Kevin na wala na namang kaemo-emosyon.

Napangiti na lang ako.

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon