COY 3

255 19 2
                                    

SHARLENE

"I want you to audition to the theatre club for my new leading lady." narinig ko pa ang pagsinghap ng mga taong nakapalibot sa amin.

Literal na nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig. Ako? As in me? Seryoso ba siya dyan? Walang halong biro?

"Ah sorry kaso wala kasi akong hilig sa pag arte eh." awkward kong sagot.

"Why? Isang tingin ko pa lang sayo, alam kong magaling ka na. Just give it a try." ngumiti siya na halos ikalusaw ng aking puso.

"Okay." wala sa sarili kong sagot na talagang ikinagulat ko.

Jusko naman Sharlene! Nagpadala ka na naman agad sa emosyon! Ang rupok mo girl!

"Girl, seryoso ka ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Lyca habang naglalakad kami papunta sa bahay.

"Nahypnotize ako te." sagot ko at napahinga na lang ng malalim. "Pero susubukan ko, malay naman natin ito na ang maging daan para magkaspark kami di ba?" pampalubag loob ko sa aking sarili.

"Te, bago kayo magkaspark eh mapapahiya ka muna sa harap niya dahil wala ka namang talent sa pag acting." nilingon ko siya at tinignan ng masama.

"Tulungan mo na lang ako! Wag mo na akong idown pa lalo." nakasimangot kong sabi.

Umiling iling siya at parang hindi na alam ang gagawin sa akin. Lalo akong napasimangot at gusto na lang sabunutan ang sarili dahil sa aking pagpayag. Bakit ba ang rupok ko pagdating sa kaniya? Hay buhay!

Nakagat ko ang pang ibabang labi at tumango habang nakatingin sa aking salamin. Keri ko 'to! Umubo ubo ako at binasa na ang script na ibinigay sa akin ni Lawrence kanina.

"Mahal mo ba ako dahil mahal mo ako o mahal mo ako dahil ako na lang ang natitira sayo?" umiling iling ako. "Kulang sa emosyon." huminga ako ng malalim at muling binasa ang linyang iyon.

Alas tres na ng umaga pero hindi ko pa din mabigyan ng tamang emosyon ang linyang kailangan kong sabihin sa audition mamaya. Ilang beses ko na iyong inulit ulit pero wala pa din. Mukhang magkakatotoo ang sinabi ni Lyca na mapapahiya muna ako sa harapan ni Lawrence bago pa kami magkaroon ng spark o baka nga wala pang spark na mangyari eh.

Noong sumapit ang umaga ay hindi ko alam kung papasok ba ako. Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto noong bumukas iyon at pumasok si Mama.

"Bakit nakahiga ka pa dyan? Malelate ka na." sabi niya at lumapit sa bintana para buksan ang kurtina.

Napapikit ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata.

"Tinatamad akong pumasok, Ma." sagot ko at nagtalukbong ng kumot.

"Hindi ako nagtatrabaho para sayangin mo ang perang ibinabayad ko sa eskwelahan mo ah." panenermon niya.

Bumangon na ako at inalis na sa aking katawan ang kumot.

"Joke lang, Ma. Ikaw naman oh." nangingiting sabi ko at dumiretso na sa aking banyo para maligo.

Hawak hawak ko ang script na ibinigay ni Lawrence kahapon. Balak ko na itong ibalik sa kaniya at sabihing hindi ko talaga kayang umarte.

Papunta na ako sa aming classroom ng makita ko si Kevin. Tss. Aga naman oh! Lalagpasan ko na sana siya pero napahinto ako ng marinig ang kaniyang sinabi.

"You want help?"

"Saan?" kunot noong tanong ko. Itinuro niya ang script na aking hawak. "Ah ito ba? Hindi na. Hindi ko naman itutuloy."

"Why?" walang emosyon niyang tanong.

"Wala lang." sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

"I'll help you."

Hindi na ako nakapalag pa noong hilain niya ako papunta sa kung saan.

"Teka lang. Saan tayo pupunta?" tanong kong hindi naman niya sinagot. "Huy!"

Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang kaming dalawa lang ang nandito. Malamang naman, Sharlene. Magsisimula na kaya ang klase.

"Magsisimula na ang klase. Bumalik na tayo. Baka mapagalitan pa tayo sa ginagawa mo eh." sabi ko.

"Practice here. Makikinig ako." desididong sabi niya.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" takang tanong ko. "Ano bang pakialam mo kung pumasa ako o hindi sa audition?"

"You like that guy right?" tanong niya na ikinagulat ko.

"P-paano mo nalaman?"

"It's so obvious and since I upset you yesterday I'll help you to pass the audition."

"Wag na. Hindi na kailangan." pagtanggi ko. "Nainis ako sa ginawa mo kahapon pero okay na ako ngayon. Kalilimutan ko na lang na ginamit mo ako para maiwasan si Cindy."

"Kahit hindi mo sabihin alam kong gusto mong makapasa sa audition para makasama ang lalaking iyon. So I'm here. Offering my help to you for free."

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon