COY 11

205 17 3
                                        

SHARLENE

Napangiti ako habang pinapanood na kumain si Kevin. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Mukhang galit pa din dahil sa panloloko ko sa kaniya kanina.

"Galit ka pa? Baka hindi na bumalik sa dati yang kilay mo." sabi ko at pinilit na ayusin ang magkasalubong niyang kilay.

"Akala ko kung anong nangyari sayo." masungit niyang sabi.

"Sorry na nga. Kalimutan mo na yun. Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon mo."

Umiling siya at bumalik na sa pagkain.

"Kumain ka na din." tumango ako at nginitian siya.

Siguro ay sasabihin ng iba na masyado pang maaga para maging kami ni Kevin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari pero okay lang. Handa akong sumugal para sa relasyong ito. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong maging masaya. Maybe Lawrence is just a crush to me. Hanggang doon lang.

After kumain ay dumiretso na din kami sa classroom. Naghihinalang mga mata ni Lyca ang sumalubong sa akin. Tinawanan ko na lang siya at naupo na sa aking pwesto.

"Bakit sabay kayo ha?" nang uusisang tanong ni Lyca.

"Nagkita lang kami sa labas." pagsisinungaling ko.

Sinabi ko kay Kevin na wag na muna naming ipaalam na kami na dahil baka pag initan lang ako ng mga fangirls niya. Ayaw niyang pumayag pero sa kakakulit ko sa kaniya ay wala na din siyang nagawa kundi ang pumayag. Isa pa, malalagot ako kay Mama kapag nalaman niyang may boyfriend na ako. Siguro ay ipapakilala ko na lang siya kapag nakagraduate na kami ng grade 12. Wala din namang maghihinala kung palagi kaming magkasama dahil alam naman nilang ako ang student manager niya.

"Next month na ang tour natin sa Baguio kaya maghanda na kayo at magpaalam sa mga magulang ninyo. It will be a 3 days and 2 nights tour. Sana makasama kayong lahat. Ito na ang last tour ninyo sa high school bago kayo pumasok sa college." lahat ay na excite sa sinabi ni Mrs. Rivera.

Nakakalungkot lang dahil next year ay magkokolehiyo na kami.

Kevin will remain an actor in our theatre club kahit magcollege siya since dito na din naman siya mag aaral. Pwede pa siyang makakuha ng scholarship kapag nagustuhan siya ng President ng school. That is one of the benefits of being a theatre actor.

"Nabalitaan mo na ba?" bulong ni Lyca habang nagsasalita si Mrs. Rivera sa harapan.

"Ano yun?" tanong ko at pinanatili sa harap ang tingin.

"Narinig ko kanina habang naglalakad ako papunta dito na may balak si Lawrence na ligawan ka." masayang bulong niya.

Parang huminto sa pag ikot ang aking mundo at hindi alam ang irereact. Noong mahimasmasan ay agad kong nilingon si Kevin. Takot na baka narinig niya iyon. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang abala siya sa pagbabasa ng libro. Siguro naman ay hindi niya iyon narinig di ba?

"Saan mo na naman narinig yan?" tanong ko kay Lyca ng ibalik ko sa kaniya ang atensyon. "Wag kang maniwala sa mga yun. Fake news yan."

"No girl. Legit ito. Kay Katelyn ko mismo narinig."

"Katelyn?" kunot noo kong tanong.

"Oo. Yung president ng theatre club."

Hindi na ako nagsalita at nakinig na lang kay Mrs. Rivera. Wala naman akong pakialam kung sakaling totoo nga na gusto akong ligawan ni Lawrence. Siguro kung noon ito nangyari ay tumatalon na ako sa tuwa. Pero sa ngayon ay mas iniisip ko ang magiging reaksyon ni Kevin kapag nalaman niya iyon.

Noong maglunch break ay sila Lyca at Kevin ang kasabay ko. Alam kong gustong magtanong ni Lyca kung bakit kasama namin si Kevin pero mukhang pinipigilan naman niya ang kaniyang sarili.

"Yan lang ang kakainin mo?" kunot noong tanong ni Kevin ng makita ang laman ng aking plato.

"Busog pa ako eh. Marami akong nakain kanina nung nagbreakfast tayo."

"Kaunti yan. Dagdagan mo pa. Nagpapasexy ka ba?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Nagpapasexy agad?" natatawang tanong ko.

Napaatras ako ng bigla niyang ilapit ang kaniyang mukha sa akin. Ngumisi siya at bumulong sa akin.

"Gusto kitang halikan. Wag ka masyadong tumawa."

Ramdam ko ang pag init ng aking pisngi kaya naman pabiro ko siyang itinulak at nauna ng maupo.

"Nakita ko yun." bintang ni Lyca noong tumabi na ako sa kaniya. "You can't deny! Kayo na 'no?"

"Hindi nga. Inaasar niya lang ako."

"Hindi daw. Eh, bakit pulang pula ang mukha mo?"

"Mainit?" patanong kong sagot. "Kumain ka na nga dyan!"

Akala ko ay talagang nanahimik na siya pero tumigil lang pala siya dahil dumating na si Kevin. Napatingin ako sa pineapple juice na inilapag niya sa aking harapan. Nang tignan ko siya ay kinindatan niya lang ako at naupo na din.

Mabilis kaming mahahalata dahil sa mga ginagawa niya eh. Hay.

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon