COY 43

208 16 14
                                    

SHARLENE

A month after we confirmed that I am pregnant.. Kevin already said goodbye to his fans. Marami ang nalungkot sa kaniyang naging desisyon pero mayroon din namang umintindi at natuwa noong malaman na ang dahilan ng pagtigil niya sa kaniyang acting career ay dahil gusto na niyang bumuo ng sariling pamilya.

Napag usapan na din namin kasama ang aming mga parents ang petsa ng aming kasal which is exactly 2 weeks from now. Sobrang saya nila at excited na din na makita ang kanilang magiging apo. Tulad din ng aming napag usapan ay doon na ako nakatira sa condo ni Kevin. So far, so good naman ang naging pagsasama namin. Hindi din siya nagrereklamo kapag marami akong gustong ipabili sa kaniya na pagkain o kaya kapag minsan ay ayaw ko siyang makita. For me that's really weird dahil may mga araw na gusto kong nakadikit lang siya sa akin.. like this day.

Alas onse na ng umaga pero hindi pa din kami bumabangon. Tinatamad kasi akong bumangon at ayaw ko naman siyang umalis sa aking tabi kaya wala din siyang magawa.

"Hindi ka pa ba nagugutom? I'll cook now. Let's go to the kitchen." sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.

Umiling ako at hinigpitan ang yakap sa kaniya.

"Mamaya na lang." I heard him chuckle at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

"Just tell me if you're hungry." bulong niya.

Napangiti ako at napapikit. I'm looking forward to our future together. Ako, siya at ang magiging anak namin.

Nagising ako noong makaramdam ng gutom. Wala na si Kevin sa aking tabi at malamang ay naghahanda na ng aming pagkain. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para makapaghilamos at makapagtoothbrush. Pagbaba ko ay napangiti ako ng makita siyang abala sa pagluluto. Naglakad ako palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

"Hi hon." bati niya sa akin. "I'm cooking your favorite caldereta."

"Thanks." sagot ko at hinigpitan ang yakap sa kaniya.

-----

Pagdating sa SM ay dumiretso ako sa bagong open na boutique ni Lyca. Napangiti ako ng makita siyang abala sa mga customer niya. Noong makita ako ay lumawak ang kaniyang ngiti at sinalubong ako ng yakap.

"God! I missed you! Ang hirap makipagkita sayo ah! Kung hindi pa ako mag oopen ng boutique baka hindi pa tayo magkita." sabi niya at inalalayan akong umupo.

"You know Kevin. He gets paranoid kapag umaalis ako. Akala niya palaging may mangyayaring masama. Congrats sa business." nakangiting sabi ko.

"Well, hindi ko naman siya masisisi. First baby niyo yan kaya naman talagang grabe ang pag iingat.. and thank you for coming." sumulyap siya sa aking likod at muling tumingin sa akin. "You're alone? Nasaan si Kevin?"

"Nasa baba. Hinihintay ako sa parking lot. Alam mo naman na baka magkagulo pa dito kapag nakita siya."

"Dapat pinapunta mo! Para naman dumugin ang boutique ko!" sabi niya na ikinatawa ko.

Hindi na din naman ako nagtagal pa doon at binalikan na din si Kevin. Baka naiinip na iyon sa paghihintay sa akin at maisipan pang sunduin na ako mismo.

"Kamusta? Are you okay? Hindi ka ba nahihilo?" tanong niya noong makasakay ako sa kaniyang sasakyan.

"I'm fine." napangiti ako noong siya na ang magsuot sa akin ng seatbelt.

"Are you sure? May appointment tayo ngayon sa restaurant para sa taste test. Gusto mo bang bukas na lang tayo pumunta?" nag aalalang tanong niya.

"Ngayon na lang. May iba tayong aasikasuhin bukas di ba?"

"Okay. Just tell me if you're not feeling well." ngumiti ako at tumango bilang sagot.

Kevin's extra care for me is kinda OA but I really appreciate it and I know na walang wala pa ang mga ipinapakita niya ngayon kapag nanganak na ako. I know he'll be a good father and husband to us.

After naming pumunta sa restaurant ay umuwi na din kami kaagad dahil unti unti ko ng nararamdaman ang pagod at antok.

"What do you want to eat? I'll wake you up later kapag kakain na. Just rest for now." sabi ni Kevin noong maihiga na ako sa kama.

"Thank you."

"For what?" tanong niya at hinaplos ang aking buhok na ikinapikit ko.

"For taking good care of me and our baby." halos pabulong kong sagot.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

"I love you. I love you both."

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon