COY 8

212 18 3
                                    

SHARLENE

Pag uwi sa bahay ay agad kong nilabhan ang damit ni Lawrence. Binabad ko pa iyon sa downy para mabango kapag ibinalik ko bukas. Nang matapos ay nagpunta na ako sa aking kwarto para makapagpahinga. Kinuha ko ang aking bag at kinuha doon ang itim na tshirt na ibinato ni Kevin sa akin kanina.

Vneck shirt ito at plain lang ang harapan pero sa likod ay may pangalan din niya at number 24. Napangiti ako at tinupi iyon ng maayos bago ilagay sa aking damitan. Bahala siya dyan. Hindi ko na ito ibabalik sa kaniya. Akin na 'to ngayon haha.

Napatingin ako sa aking cellphone ng magvibrate iyon. Napakunot noo ako ng makitang may nareceive akong text galing sa unregistered number.

From: 09755214***
Ibalik mo ang damit ko bukas.
- Kevin

Saglit akong natigilan pero natawa din naman. Umiling iling ako at tinawagan siya. Isang ring pa lang ay sinagot na niya iyon kaagad.

"Saan mo nakuha ang number ko?"

"Ibalik mo ang damit ko bukas." ulit niya sa text niya kanina.

"Tss. Akin na yun. Binigay mo na eh."

"So, sayo na din ang binigay nung lalaking yun?" kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay naiimagine ko na ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Syempre ibabalik ko. Kakatapos ko nga lang labhan eh." natahimik siya kaya naman akala ko pinatay na niya ang tawag pero noong tignan ko ang aking cellphone ay on-going pa ang call. "Uy, nandyan ka pa ba?"

"You're only keeping mine?" tanong niya pagkatapos ang pananahimik.

"Oo." sagot ko at nahiga na. Niyakap ko ang aking unan at pinakinggan ang kaniyang paghinga sa kabilang linya. "Bakit mo pala binigay ang damit mo kanina?"

"I told you hindi bagay sayo ang damit na yun." sagot niya na ikinatawa ko.

"At yung damit mo bagay sa akin? Ganoon ba?" natatawang tanong ko. Inaasar lang siya.

"Oo." sagot niya na ikinatigil ko.

Natahimik ako at ilang minuto ding hindi nakapagsalita. Ganoon din siya pero hindi din naman niya ibinababa ang tawag. Rinig na rinig ko ang kaniyang mga paghinga.

"S-sige na. Matutulog na ako. Good night."

"Good night."

Pinatay ko na din agad ang tawag at napatitig sa aking cellphone. What is that? What the hell is that?

Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Masyadong ginulo ni Kevin ang maliit kong utak. Kaya naman pagdating ko sa classroom ay ginawa ko ang aking makakaya para maiwasan siya. Ni hindi nga ako tumitingin sa kaniyang gawi.

Isang linggo na din ang lumipas simula noong nagkausap kami ni Kevin at simula din noon ay talagang hindi kami nagpansinan. Alam kong nahahalata na din niya ang pag iwas ko pero wala naman siyang ibang sinasabi. Baka hindi big deal sa kaniya ang pag iwas ko?

"Magkagalit ba kayo ni Kevin?" tanong ni Lyca.

"Hindi ah. Bakit mo natanong?" patay malisya kong sabi.

"Umiiwas ka sa kaniya at siya naman hinahayaan ka lang na umiwas. Teka, kayo ba? May LQ kayo?" gulat na tanong niya.

"Baliw. Hindi kami no."

"Hindi kayo pero may something eh. I can feel it." siguradong sabi niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumahimik na lang.

"CR lang ako." paalam ko sa kaniya.

Pabalik na ako sa classroom pagkatapos kong mag-CR ng makita ko siyang naglalakad palapit sa akin. Nanlaki ang aking mga mata ng magtagpo ang aming mga tingin. Nataranta ako at babalik sana sa loob pero napatigil ako ng isigaw niya ang aking pangalan.

"Sharlene!"

Napapikit ako at napabuga ng hangin. Ngumiti ako at handa na siyang harapin ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at hilain ako sa kung saan.

"Teka lang. Saan tayo pupunta? May klase pa ah."

Napatingin ako sa paligid ng huminto kami sa theatre club. Walang tao dito at medyo madilim pa.

"Bakit tayo nandito?" kinakabahang tanong ko.

"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong niya imbes na sagutin ako.

"Ha?" sa unang beses ngayong araw ay napatingin na ako sa kaniyang mukha. Saglit na naman akong natigilan pero umayos din. "Hindi ah. Bakit naman kita iiwasan?" tanong ko at awkward pang natawa. "Tara na? Baka nandoon na si Ms. Soriano."

Aalis na sana ako pero napahinto ako sa sunod niyang sinabi.

"I like you. Gusto kita. Hinayaan na kitang iwasan ako sa loob ng isang linggo at tama na yun. Hindi ko na kaya."

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon