SHARLENE
"Ang lamig!" yun agad ang aking nasabi pagbaba namin sa bus.
Nandito na kami sa lobby ng hotel na tutuluyan namin. Tinignan ko ang aming mga kasama at parang hindi man lang sila napagod sa biyahe. Mukhang excited na silang mamasyal dito.
"Pumila muna kayo ng maayos." sigaw ni Ms. Malou. "Babasahin ko kung sinu sino ang magkakasama sa kwarto."
"Sana roommate tayo." bulong ni Lyca na nakahawak na sa aking braso.
"Sana nga."
Nakinig kami kay Ms. Malou hanggang sa matawag na ang aming pangalan.
"Lyca, Maricris, Hailey and Sharlene. Sa room 402 kayo."
Natigilan ako ng marinig iyon. Bakit kasama ko pa siya sa iisang kwarto? Noong tinignan ko si Hailey ay nilingon niya din ako at nginitian. Napilitan tuloy akong ngitian din siya pabalik.
"Cedie, Leo, Lawrence and Kevin. Sa room 412 kayo."
"Okay. Sumunod na kayo sa mga bellboy. Sila ang magtuturo at magbibigay ng room card ninyo. Magkita kita tayo mamaya sa lunch."
Nagpaalam kami kay Ms. Malou bago tuluyang naghiwahiwalay.
"It's so nice to have you both as our roommate." nakangiting sabi ni Hailey habang naglalakad kami papunta sa aming hotel room.
"Oo nga eh." excited na sabi ni Lyca.
Hindi na ako nagsalita pa at piniling wag na lang siyang pansinin. Tss. Pagkatapos ng mga narinig ko kanina ay hindi na maibabalik pa ang dati kong paghanga sa kaniya.
Pagpasok sa room namin ay dalawang queen size bed ang sumalubong sa amin.
"Ang ganda!" nakangiting sabi ni Lyca at umupo na kaagad sa kama na nasa tabi ng bintana. "Dito tayo Sharlene!" pag aya niya sa akin.
Ngumiti ako at lumapit na sa kaniya. Nagpahinga lang kami at isa isa ng naligo para makapaghanda sa pupuntahan namin mamaya after ng lunch.
Katext ko si Kevin habang hinihintay na matapos si Lyca.
From: Mahal ❤️
Don't forget to bring your jacket later.To: Mahal ❤️
Yes po.From: Mahal ❤️
I bought gloves just in case you'll need it.Napangiti ako ng mabasa iyon. Sobra naman ito. Talagang may pa-gloves pa?
To: Mahal ❤️
Aww. You're so sweet naman, mahal! Hihi 🤭Natawa ako ng mahina ng makitang tumatawag na siya. Agad ko iyong sinagot kahit nasa malapit lang sila Hailey. Gusto kong iparinig sa kaniya na walang titibag sa amin ni Kevin.
"Bakit ka tumawag?" tanong ko noong sagutin ko ang kaniyang tawag.
"I just missed your voice."
"Para kang sira! Magkasama naman tayo kanina." kinikilig kong sabi.
"What can I do? Namimiss kita agad, mahal."
Hindi ko na napigilan ang aking kilig noong marinig iyon.
"I miss you too, mahal."
Napatingin ako sa gawi nila Hailey ng mapansing nakatingin sila sa akin. Ngumiti ako ng awkward at tinalikuran sila.
"Sige na. Mamaya na lang. Bye." paalam ko at binaba na ang tawag.
"Ang sweet niyo naman." sabi ni Maricris.
Humarap ako sa kanila at ngumiti.
"You're so lucky to have Kevin. He looks so sweet." sabi naman ni Hailey.
"Kaya nga gusto mong agawin di ba?" yan sana ang gusto kong isagot sa kaniya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.
"Oo. Sweet nga talaga siya." sagot ko na lang.
"Is your room, okay?" tanong ni Kevin noong magkita kami sa function hall kung saan kami maglulunch.
"Okay naman. Magkatabi kami ni Lyca. Ikaw?"
"I'm with Cedie." tumango tango ako at pumila na para makakuha ng pagkain.
"Hi guys! Pwede bang makishare?" nakangiting tanong ni Hailey noong lumapit sila sa aming table.
"Sure." sagot ko at nginitian din siya.
Pinanood ko siyang maupo sa aming harap at tinignan ko naman si Kevin sa aking tabi na abala sa paghihimay ng pritong tilapia na kinuha ko kanina. Napangiti ako dahil hindi niya pinansin si Hailey.
"Ang sweet mo naman, Kevin. Ikaw pa talaga ang naghihimay sa ulam ni Sharlene." pagpapapansin ni Hailey.
Saglit siyang tinignan ni Kevin pero agad ding ibinalik ang atensyon sa kaniyang ginagawa.
"Kumain ka na." tumango ako at nginitian si Kevin.
"Thanks mahal." bulong ko.
Ngumiti din siya at lumapit sa akin para bumulong.
"You're welcome mahal."
"Ahem! Ahem!" napatingin ako kay Lyca ng mag ubu-ubuhan siya. "Maawa naman kayo sa mga single oh." natawa na lang ako at napailing.
Tinignan ko si Hailey at naabutan kong nakatingin siya kay Kevin. Halos mapasimangot ako pero pinigil ko ang aking sarili. Well, I can't blame her kung magkakagusto siya kay Kevin pero sana naman marealize niya na may girlfriend na yung tao. Na hindi na pwede ang gusto niyang mangyari.
