Chapter 7

69 10 0
                                    

"Hoy babae! Are you going to watch football tonight?" sakit sa tenga!

"No. Kung manonood man ako gusto ko kasama kita."

"What? Eww di ka ba nandidiri sa sinabi mo Ahyee?"

"Bakit ba? Eh sige na Joey nood tayo together."

"Hindi pwede. May date ako."

"So pinagpapalit mo na ako?"

"Yuck Ahyee! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo."

Hahaha. Sarap asarin ni Joey.

"Okay fine. Hindi nalang ako manonood mamaya."

"Aba teh! Support naman para sa school natin. Support para sa mga player na schoolmate natin!"

"Ayoko nga! Ayoko manood ng mag isa."

"Bakit naman? Ikaw na dakilang gusto lagi mapag isa?"

Ayoko talaga. Feel ko kasi ng may kasama mamayang gabi pag nanood ng football match. Kasi biruin mo maraming manonood mamaya, tapos ako nag iisa.

"Eh gusto kita kasama."

"Ahyee I'm on a date later. Ayaw mo ba nun? Magkaka lovelife na ako."

"Nandito naman kasi ako e." ha-ha. 

"Inlove na inlove kana talaga sakin. Pero yuck. Nandidiri ako."

"Hahaha! Bahala ka. I'm not going to watch."

"Tse! Pero nood ka ha?"

"No. Enjoy nalang mamaya!"

Makauwi na nga. Wala na naman pasok, dahil lahat excited manood ng football match mamaya.

•••

"Aga mo yata umuwi?" namanghang tanong ni Kuya, hindi naman ako maaga umuwi sadyang nasa bahay lang talaga siya ngayon at nanibago siya.

"Wala na akong pasok. May football match mamaya sa school namin e."

"What time?"

"6pm."

"I see. Ahyee libre mo naman ako."

"Kuya? Dapat nga ikaw manlibre sakin e. Lagi kang wala dito sa bahay. Aba bawi bawi din sakin."

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Si Mama lang babawian ko noh. Ikaw? No way."

"Rude." damot talaga. 

"Sige na libre mo na ako."

"Ayoko. Nag iipon ako."

"Tagal mo nang nag iipon ah? Nung huling nagpalibre ako sayo 13 years old ka. Ngayon 17 kana nag iipon ka parin?"

"Oo naman. House and lot bibilhin ko e." sarcastic na sagot ko.

"Madamot ka."

"Mas madamot ka Kuya noh." kung padamutan lang din naman aba! Pareho lang kami 'no.

"Oo nga pala, kamusta naman kayo ni Karl?" alam kong aasarin na niya ako dahil hindi ko siya ililibre.

"Kuyaaaa!!"

"Oh bakit? I'm just asking. Friends na kayo diba?"

"Oo."

"Uyyyy tuwang tuwa naman kapatid ko."

"Hindi noh!"

"Sus crush na crush mo nga yun e."

"Dati lang." 

"Dati lang, tapos ngayon ulit? Hahaha."

"Kuya naman e! Hindi rin!"

"Eh bakit nagba-blush ka?"

It Girl Where stories live. Discover now