Chapter 27:

45 6 0
                                    

AHYEE'S POV.

Two days na ang nakakalipas mula ng magising ako. Grabe halos two months pala akong na-coma. For me that's only a long rest. Isang mahabang tulog.

Sabik na sabik sakin ang family ko si Mama at si Kuya. Nakakapanibago kasi feeling ko bine-baby nanaman ako ni Mama at sobrang bait sa akin ni Kuya. Pero ang pinaka-sabik sa lahat ay ang bakla kong bestfriend. Imbis na kamustahin ang lagay ko aba, kinwento agad ang lovelife niya. Oo may boyfriend na siya. Lumalandi na ang bestfriend ko. 

Nalaman ko rin mga nangyari when I was in coma. Nalaman kong si Mama at Kuya ang bantay sakin every day, every night naman si Karl. Bakit naman siya nagbabantay sakin? Pwede naman si Kuya ah.

Madi-discharge narin pala ako today. Hinihintay nalang namin si Mama na nasa baba ng ospital signing papers here in hospital. Kumpleto lahat dito. Excited lahat na makauwi ako. Nandito si Kuya, Joey, Ian at Karl.

Si Karl ang nasa tabi ko nang magising ako. Nakita ko sobrang saya niya dahil nagising na ako. Nakita ko rin kung gaano siya kinabahan ng lokohin ko siyang kunwari di ko siya kilala. I may forget what happened but I never forget what I feel for him. Pero parang may mali.

Pakiramdam ko mali. I felt uncomfortable. I confessed what I really fee towards him. After the incidents, feeling ko hindi na tama 'to. Hindi na tama ang nasa tabi ko pa siya..

"Ahyee are you okay?" maya't maya ang pagtatanong niya sa akin kung okay lang ba ako.

"Yes. Why?" matipid kong sagot dito.

"Nothing. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo."

Iniisip ko? Oo. Dahil nga feeling ko wala nang dahilan para samahan, puntahan, kausapin, tignan niya ako o kung ano pa man. Bitter? Hindi naman siguro. I'm just accepting the consequences. My consequences. I know, wala siyang anything special na nararamdaman sakin. It'll never happen.

Kaya gusto ko nang itigil niya na ang mga ginagawa niya ngayon. Masakit yung nangyari samin ni Lance. Pero mas masakit pala yung kay Karl. Kasi si Lance, oo we've been together for almost 2 years eventhough he cheated on me, natanggap ko.

Pero yung ma-attach ako ng sobra kay Karl? Mas mahirap pala. Wala. Hindi ko maintindihan pero mas nasaktan ako ng sobra kay Karl. Kahit na wala naman talagang 'kami'. Parang, no words can explain how much I like him. I love him. Walang salita ang makakapagpaliwanag kung bakit ganito ang nararamdam ko.

"Anong gusto mong gawin natin pagkauwi Ahyee?" excited na tanong ni Kuya Jerome sa akin. Pero I don't feel doing some things pag-uwi namin.

"Nothing Kuya. I just want to take a rest."

"Rest?! Almost two months kang rest Ahyee ha?"

"Basta Kuya. I want to take rest. I-I want to be alone." Sabi ko kay Kuya na umiwas pa ako ng tingin kay Karl pagkasabi ko.

Ramdam kong nakatingin siya sakin every time na magsasalita ako. Nagtataka siguro si Kuya sakin pero okay lang, naiintindihan naman siguro ako ni Kuya.

Tahimik lang akong hinihintay si Mama. Si Kuya Jerome at Ian naman may pinag-uusapan. Si Karl? Tahimik din. Alam ko. Alam kong napapansin niyang umiiwas ako sakanya. I saw the sadness in his eyes. Pero ano bang magagawa ko? I have to do this.

It Girl Where stories live. Discover now