Chapter 53

19 6 2
                                    

JEROME'S POV.

Kakausapin ko si Karl. Hindi niya sinasagot mga tawag ko sakanya. Ayoko makita ang kapatid kong nagkakaganun. Ayoko makitang nasasaktan siya.

"Jerome?"

Tinulak ko siya agad, at hinawakan ko ang collar ng polo shirt niya.

"Bro ano bang problema?! Bakit ginawa mo kay Ahyee yun?"

Hindi siya sumasagot. Lalo kong hinigpitan ang paghawak ko sa collar niya.

"Baket?! Sumagot ka!!!"

Unti-unti ko siyang binitawan dahil napansin ko ang luha niya. Napaupo siya bigla sa sahig. At umiyak.

"Jerome bro pasensiya na. Di ko 'to ginusto bro. Kung alam mo lang kung gano 'to kahirap sakin. Pucha masakit!"

Naawa ako kay Karl. Barkada ko siya. Siya ang pinaka malapit sakin sa lahat ng barkada ko.

"Bro dumating na si Rick. Nung araw ng contest ni Ahyee? Kaya ako na-late dahil dumating siya."

Hinayaan ko lang magpaliwanag si Karl.

"Muntik pa ako di makapunta. Sabi niya pag umalis ako at iniwan ko siya, hinding hindi ko na makikita si Ahyee."

"A-anong ibig mong sabihin?!"

"Bumalik si Rick para guluhin ako Jerome. Bro alam mo kung gano ko kamahal si Ahyee. Kaya eto, iniwan ko si Ahyee para di siya saktan ni Rick at guluhin."

Si Rick. Natatandaan ko siya. Naging kaibigan din namin siya at patay na patay siya kay Karl. Naging sila. Pero di yun sineryoso ni Karl. In fact, tinatawanan lang siya ni Karl dahil paniwalang paniwala siya na gusto siya ni Karl.

"Natatakot ako na baka kung ano gawin niya kay Ahyee bro. At hindi ako papayag na galawin niya si Ahyee kaya pumayag ako. Pumayag ako sa gusto niyang iwan si Ahyee."

"Tapos ano?! Maging kayo ulit?"

"Hindi Jerome. Pinipilit niya ako na sumama sakanya pero hindi ako pumapayag. Nasa katinuan pa ako para gawin yun Jerome."

"Karl naiintindihan kita. Pero di ko kasi kayang tignan kapatid kong nasasaktan. Karl naman, sayo ko nga pinagkatiwala sayo kapatid ko."

"Hindi ko 'to gusto Jerome! Nahihirapan ako. Nahihirapan ako na di siya makasama. Nahihirapan ako dahil wala na siya sakin! Pero ano bang magagawa ko bro. Ayokong masaktan siya."

"Ipali-"

"Ipaliwanag? Pare wala akong mukhang maiharap sakanya dahil sa pang iiwan ko sakanya. Ang sabihin pa kaya ang tungkol sa nangyari samin ni Rick?"

"Pare, hindi mo naman ginusto! Maiintindihan ka ni Ahyee."

"Hindi ko pa alam bro. Hindi ko alam.

It Girl Where stories live. Discover now