Chapter 5

85 6 0
                                    

2 hours nalang. 2 hours nalang mag uumpisa na ang kalbaryo ko. Kalbaryong maglakad ng pagkalayo-layo habang nakasuot ng high heels at gown. Nandito ako sa room ni Mama ngayon kung saan nila ako inaayusan ni Ninang Mae.

Wala pang isang oras 'tong make up ko pero ayan na, nangangati na mukha ko. Hindi lang kasi talaga ako sanay ng may kung ano sa mukha ko.

Yung itsura ko pala ngayon ay.. no comment nalang I don't know what I looked. Reyna Flores ako kaya yung color ng gown ko, parang light blue na sky blue. Basta di naman kasi ako marunong maka appreciate ng colors. Black and red lang favorite ko color ko.

"Look inaanak. Do you know how beautful you are tonight?" Beautiful tonight? Grabe naman tonight lang talaga.

"Hay nako Mae, sana palagi nalang may santacruzan para mas lalong maganda anak ko. Napaka-simple kasi nito palagi." ganun talaga, simplicity is beauty.

"Pero Mia, she looks so beautiful. So Ahyee what do you think?"

"Uhm, Ninang, parang mas maganda pag simple parin talaga." 

"No no no. Light make up minsan inaanak can do."

"Oo nga anak. Take our advices ng Ninang mo." Ayoko nga. Ngayon lang talaga 'to.

"Ay, nga pala Mama si Kuya Jerome ba wala pa?"

"Wala pa anak bakit?"

"Wala Mama. Akala ko kasi uuwi siya ngayon sayang naman di man lang niya ako makikita." Sad. Kahit kasi labag sa loob ko ang itsura ko ngayon at ang suot ko, gusto ko parin makita ako ng Kuya ko. 

Maya-maya may kumatok na sa pinto, baka si Kuya na 'yun. Si Mama ang tumayo para buksan ang pinto.

"Inaanak, cr muna ako ah. Relax ka lang diyan."

"Sure po Ninang."

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Do I really look beautiful? If I really am, then why Lance deceived me? I found myself talking again with myself. No, I'm not going to be crazy. They're just.. boys.

"Knock knock? Ahyee? This is Karl pinapasundo kana sakin ni Tita. After 20 minutes start na." boses galing sa labas.

"Ha? Ngayon na talaga? Eh after 20 minutes pa naman ah?" bakit kelangan na agad lumabas.

"Yes now. Get out Ahyee."

Nagpa-panic ako. Sa totoo lang hindi kasi ako confident sa itsura ko ngayon. Hindi naman kasi sanay mga tao sa paligid ko na ganito itsura ko.

"Back out na ako Karl.." kinakabahan kong sabi.

"What?! No! Can I enter?"

"Dito?!" lalo akong kinabahan, "Uh-- sige you can." Nakatalikod ako para hindi ako makita ni Karl.

"Bakit ka nakatalikod? Makikita din naman kita mamaya."

"Ayoko, nahihiya ako e."

"Don't be like that. Pagkatapos mo manampal noon sa seaside ngayon ka pa nahiya sakin at–"

"Shut up! Okay okay haharap na."

"Wow."

"So ano?" Kinakabahan naman ako sa lalaking 'to. Laitin kaya ako neto?

"Ba–bakit ka ba nahihiya sa itsura mo e a–ang ganda mo ngayon."

"Ows, sorry Karl ah wala kasi akong piso." natawa ako sa narinig ko sa kanya.

"Hindi, you look beautiful."

"Thank you.." Yes naman. Akala ko lalaitin ako e.

"Ang ganda mo talaga, araw-arawin mo yan ah?"

It Girl Where stories live. Discover now