Chapter 62

23 4 1
                                    

AHYEE'S POV.

Kakagaling ko lang sa school, pinadaan ako ni Kuya Jerome dito sa venue ng birthday debut ko. Ewan ko ba naman kay Mama at Kuya Jerome. Ayoko naman talaga ng party. Okay na sakin yung sa bahay lang at sila sila lang sa 18th birthday ko. Kesyo, nag iisang babae lang daw ako kaya dapat daw engrande ang 18th birthday ko. Alam naman nilang mahiyain ako. Ayoko ng party. Pero wala rin naman akong magagawa e. Sila parin ang nasunod.

Kasama ko si Lance. Ayoko nga sana magpahatid dito kasi medyo malayo. Pero mapilit. Kay Joey sana ako magpapasama busy naman.

"Ahyee, andiyan na pala Kuya mo."

"Kuya! Ang tagal mo."

"Sorry, may dinaanan kasi ako. Oh okay na ba sayo 'tong venue?"

"Oo kuya. Sino bang hindi aayaw dito? Ang laki kaya. Wala bang maliit na venue?"

"Tanga! Saan ka ba nakakita ng nag debut tapos kasing laki lang ng kwarto mo?!"

"Hindi pa ako nakakakita. Pero ako ang unang gagawa nun."

"Ewan ko sayo Ahyee. Maarte ka talaga!"

"Hoy Kuya hindi ako maarte noh. Sino kayang mas maarte satin tatlo nila Mama? Hindi ba kayo?"

"Sus, oh basta! Okay kana dito?!"

"Oo nga. Wala naman na akong choice."

"Good. Sige saglit text ko si Mama."

Tinignan ko si Lance. Pigil na pigil ang tawa. Masyado atang natuwa sa usapan namin ni Kuya. Luh! Ano bang nakakatawa dun?

"Hoy Lance! Tawa ka diyan?! Pasensya kana ah. Ganito talaga kami ng Kuya ko."

"Hahaha! Okay lang noh. Nakakatuwa lang kayo ng Kuya mo."

"ANO?! Ginawa mo pa kaming clown ah."

Sa sobrang tawa ni Lance, pati ako nahawa na. Pano ba naman kase, ang babaw masyado ng kaligayahan ng lalaking 'to.

"Tama na nga. Babaw mo Lance!"

"Hahahahaha! Osige hahaha tama na. Hahaha!"

"Baliw tss. Ah, Kuya nasan ba si Mama?"

"Hindi ko alam."

Palagi naman niyang hindi alam kung nasaan si Mama. Haynako. Bakit ba kasi ang hilig maglalalabas ng Mama ko dinaig pa ako. Dapat ako 'tong laging may lakad at pumaparteeeeh.

Teka- naramdaman kong may nag vibrate. Text 'to ni Joey for sure.

Mama:
Okay kana sa venue anak? Then good. Isipin mo na kung sino sino ang 18 candles at 18 roses mo anak. I'm going to prepare the invitation card.

What? 18 roses at 18 candles? Jusko! Hindi pa nga ata lalagpas ng 12 ang mga kaibigan ko e. Remember? Hindi ako friendly. Tsaka, sino sino naman gagawin kong 18 ek-ek?!

It Girl Where stories live. Discover now