Chapter 18

45 9 0
                                    

Time flies so fast. Napag usapan na namin nila Tita and Jerome na every night ako ang magbabantay kay Ahyee. Buti nalang graduate na ako sa pag aaral. Dahil kung nag aaral pa ako, hindi ko ma-imagine ang magiging schedule ko. Kung nag aaral ako, siguro titigil muna ako para bantayan si Ahyee. Yes I'm willing. I'm willing to sacrifice everything for her.

"Hey Ahyee, Joey called. Sabi niya bukas daw dadalawin ka niya together with your blockmates." Daily routine ko na ang kausapin siya. Alam kong naririnig niya ako.

"They missed you so much Ahyee. As much as I do. Namimiss mo narin ba ako Ahyee?"

I borrowed Ahyee's guitar. Pang palipas oras lang. Pinag aaralan ko lang ulit yung mga tinuro ni Ahyee sa akin. Na-master ko na nga yung iba e. Nagdownload rin ako ng mga guitar tutorials na video. Pag aaralan ko yun para paggising niya may ipapakita na ako sakanya.

"Kung namimiss mo ako, bakit hindi ka parin gumigising? Dapat gising kana kung miss mo narin ako. Ahyee, mas maganda siguro kung ikaw ang magtuturo sakin mag gitara. Gusto ko kasi ikaw lang ang magtuturo sakin. Ayoko ng mga video tutorials."

Miss na miss ko na siya magturo. Namimiss ko na yung pagtuturo niya, yung tipong hahawakan niya yung kamay ko para sa tamang form ng kamay ko sa paggigitara.

Namimiss ko na yung siya mismo mag foform ng daliri ko sa bawat string ng gitara. Damn, I missed how she touches me.

"Pero titiisin ko 'tong video tutorials na 'to para sayo Ahyee. Gusto ko pag gising mo pag kinantahan kita ngingiti ka ulit sakin."

I'm not good at singing, pero si Ahyee? Her voice is like an angel. Lagi niyang tinatanggi na maganda boses niya. Pero ang totoo, she's good at singing.

"I remember, nagpasalamat ka sakin Ahyee kasi napagtitiyagaan ko yung voice mo. Paano, sabi mo sakin lagi ka inaasar ni Jerome na walang magtitiyaga sa boses mo kundi si Tita Mia lang. Hahaha."

Eto nanaman ako. Naiiyak nanaman. Nagiging iyakin ako dahil sayo sa kanya. "For me, you have the most beautiful voice na kahit kelan hindi ko magagawang pagsawaan. Believe me Ahyee."

Lord, please give Ahyee back to us. Back to me. I really missed her. Please?

"Goodnight Ahyee."

I kissed her forehead. Every night ko na ginagawa yun. I believed that every kiss in the forehead will be the best and sweetest thing in her world.

It Girl Where stories live. Discover now