Bakit ganun? Bakit ang bilis? Masyadong mabili ang pangyayari? Bakit naman iniwan na niya ako agad? Ganun ba ako kadali pagsawaan?
Ano bang meron ako? Bakit gabun nalang ako kadali iwan? Ginagawa ko naman lahat e. Lahat. Hindi naman ako nagkulang sakanya.
2am. Ang hirap ng ganito. Dalawang araw na akong di makatulog ng maayos. How can I? Yung kada matutulog nalang ako, punong puno ng tanong ang isip ko. BAKIT?
Walang paramdam. Walang explanation? Yung explanation niya naghihintay ako pero wala. Kahit explanation nalang. Gusto ko lang malaman kung BAKIT.
Wala pang nakakaalam. Dahil umaasa ako na maaayos pa 'to. Kasi wala talaga ako makitang dahilan para gawin niya sakin 'to.
*KNOCKS AT THE DOOR*
"Kuya Jerome?" Kinakabahang pagkatok pa ang ginawa ko.
"Yes?"
"Can I come?"
"Come in!"
Alam kong gising pa si Kuya dahil nocturnal kaming dalawa. Kaya aabalahin ko siya ngayon. Paghakbang ko palang sa loob ng room niya, nang-ngingilid na mga luha ko.
"Kuya." Tumakbo na ako papunta kay Kuya na nakatayo. Nag-aayos siya ng bed niya. Nagpalit siya ng bed sheet.
Hindi ko alam pero niyakap ko si Kuya tsaka humagulgol ng iyak. Nahihiya ako kasi di ako sanay magsabi ng ganito kay Kuya. Lagi lang kaming nag aasaran.
Pero ang iiyakan siya? First time 'to. Bakit ba ganun? Lahat ng FIRST TIMES ko sa buhay nararanasan ko ngayon?
Walang kaalam-alam si Kuya dahil umiiyak ako sakanya ngayon. Pero isa lang ang naging response niya. Pina-pat lang niya ang likod ko para patahanin ako.
Nararamdaman din ba ako ni Kuya? Siguro hindi. Kasi lalaki siya. Kasi di naman siya iniiwan ng babae.
Nang maramdaman niyang medyo tumahan na ako at kumalas na ako sa pagyakap sakanya, doon niya ako kinausap.
"Bakit? Bakit ka umiiyak?"
Pero talagang napapahagulgol nalang ako sa tuwing may magtatanong sakin kung bakit ako umiiyak.
"Kuya iniwan na niya ako."
Tumahimik lang si Kuya at pinunasan ang luha ko.
"Hindi ko alam ang sasabihin Ahyee e. Sorry ha? Hindi ko kasi alam kung bakit e."
"Kuya ako din hindi ko alam kung bakit."
"Gusto ko sana pagaanin loob mo pero di ko alam. Ang alam ko lang at ang kaya ko lang ay damayan ka at makinig sayo."
Iyak lang. Iyak lang ako ng iyak. Sige iyak lang. Kasi wala naman akong choice kundi umiyak.
"Do you want me to talk to him?"
"No Kuya. No please."
"Kung yan ang gusto mo sige."
Kahit gusto ko kausapin siya ni Kuya just to clear things up, gusto ko yung kami parin mag uusap. Gusto ko siya mismo magkukusang magpaliwanag sakin.
I need an clear and mature break up. Ayoko ng basta basta. Mas madaling tanggapin kung hanggang sa huling pagkakataon maayos ang lahat at malinaw diba? I seriously take this relationship.
YOU ARE READING
It Girl
Teen FictionEverytime Ahyee is about to see him destiny seems to always has its way to play that song.