Chapter 59

24 7 0
                                    

I think, we just went our separate ways. Haluu! I'm okay now. Yes, ang masiglang Ahyee Rodriguez bumalik na. I realized a lot last three weeks. Oo! Three weeks na simula nung mag faint ako sa kahabaan ng Villa Trias. Buti nalang nandun si Kuya ko kung hindi, baka kung ano na nangyari sakin.

"Lunch na naman tayo girl! Gutom na gutom na ako Ahyee."

"Wait lang Joey. Tapusin ko lang 'tong sinusulat ko."

"Kanina pa yan e! Alam mo, nako tatawagan ko na ang love of my life ko. Siya nalang sasabayan ko mag lunch. Kesa sayo nako ha magkakasakit ako dahil late ako kumakain."

"So ganyan? Iiwan mo rin ako?"

"Hoy Rodriguez! Hindi ako nakikipagbiruan at wala ako sa mood sabayan yang trip mo. Mainit ulo ko gutom na ako!!"

"Sige na umalis kana! Iwa-"

"Oo aalis na talaga ako! Alam mo kasi, gutom na gutom na talaga ako. Ngayon kung babanatan mo ako ng mga hugot na sagot babush na!! Beastmode na ako dahil sayo bwiset."

Ang dami niyang sinabi. Nagalit na ata talaga si Joey sakin. Fine! Sige. Mag isa nalang akong magla-lunch mamaya.

"Huuuy!"

"Oh Lance."

"Tara kain tayo!" Pinisil nanaman niya ilong ko. Araw araw nalang.

"Wag na. Magla-lunch ako mag isa."

"Sus. Halika na. Miss mo ko?"

"Umalis kana pwede? Busy ako."

"Tutulungan nalang kita diyan mamaya. Halika na kasi kumain na tayo. Malilipasan ka pa."

Dahil makulit siya, hinila na ako ni Lance sa cafeteria.

"Wag tayo dito kumain."

"Bakit Ahyee?"

"Basta." May maaalala lang ako dito.

"Sige. Saan mo ba gusto kumain?"

"Kahit saan wag lang dito."

Naglakad kami papunta sa kabilang school. Medyo malayo pero okay lang naman. Masarap maglakad lalo na't ganito ang weather. Makulimlim pero hindi naman mukhang uulan. Sakto lang. Hindi maaraw, hindi rin uulan. Sakto lang. Muli, sakto lang.

"Bilisan mo maglakad Ahyee!" Hinawakan ni Lance ang kamay ko para makasabay sa bilis ng lakad niya.

"Tinatamad ka bang maglakad? Gusto mo bang buhatin pa kita? Haha!"

Buhatin? Parang dati lang, pinasan ako ni.. pinasan niya ako pagkatapos namin manood ng football game. It was a nice and windy night. Tapos--

"Ahyee! Okay ka lang ba? Bakit ba wala ka nanaman sa sarili?"

"Okay lang ako. Iniisip ko lang si Joey."

"Bakit ano nangyari kay Joey?"

"Wala wala."

Nagpatuloy sa pagdaldal si Lance. Na hindi ko na napapakinggan dahil nagpa-flashback ang lahat samin ni.. ugh. Stop iniiwasan ko na banggitin pa sa isip ko si.. siya. Ayoko na.

Nakarating kami sa cafeteria ng kabilang school. Kumain na kami at daldal parin ng daldal si Lance.

"Ahyee, may ipapabasa nga pala ako sayo." Pagkasabi ni Lance, inabot naman niya agad sakin ang cellphone niya.

Pinabasa niya sakin ang text ni Joey sakanya about sakin. Ang haba! Hahaha! Di ko na ikukwento, basta yun na yun.

"Hahaha!!"

"Text lang pala ni Joey magpapatawa sayo."

"Hahaha. Siyempre. Bestfriend ko yun e."

"Kanina ka pa kasi tahimik! Di mo nga ata pinapakinggan mga kwento ko sayo."

"Sorry. Sige na kumain kana gutom lang yan Lance."

KARL'S POV

She looks so happy now with Lance. Nagseselos ako. Siguro naka-move on na siya. Ilang buwan na ba? Magkasabay sila ni Lance kumain ng lunch. Buti narin yun kesa naman wala siyang kasabay.

Bakit ba kasi sa cafeteria na 'to pa ako bumili. Nakita ko pa sila. Nakita ko pa si Ahyee na kasama si Lance. Okay na sana kung si Ahyee lang e.

Pero ayos lang, kesa sa wala siyang kasama. Masaya naman na siya. Ayan nga oh, sobrang tawa niya ngayon kasama si Lance. Ano kaya pinag uusapan nila? How I wish that was me.

Until now, di parin ako nakapagpaliwag man lang kay Ahyee. Mukhang malabo narin. Mukhang ayaw na niya ako makita pa. Masakit man pero alam kong baka ganun talaga ang katotohanan.

It Girl Where stories live. Discover now