Chapter 19

58 8 0
                                    

Nandito si Joey at ibang mga blockmates ni Ahyee.

"Hello girl! Miss na miss na kita, may goodnews ako sayo. Kaya gumising kana ikukwento ko na sayo."

"Ano bang good news mo Joey?" -tanong ng isang blockmate ni Ahyee

"Secret waley clue!"

"Damot mo naman." -blockmate1

"Eh gusto ko bestfriend ko una makakaalam. Baka magtampo pa 'to e. 1 week na nga yung good news na itey e gustong gusto ko ng ikwento sa lahat kaso I want Ahyee to be first. You know what guys I want to burst it out! Kasi oh my gosh, sobrang good news niya."

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Nasa couch kasi ako ng room ni Ahyee habang sila nakapaikot sa kama ni Ahyee. Sobrang ingay nila pero nakakatuwa.

"Ay! Karl! Oo nga pala nandito ka hehehe. Sorry naitsapwera ka namin."

"No, it's okay Joey."

"Oh mga vaklush! This is Karl nga pala, prince charming ng prinsesang ito na nakahiga pa at natutulog."

"Really?"

"Diba siya yung laging sumusundo kay Ahyee pag dissmisal?"

"Ang gwapo noh?"

Narinig kong sabi ng ibang kasama ni Joey. Nakangiti ako sa kanila. "Hello!!" - bati nilang lahat sakin.

"Oh vaklush, kay Ahyee na iyan wag niyo ng pangarapin pa. Right Karl?"

Napangiti ako. Friendly silang lahat. Mga usisera din 'tong mga kaibigan ni Ahyee. Then, suddenly a question came out of my mind.

"Can I ask something?" walang hiya-hiya kong tanong.

"Sure Karl, ano ba 'yon?"

"Sure sure." - sabi ng iba

"Ahyee told me before she's not that friendly, si Joey lang talaga ang bestfriend niya at nakakasama. Bakit parang lahat naman kayo ay close niya?" curious kong tanong, dahil hindi mo naman maiisip na pakitang tao lang sila dito. It seems that they really care.

"Oh. Kasi Ahyee was such a good person. Yeah she's not that friendly pero magaling siyang makisama. Madalas gusto niya talaga mapag isa. Pero lapitan mo siya kahit anong oras willing siya makinig sayo if may needs ka. Tapos kahit suplada yan at tahimik hindi yan yung tipong susupladahan lahat ng blockmates niya." - kwento naman ng friend ni Ahyee na Kyla ang name.

"Yah! Tsaka Ahyee is a good leader. Madalas yan talaga pinipili ng lahat maging representative o leader samin. Maaasahan mo siya."

"Oo nga! Alam mo, may time nung 1st year college palang kami siya yung leader na group namin na kelangan ng reporting. We only have 1 day lang noon tapos siya tinuro ng lahat na maging leader. Pang buong klase na yun. Pag maganda reporting pasado na kami sa class na yun."

"Kaso ni isa walang tumulong sakanya paano lahat kami nakalimutan na may report bukas. Kinabukasan, pagpasok niya nagulat kaming lahat kasi talagang ang dami niyang dala na kelangan niya sa report. Malalim eyebugs niya noon. Tapos guys eto na nga.."

Interesado kaming lahat na nakikinig.

"Lahat kami tahimik at nagtinginan sa isa't isa. Kasi that time she's late at hinahanap na ng prof namin yung report. Pagdating niya, agad niyang inayos yung report niya. Lahat kami di makagalaw at di makapag volunteer kay Ahyee kasi nakasimangot siya noon at dahil alam namin sa sarili naming hindi namin siya natulungan."

"Ano na nangyari?" -blockmate

"Oo nga, tell us na dali." - Joey

"Nagreport siya mag isa. Tahimik kaming lahat at nakinig sakanya. Lahat kami hiyang hiya kay Ahyee."

FLASHBACK.

"Good report Ms. Rodriguez. Now, let me ask you, who among in this class help you?"

"They all helped me Mr. Trinidad."

"Are you sure?"

"Yes sir. They deserve good grades sir. We all deserve."

"Okay so then. Class dismissed."

END OF FLASHBACK

"Oh my G! Really?! Ginawa ng bestfriend ko yun sainyo? Grabe kapal ng mga face niyo!" - Joey

"Hahaha nice she did that?" -blockmate

"Yes guys! She did. Nagulat kaming lahat. Pagkaalis nga nung prof namin wala ni isa samin naglakas loob magsalita dahil sa sobrang hiya."

"Aba dapat lang noh! Buti nahiya kayo!" - Joey

"Chill Joey haha."

"Hahaha. Pero tumayo ulit siya sa gitna. At nagsalita.."

FLASHBACK AGAIN.

"I'm a sweet liar right guys?!"

"Ahyee. Sorry!! Lahat kami nag sosorry. Hindi namin ginusto na di ka matulungan. After all thank you dahil pinagtakpan mo kami."

"Just a friendly reminder guys that, we are all college students. Only a freshmens but still, this is college. Malayong malayo na sa realidad ng pagiging high school students! Kung nung high school kayo, nagagawa niyong hindi makipag participate sa mga gawain, ngayon kelangan niyo na. Hindi na 'to high school. Iba na ang mga teachers hindi na basta basta! Know your responsibilities guys!! I'm not mad, I'm just concerned."

Halos lahat kami natauhan sa sinabi ni Ahyee. Lahat kami nakayuko lang na parang sinesermunan ng magulang.

"Apology accepted guys! But in one condition!"

Lahat kami napa-angat ng ulo at ngumiti sa narinig namin. Sabay sabay din kaming nagtanong kung ano condition ni Ahyee.

"My condition is.. treat me lunch today! The hell! I don't eat breakfast just to finish the report."

END OF FLASHBACK.

Lahat kami nagtawanan sa kwentong yun.

"Ohhhhh. Such a lovely and nice person." -blockmate

"That's my bestfriend." - joey

"Oh bakit ka umiiyak Andi?" -blockmate

Biglang umiyak yung girl na nagkwento, na Andi pala ang name.

"Guys kasi, nalungkot ako. Sobrang bait ni Ahyee tapos ngayon ganito lagay niya. She don't deserve this."

Umiyak narin yung ibang friend ni Ahyee. Pati si Joey naiyak rin. Ako naman, tahimik lang. Oo naramdaman kong medyo naluluha ako pero hindi ko 'to ipapakita sakanila. I'm a strong prince charming of my princess.

"Mga bakla!! Wag nga kayo umiyak! Yung bestfriend ko hindi pa patay! Tulog lang siya tulog!!"

Other's say that, It's funny how people don't even remember all the good things that you've done. But always remember what you've done wrong.

Sa narinig ko ngayon, hindi lahat tao ganun. It takes a person to appreciate what you have done.

It Girl Where stories live. Discover now