Chapter 51

19 6 0
                                    

If loving you is all that means to me,
Then being happy is all I hope you be.
If loving you must mean, I really have to set you free.

Nakakatuwa naman 'tong si Mama. Umagang umaga Side A ang music. Maganda. Maganda lakas makabitter e. Gusto ko talaga mga songs nila. PERO HINDI NGAYON UTANG NA LOOB NAMAN.

"Ma pasok na ko."

"Oh hindi kana ba kakain?"

"Hindi na Ma, busog na kasi ako sa sound trip mo ngayon."

"Ha?"

"Wala po Ma. Sabi ko sa school nalang ako kakain baka ma-late ako."

Hindi pa alam ni Mama yung nangyari sakin. Ayoko ng malaman pa ni Mama. Malaman man niya gusto ko yung may maipapaliwanag ako.

Ang lungkot ng athmosphere ngayon. Monday na Monday. Ayokong magdrama. Baka kasi nagsasawa na kayo. Ayoko na.

Pero masakit kasi. Paulit ulit lang diba? Eh kasi nga sobrang sakit.

"Huuuuy!"

"Uy Lance."

"Kamusta kana?"

"Okay pa."

"Bakit okay pa?"

"Wala. Bakit nga pala nandito ka?"

"Ha? Ahyee okay ka lang? Papasok kasi ako kaya nandito ako."

Teka. Oo nga pala. Dito ako dumaan sa likod ng campus para malayo. Gusto ko lang maglakad ng malayo para makalimot.

"Oo nga pala. Sorry."

"Ha ha ha! Uy tignan mo yun oh." Tinuro ni Lance yung tarpaulin sa Building ng Dean's.

Congratulations!
Mr. Lance Navarro & Ms. Ahyee Rodriguez.

Mr. & Ms. Psychology 2013

Tapos may nakalagay din na picture namin. Edi wow.

"Bakit parang di ka masaya Ahyee? Okay naman yung picture mo dun ah?"

"Ha? Di ah. Masaya kaya ako. Di mo ba nakikita?"

"Ah masaya ka pala sa lagay na yan. Bakit-"

"Uy sige ah. Pasok na ako Lance."

Tinalikuran ko na siya. Masaya naman talaga ako. Siyempre proud school ko samin e.

"Hi Ahyee! Congrats!"

"Ms. Psychology galing mo! Congratulations!"

Lahat sila bumati sakin. Edi ngitian ko. So ganito pala feeling ng marami nakakakilala sayo? Nakakapagod. Nakakapagod ngumiti sa bawat makasalubong mong bumati sayo. Buti nalang di ko pinangarap maging famous.

Oh nagkaklase na pala si Prof bwiset late na ako. Pumasok nalang ako ng nakayuko st bumati kay Mrs. Almazan.

"Good morning Prof. Sorry I'm late."

"Ah? Ms. Rodriguez? Good morning. What time is it?" I mean what day is it?"

Eto nanaman. Oo na late ako Monday na Monday. Sesermunan pa ako. Magklase nalang kasi siya tsaka na sermon after class. Tss.

"It's Monday Prof. And I'm late. I'm sorry." Nakayuko ko paring sagot.

"It's Monday yes. If I know you have no class this Monday. I will not be able to meet you this day. Next Monday probably."

Natahimik ako. Monday ngayon? Tinignan ko ang paligid ko. Walang bahid ng mukha ng classmates ko ang mga nasa room. Clueless sila sa mga nangyayari ngayon.

"Ay! Nako. Sorry Mrs. Almazan. Sorry po talaga! Sorry for the disturbance. I'm sorry Prof."

Nagmamadali akong lumabas ng room. Oo nga pala. Wala akong klase ngayon! At hindi ko nasabi 'to kay Mama kaya di niya ako napaalalahanan.

Shit! First time lang 'to sa buong buhay ko! Nanginginig akong naglalakad. Naluluha na ako. Ahyee naman! Bakit ganito? Napapabayaan mo na sarili mo! Umayos ka nga.

*boogsh*

"I'm sorry." Dali dali kong pinulot ang mga libro ko. Nakabangga pa ako.

"It's okay. Here." Inabot niya sakin yung iba kong books.

Ang ganda naman niya. Ang ganda niya kahit na.. kahit na gay siya. Yes. Katawang babae at bihis babae siya.

"I'm sorry ulit."

"Ah wait lang Miss. Ikaw yung nnasa tarpaulin. Ikaw yung Ms. Psychology?"

Namukhaan niya pa ako? Wala nga akong make up. Tsaka ang layo ng itsura ko dun sa tarpaulin ngayon dahil. Basta iba itsura ko pag naka make up.

"Ah yes ako nga."

"Umiiyak ka? Eto oh."

Inabutan niya ako ng handkerchief.

"Ay hindi. Napuwing lang ako. Thank you."

"Are you sure?"

"Yes."

"Okay." Ningitian niya ako.

"Thank you." Nagtalikuran na kami.

"Ahhyeee!"

"Oh Lance?"

"Wala kang klase."

"Oo. Kalat na ba?"

"Hindi. Nakasalubong ko si Mrs. Almazan. She told me about-"

"Oo na."

"Hindi ka kasi okay pinipilit mo pa."

"Okay lang ako."

"Ahyee I knew it."

"Knew what?"

"Karl."

"Oh. Okay."

"I'm sorry. Di ko naman sinasadyang marinig yun."

"Okay lang."

Tuloy tuloy parin ako sa paglalakad. Pero hinila ako ni Lance.

"Ilabas mo sige."

"Lance okay lang ako."

Niyakap niya ako. Niyakap ng mahigpit.

"Diba sabi ko okay lang?!"

Ayaw parin niya ako pakawalan. Wala narin akong nagawa. Lumabas narin. Ang luha ko.

"Sana pala hindi nalang kita hinayaan sakanya. Sana pala di nalang kita hinayaang mawala."

It Girl Where stories live. Discover now