It's already 3pm in the afternoon. Where the hell is Ian? Hanggang ngayon wala parin. Baka gabi pa pumunta yun sinabi ko nang hindi ako pwede ng gabi. Pag hindi siya dumating ngayong hapon wala siyang aabutan mamaya.
"Bro!"
"Buti dumating ka pa Ian?!"
"Sorry bro, umabot kasi ng 5 sets yung game kanina e. Tapos medyo traffic pa."
"You wasted 1 hour of my life." n
"Gago. So bro, kamusta na si Ahyee? What happened ba bro? Anong cause ng accident?"
"Me. My fault bro."
"What?! Bakit naman?!"
Kinwento ko yung nangyari. Sinisigurado kong si Ian na ang last na pagkukwentuhan ko nito. Sobrang hirap balikan ng pangyayari na yun. Tuwing ikukwento ko yun sa iba, nagpa-flashback ang lahat sakin. At everytime na kinukwento ko yun, pilit akong kinakatok ng konsensya ko.
Hanggang ngayon naman sarili ko parin ang sinisisi ko kung bakit nagkaganito. Oo hindi ko pinapahalata kela Tita Mia na sinisisi ko sarili ko dahil hindi nila gusto 'yon. Na ganun ang isipin ko.
Kung nasabi ko lang sana ang dapat kong sasabihin that time edi sana hindi siya na-coma ngayon.
7pm. Nakarating na kami ni Ian ngayon sa ospital. Gusto dumalaw ni Ian kaya hindi na ako nagdalawang isip isama siya ngayon.
"Good evening po Tita."
"Good evening po."
"Oh good evening." ngumiti si Tita nang makita na kami.
"Ian, buti naman nakasama ka ngayon."
"Oo bro kamusta kayo?"
"Si Ian ba iyan?" tanong ni Tita,
"Oo Mama si Ian yan."
"Hello Tita, naaalala niyo pa po ba ako?"
"Aba oo naman! Kayong dalawa ni Karl lagi pumupunta noon sa bahay diba. Kamusta kana? Ngayon lang yata ulit kita nakita?"
"Nag-aaral po kasi ako Tita. Nakakasama ko parin po si Jerome at Karl sa mga game. Hindi na nga lang po ako nakakapunta sa inyo dahil busy po."
"Ah kaya pala. Ang laki laki niyo na. Dati mga totoy pa kayo e."
"Hahahahahahaha! Tita talaga." natawa kami nila Ian at Jerome.
"Mama, si Karl lang naman mukhang totoy noon at hanggang ngayon e."
Nag dinner kaming lahat. Lahat kami nagtatawanan dahil sa mga kwento namin. Puro mga throwbacks pa nga ang pinagkukwentuhan namin dahil nga madalas kami sa bahay nila Ahyee.
Nakakatuwang isipin na kahit papano napapasaya namin si Tita Mia kahit na alam naming lahat na nahihirapan siyang makita ang bunso niya sa ganung kalagayan.
Sana si Ahyee kasabay rin naming tumawa ngayon. Sana kasabay rin namin siyang kumain ngayon. Sana kasabay rin namin siyang binabalikan yung mga throwback stories namin sa bahay nila. Yung mga throwback na pag nasa bahay nila kami e lagi siyang nagkukulong sa kwarto niya dahil iniiwasan niya ako.
YOU ARE READING
It Girl
Novela JuvenilEverytime Ahyee is about to see him destiny seems to always has its way to play that song.