Chapter 22

42 6 0
                                    

Maya-maya ay narinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko.

"Who's there?!"

"It's me Karl." 

"Da-ddy? Come in." akala ko si ate lang, agad akong tumayo para buksan ang pinto.

"Anak."

"Yes dad?" Siguro sinabi ni Ate yung nangyari kanina sa game. Kaya nandito si Daddy.

"How are you Karl?" akala ko, maririnig ko ang galit na boses nito at pangangaral, pero nagkakamali ako.

"I don't know Dad." hindi ko na kinakamusta pa ang sarili ko, pagkatapos ng lahat ng mga nangyayari ngayon, hindi ko na yata deserve pa ang tanungin 'non.

"You look tired son."

"Yeah Dad. Im just-"

"Hindi mo sinasabi sa amin na hindi maganda ang kalagayan ng kapatid ni Jerome."

"I'm sorry Dad." 

"It's okay Karl, Ian already told me everything. So how is she?" Imbis na sagutin ko si Daddy ay nanatili akong tahimik.  "I'm sorry anak." napansin naman agad ito ni Daddy.

"Okay lang Dad."

"Anak, bilib ako sa kapatid ni Jerome ha. Biruin mo yun napagtitiyagaan ka." natawa pa ito.

"Dad salamat sa compliment mo." What's with him?

"I'm serious son. Ate mo nga hindi kaya pagtiyagaan 'yang pasaway mong ugali e."

"Dad iba si Ahyee. Iba ang.."

"Nag iiba ka ng ugali pag kasama siya tama ba? Well sa mga nakwento sakin ni Jerome mukhang tama nga."

"Jerome?" ang alam ko, hindi pa sila nakakapag-usap ni Jerome nitong mga nakaraan dahil sa sitwasyon.

"Galing ako kanina sa ospital kung saan naka-confine si Ahyee. Kaninang umaga, noong kumuha si Ian ng gamit mo, tinanong ko siya kung bakit hindi ka umuuwi tuwing gabi. Kasama ko Ate mo kanina pagpunta doon. You know what son, I think she's really a nice person. Kaya pala hindi ka umuuwi dahil ikaw ang nagbabantay kay Ahyee every night. But don't worry son I understand."

"Thanks dad." marahil alam narin ni Daddy ang buong pangyayari. 

"Pero anak, sa tingin mo bakit mo nga ba 'to ginagawa?"

"Kasi dad, I felt bad-"

"No, don't felt bad Karl dahil ba sa ikaw ang sa tingin mong pinaka-responsibe? Kasi ikaw ang huling kasama niya nang mangyari ang aksidente? Now again, bakit mo nga ba 'to ginagawa? Yung pagbabantay sa kanya every night." Bakit nga ba? Dahil gusto ko nga lang siya bantayan. At gusto ko pag nagising siya, I'm with her.

"See? Son, kelangan mong aminin sa sarili mo ang totoo."

"The truth? Dad what are you talking about?" Nako-confused na ako sa mga sinasabi ni Daddy.

"Sa tingin mo bakit binabantayan at bakit nagsa-sacrifice ang tao para sa isang tao?"

"Dad, it depends."

"Answer me son."

"Dahil mahalaga at mahal niya ang isang tao." alam ko naman na 'yan ang gusto marinig ni Dad.

"Exactly. Nasabi mo na ba sa sarili mo kung bakit mo ginagawa lahat ng 'to para sakanya?" 

Dahil mahalaga at mahal niya ang isang tao. Dahil mahal ko siya. Si Ahyee, mahal ko siya.

It Girl Where stories live. Discover now