Chapter 28:

43 6 2
                                    

Kanina pa ako pinipilit ni Joey sabihin kung ano ang iniisip ko. Hindi ko kasi siya masyado pinapansin sa mga kinukwento niya. "Parang hindi ka naman masaya kasama kami. Tell me, nagsisisi ka ba na nagising ka?" ano bang pinagsasabi  niya?

"Ang OA mo Joey ha!"

"Hindi kasi ako sanay sa tahimik mong aura Ahyee. Dati diba ang ingay ingay mo kapag kasama ako? Tapos dati, ang saya saya mo pag kasama si Karl."

Pagkasabi nun ni Joey, napatingin si Karl samin. Hindi naman niya narinig yung pinag-uusapan namin ni Joey pero narinig niya ang pangalan niya na naging reason para lumapit siya samin.

"You need something? Ahyee?" hindi ko siya tinignan nang makalapit siya, lalo ko pang iniwas ang tingin ko.

"Nothing Karl, nagkukwentuhan lang kami ni Ahyee." napansin ko naman na umalis din siya agad ng sabihin iyon ni Joey.

They're here. Everyday dumadalaw sila sakin. Hindi ko nga alam kung mao-overwhelm ako o ano. Paano, wala naman na akong sakit. Gising na naman ako sa pagka-coma ko. Si Karl, bukod sa every day akong dinadalaw, lagi silang may pinag uusapan ni kuya.

"Sige bro, gotta go sunod ka nalang sa game ah." narinig kong paalam ni Kuya Jerome kay Karl.

"Sige bro. Ingat."

"Kuya Jerome aalis ka?" Tanong ko. Wala lang ayoko lang umalis si Kuya.

"Yes Ahyee. May game kami ngayon."

"Ahhh. Okay Kuya take care." Nag wink lang sakin si Kuya. 

"Uhm, Ahyee, ano gusto mong pasalubong later? Bilhan kita." Karl asked while smiling at me.

"Ayun oh. Sabihin mo na bakla! Ako Karl, pizza lang okay na." Sabat naman ni Joey habang busy sa paglalaro sa tablet niya.

"Ikaw Ahyee? Do you want pizza?" tinanong ako nito ulit dahil si Joey ang unang sumagot kahit na hindi naman siya ang tinatanong.

"Nothing." wala naman akong gusto.

"Hindi pwedeng wala. Sige na sabihin mo na."

"Wala nga!" cold kong sagot. Sinabi kong wala e.

"Pero dap-"

"I said nothing! Just leave! Why are you here? I thought you and Kuya have a game then why are you still here?!" Nagulat si Karl at Joey sa sinabi ko. Eh totoo naman kasi ano pa bang ginagawa niya dito?

"I'm here because of you. I want to-"

"Kung nandito ka para lang pagaanin ang loob ko at para maging pampalubag loob mo sakin, salamat. At kung ginagawa mo 'to dahil sa alam mo ang nararamdaman ko sayo, then you don't have to do this. Just leave! I don't want you Karl!"ilang minuto din siyang nakatayo sa harap ko. Blanko. Walang words na lumabas sa bibig niya pati narin kay Joey. Nakatingin lang siya sakin, mata sa mata.

"If that's what you want, okay I will." Sabi ni Karl na nanlulumo. Kinuha niya ang gamit niya at umalis narin.

"Teh? Anyare? Okay ka lang?! Alam mo ba lahat ng nasabi mo?! Hala, na-coma ka lang bakit ganyan na mga sinabi mo?" 

"What?! Sinabi ko lang yung totoo."

"Yung totoo? Anong totoo Ahyee? My gosh bakla, hindi kita maintindihan paano pa kaya yung sinigawan mo na kakaalis lang?"

"Ano bang problema?! Sinabi ko lang yung nararamdaman ko Joey."

"Nararamdaman mo?! Ano ba nararamdaman mo? Di'ba gusto mo siya? O na-coma ka lang ng ilang buwan tapos nagising ka nalang na hindi mo na sya gusto?!"

"Oo." pagsisinungaling ko sa best friend ko.

"I know hindi yan ang tunay na nararamdaman mo. Ano bang gumugulo sa isip mo ha?! Bakit ginagawa mo 'to sa kanya? Sa araw araw na pumupunta kami dito kundi mo i-snobin yung tao, sasagutin mo ng sarcastic. What's wrong with you Ahyee?!"

"Nothing! There's nothing wrong with-"

"Oh, oo nga pala. Siguro ang mali sa'yo ay yung hindi ka marunong umamin talaga sa sarili mo. Palagi mong nilalabanan yung sinisigaw ng puso mo."

"What?! I-"

"Hindi naman kami ang dinadaya at niloloko mo e! Kundi sarili mo. Sarili mo lang Ahyee! Kelan ka pa naging ganyan Ahyee? Hindi na yata ikaw si Ahyee na kasama ko two months ago." Kinuha na niya ang bag niya at akmang aalis na.

"Thank you for everything Ahyee. Kapag nakita mo yung dating Ahyee Jane Rodriguez, pakisabi sa bestfriend ko bumalik na siya ha? Kasi hindi ko ma-take yung bagong e." nakita ko ang nangingilid na luha nito bago siya tumalikod at nagbitaw ng huling salita. "Ahyee.. Sometimes taking a chance is the best thing you can do for love."

It Girl Where stories live. Discover now