Chapter 36

50 5 1
                                    

Andito na ulit kami sa car niya. Hindi ko alam sakanya kung ihahatid na ba niya ako pauwi o hindi pa. Bahala na siya. Ayoko siya tanungin baka kasi ihatid nga niya ako sa bahay. Ayaw ko pa. Gusto ko pa siya makasama. Pero may isa akong pakiramdam na di ko na mapigilan e..

"Uh, Karl?"

"Yes babe?" Tuloy tuloy parin siya sa pagdrive. Pano ko ba 'to sasabihin? Nahihiya ako e.

"Ano kasi.. uhm." Naghihintay lang siya sa sasabihin ko. Eh ano kasi e hehehe. Ugh.

"I'M HUNGRY!! ANO BA!! KUMAIN NA TAYO!!"

Hala? Totoo? Nagalit ako nung sabihin ko yun? Nagiging monster na ata ako pag gutom e. What I have done?

He look at me..

"Babe. I'm sorry okay. We're going to eat sorry eto na bibilisan ko na."

"Sorry Karl. Hehehe." Nakakahiya naman sa boyfriend ko. Ggrr.

"Sorry for what?"

"Eh kasi nagalit ako. Gutom na talaga ako." Umiwas ako ng tingin sakanya nakakahiya talaga.

"I understand okay? Lagi ka naman mainit ang ulo pag gutom. Kilala na kita."

Aw. Oo na sige na ako na mainit ang ulo pag gutom. Kayo din naman diba pag gutom naiirita? Iba nagagawa ng pagkain noh. Tss.

Nakarating din naman kami sa kakainan namin e. Sa restaurant pa nga ako dinala e. Muntik pa ako magwala sa car. Siyempre joke lang yun. Ayoko sa resto. Gusto ko sa Mcdo. Gusto ko nang chicken dun. Dun at dun lang. Yun ang hinahanap ng panlasa at tiyan ko.

"Wait for me oorder na ko. Wag kana sumimangot Ahyee." Tapos kiniss niya ako sa cheeks. Wow ha.

10 minutes. Nakapila parin siya. Gutom na talaga ako Lord. Huhuhu. Nakapalumbaba ako sa table habang iniikot ang cellphone ko. Wala akong magagawa nagugutom na talaga ako.

Maya maya may kumalabit naman sakin. Si..

"Tyron!"

"Ahyee kamusta na?"

"Eto okay lang. Ikaw?"

"Okay lang din!" Galak na galak ako nakita ko si Tyron. Tyron Mendez. Ang seatmate ko lagi nung 4th year highschool ako. Sponsor ko 'to ng papel at ballpen e. Hahaha.

"Ang laki mo na Ahyee ah? Hanggang ngayon Mcdo parin tambayan mo? Haha."

"Oo naman. Forever na ata kami ng Mcdonalds. Ikaw? Diba team KFC ka? Ano ginagawa mo dito?"

"Ah dito kasi naisipan ng girlfriend ko kumain. Ayoko nga sana e kaso mapilit. Pasalamat siya mahal ko siya."

"Naks naman! May girlfriend kana Mendez? Haha."

"Ako pa ba? Baka nakakalimutan mong habulin ako ng babae. Ikaw lang ang di naghabol sakin."

Sa dinami-rami kasi ng babae sa school namin dati ako lang ang hindi nagka crush sakanya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi boyfriend ko na si Lance nung time na yun.

"Oo nga noh? Haha. Panget mo kasi e."

"Grabe ka Ahyee ah! Alam ko naman na naging crush mo din ako ayaw mo lang aminin. Pero okay lang sakin yun."

"Makapal parin talaga mukha mo Tyron? Haha. Nasan nga pala girlfriend mo?"

"Nandun umoorder."

"Ano?! *insert batok* bakit hindi ikaw ang nandun?! Ang haba ng pila oh."

"Hayaan mo siya."

"Grabe ang ugh. Sarap mong tirisin Mendez ha."

"Eh si Lance? Umo-order din ba dun?"

"Lance?"

"Oo boyfriend mo diba Ahyee? Lance?"

"Wala na kami."

"Ha?! Wala na kayo?! Kelan pa? Bakit kayo nagbreak? Niloko ka ba?! Sabihin mo lang uupakan ko na."

"Basta wag mo na alamin yun di na mahalaga yun."

"Hays. Sayang dapat kasi sinabi mo sakin."

"Bakit naman? Para upakan mo?"

"Hindi para naligawan kita."

"Hahahaha!! Baliw ka!"

KARL'S POV
(A/N: Special po tong POV na to. Sana namiss niyo si Karl.)

-
Shit lang. Ang haba ng pila. Naghihintay na girlfriend ko. Gutom pa. Ayokong naghihintay siya at nagugutom.

"Good afternoon sir what's your order?"

"Two order of 1 piece. One mcflurry regular. Two large coke drinks. And also a faster service please miss."

Sinabi ko na lahat. Ayoko ng maraming tanong. Ang babagal naman kasi kumilos ng crew. Nape-pressure na ata.

Buti naman at binilisan ng crew. Kaya nakuha ko agad yung order ko. At sino naman yung kasama ni Ahyee sa table namin? Nagtatawanan pa talaga sila ah.

"Ehem."

"Karl!"

Tumayo naman yung lalaking nakaupo kasama ni Ahyee. Sino ba 'to? Nakakabadtrip ah.

"Si Tyron classmate ko nung highschool. Si Karl pala Tyron boyfriend ko."

Humawak naman si Ahyee sa braso ko at ngiting ngiti. Kung di lang 'to nakangiti at kung di ko lang 'to mahal e iba na iisipin ko.

Inabot naman nung Tyron yung kamay niya sakin para makipag shakehands. Mabait ako kaya inabot ko kamay ko.

"Sige Ahyee alis na ko puntahan ko na yung girlfriend ko."

"Sige Tyron!! Ingat ka."

"Oo nga pala, we'll having a reunion next two weeks pa naman."

"Really?!"

"Yes. Here's my card call me nalang for more info kelangan ko na kasi umalis e. Sige see you soon. Ingat din kayo."

"Bye bye Tyron!"

"Kumain kana."

"Wow. Mcflurry! Yaass. Thank you Karl."

Gutom na talaga 'to. Tuwang tuwa e.

"Kain kana rin!!" Sabi niya habang nilalasap yung Mcflurry.

"Say AH."

"Ha?"

"AH. Share tayo dito sa mcflurry oh."

"No sayo na yan."

"Bakit ka ba nakasimangot?!"

"Wala." Oo wala. Nagselos lang ako dun sa Tyron. Ang saya kasi niya. Gwapo din yung Tyron pero mas gwapo ako. Tss

"AH."

"Oh tapos ngayon AH ka din arte kasi e."

Sinubuan niya ako. Hindi na ko magseselos baka magalit pa e. Moody pa naman 'to sakin.

"Alam mo Karl, kahit sino pang lalaki ang magpatawa o magpasaya sakin.. Iba parin yung happiness na galing sayo. Atsaka mahal naman kita. Don't be jealous. Kumain kana"

Sinubuan niya ako ulit. She's sweet. Ang cute cute talaga ng girlfriend ko.

It Girl Where stories live. Discover now