Chapter 64

27 3 1
                                    

Birthday ko na in just 2 hours. Totoo ba 'to? Ang bilis naman ng panahon. Parang kelan lang baby pa ako dito. Baby pa ako ng Papa ko. Parang kelan lang, tuwing umiiyak ako lagi niyang binabanggit sakin ang salitang,

Just keep holding on. Because one day the oceans will move and the stars will collapse. Everything changes, as does your life.

Lagi niyang pinapaalala sakin yan pag nalulungkot o confused ako sa mga bagay bagay. At totoo nga. I just have to keep holding on. After all I've been through. Sobrang dami kong pinagdaanan sa 17 years of existence ko. Nandyan yung, mahihirap na exam, thesis at kung ano pa sa school. Nandiyan yung, first heartbreak, at ang comatose ko na hinding hindi ko malilimutan.

Because one day the oceans will move and the stars will collapse. Everything changes, as does your life.

Lahat pala talaga nagbabago. Lahat ng pwedeng magbago sa mundo, natuklasan ko na ata. Tama si Papa, pati buhay ko magbabago at magbabago. May mga taong, nagbago. Mga bagay na nawala pero may panibagong dumating. Siguro kung tatanungin ako kung anong pagbabago ang hindi ko makakalimutan..

Siguro yun ay yung dumating siya sa buhay ko. Sinong SIYA? Si Karl. Oo siya. Ang labo ko rin e noh? Ewan ko ba. Siya parin kasi talaga e. HAYNAKO NAIINIS AKO! NAIINIS AKO SA SARILI KUNG BAKIT HINAYAAN KO MANGYARI 'TO.

Erase, erase, erase na nga!! Si Papa nalang iisipin ko. Siya, sobrang miss ko na talaga Siguro kung buhay pa si Papa, panigurado nandito yun ngayon sa kwarto ko at sasabihin ulit sakin yung quotable advice niya sakin. Hahaha.

(Bakit di mo rin ba sobrang namiss si Karl?)

Ha!? HINDI NOH!! HINDEEEEEE!!!!

"Hoy Ahyee!! Ano ba nangyayari sayo?! Matulog kana nga!"

"Oo Kuya matutulog na nga ako."

Matutulog na nga ako. Kaso umupo naman si Kuya. At naglalaro ng tablet niya.

"Oh Kuya tutulog na ako."

"Sige goodnight."

"Hindi ka ba pupunta sa kwarto mo?"

"HAAAAA?! PUCHAAAAA!!"

"Luh? Bawal yan."

"ANG INGAY MO KASI AHYEE E. ALAM MO BANG TATLONG ARAW NA AKONG DI MAKAALIS SA LEVEL 7?!"

"Ako pa talaga? E nandito ka kaya sa kwarto ko."

"Wala lang, daldalin lang kita. Di kasi ako makatulog. Excited ako bukas para sayo."

"Hahaha! Mas excited pa kayo sakin ah?"

"Oo naman. Ikaw ba di ka excited?"

"Hindi masyado."

"Bakit?"

"Namimiss ko kasi si Papa kuya."

"Yaan mo na, nandito naman si Papa ngayon e."

"Kuya naman. Mananakot pa e."

"Haha. Takot ka ba kay Papa? Ayaw mo nun? Magkikita kayo ulit."

"Siyempre ibang usapan na yun Kuya."

"Haha. Wag ka mag alala, nandito naman akong Kuya mo."

"Thank you Kuya."

"Okay kana ba sa bisita mo bukas?"

"Yup. Okay na okay na Kuya. Pero teka, pwede ba natin invite si Rick?"

"Ha? Akala ko pa naman si Karl. Tatawagan ko na sana ora mismo para sayo."

"Che! Pero seryoso Kuya?"

"I don't think that's a good idea Ahyee."

"Why not? Kuya kahit naman ganun ginawa niya sakin, nag sorry siya. And that's enough."

"Pero wala na siya dito sa Pilipinas."

"What? Kelan pa?

"Matagal na."

"Hindi man lang siya nagsabi."

"Okay narin yun. Di na kelangan pa magpaalam sayo Ahyee."

"Malay mo lang diba."

"Si Karl ba gusto mo invite ko?"

"KUYA!"

"What? Hahaha! Bakit si Rick naisipan mong papuntahin si Karl hindi?"

"Hindi naman sa ganun."

"Bakit nga?! May pinagsamahan naman kayo compared kay Rick."

"Eh kasi, hindi ko lang alam ang gagawin ko Kuya pag nagharap kami."

"You mean, you're not even ready?"

"Ready na ako Kuya. Pero kung maghaharap man kami, gusto ko unexpected. Parang ang hirap kasing paghandaan ng ganun. Mas maganda na yung, on the spot. Atlis pag nandun na sa moment na yun, wala ng atrasan."

"Dami mong sinabi!"

Mahaba-habang asaran ulit ang nangyari sa pagtambay ni Kuya sa kwarto ko. Siyempre talo ako. As always naman e.

It Girl Where stories live. Discover now