Chapter 63

28 5 0
                                    

Late na ako sa klase ko!!! Ugh. Hindi kasi ako makatulog ng maayos this past few days. Haynakooooo. May pumapatay na yata sakin sa isipan nila e. Hindi naman na siguro si Rick yun, okay na kami e. Sa totoo nga lang, hindi ko na siya nakita pagkatapos ng pag uusap namin.

Teka, bakit ito ang may sala.

"Aray!!" Binatukan ko si Joey habang nagchichismisan sila ng iba kong classmate sa cafeteria.

"Ikaw bakla ha!! Sumusobra kana!"

"Ano teh?! Nababaliw kana ba? Nagdadrugs kana noh? Ano problema mo? Haynako ewan ko sayo!"

Napikon ang bakla. To the highest level ang ginawang pag irap sakin. Naku lagot. Napalakas ata batok ko sakanya.

"Hindi ako masyadong nakakatulog sa gabi! Ikaw Joey baka pinag--"

"Pinagnanasaan kita?! KADIRI KA AHYEE RODRIGUEZ! MANDIRI KA NAMAN!!"

Ay. Pahiya ako dun. Napikon nga talaga bestfriend ko. Patay ako dito.

"Ang ibig ko sabihin, baka pinapatay mo na ako sa isipan mo tuwing gabi kaya di ako makatulog."

"GAGA! Hindi kita pinapatay sa isip ko! Pero mamayang gabi papatayin na nga talaga kita. Sa isip ko!!"

Padabog akong umupo sa table nila at kumuha ng chips sa table.

"Aray!!" Tinapik ni Joey paalis ang kamay ko na kukuha sana ulit ng chips.

"Oh masakit ba?! Bakit nakaupo ka diyan?! At bakit kukuha ka nito?! Bakit pinaupo ba kita ha?!"

Pahiya ulit ako. Tinignan ko sila isa-isa. Lahat sila nakatingin sakin at merong tingin na, "hala-totoo-bang-nag-aaway-silang-dalawa" look. Mukhang nagalit kasi talaga si Joey sa ginawa ko.

"Joey, sorry na. Hindi ko na uulitin." Magpapa-cute muna ako sa bakla delikado ako e.

"Hmp!" Inirapan nanaman ako sabay kuha sa bag at aalis na pero pinigilan ko.

"Huuuy. Sorry na Joey. Hindi ko na uulitin. Oo sinasadya ko pero promise hindi na mauulit pleaaaase?"

"Haay, oo na!! Hindi naman kita matitiis gaga ka!"

"Yes!!!"

"Bakit ba kasi late ka?! Hindi ka tuloy nakapasok sa first subject. Dahil late ka nagising?"

"Oo e. Pero bakit kayo nandito? Hindi naman kayo late diba? Ang alam ko kasi may second subject pa. Halaaaa. Kayo ah. Natututo na kayong wag pasukan ang subject."

"Tanga! Walang prof."

"Ah. Wala pala hehehe."

"Nga pala, kamusta? Nagustuhan mo ba ang venue mo?"

"Okay lang."

"Ah. Maganda ba? Nakakaexcite noh?!"

"Ayos lang."

"Ganon? Bakit parang di ka excited?"

"Ha? Mukha ba?"

"Oo kaya."

Hindi naman ako excited, pero hindi rin naman ako hindi excited. Gets mo? Ah basta. Di palang siguro feel.

"Ayaw mo pa mag 18 noh Ahyee?"

"Hindi naman."

"Sus. Kabahan kana! Pwede kana makulong! Anytime I want, ipapakulong kita! Wahaha."

"Di mo kaya Joey. Kakasabi mo lang diba? Hindi mo ako matitiis."

"Ah ganon? Wag pakasigurado Ahyee. Ipapakulong kita kapag naging kayo ulit ni Lance."

"Hala siya? Pano napasok sa usapan si Lance?"

"Hoy akala mo ba hindi ko pansin yun? Simula ng magbreak kayo ni Karl dumadamoves nanaman yang EX mo!"

"Hindi naman. Friends lang kami ni Lance."

"Friends ka diyan. Ang sweet sweet niyo babae! Naku, tigil-tigilan niyo ako ha."

"Oo nga. Friends lang. Past is past."

"Dapat lang! Dahil Team Karl parin ako kahit anong mangyari. Atsaka, anong 'past is past'? Past is past sainyo ni Lance pero kay Fafa Karl HINDI."

"Haha! At talagang umaasa ka pang magkakabalikan pa kami ha? Hahaha!"

"Oo naman! Anong nakakatawa dun Ahyee? Sus wala kang maloloko dito! Nakikita mo ba 'tong tinidor na 'to? Yang puso mo, parang tinutusok ng limang tinidor ngayon sa pagpapaalala ko kay Karl."

"Eh bakit kasi pinaalala mo pa Joey? Beep beep muna." -classmate

"Di na kelangan non! Bestfriends kami kaya pwede ko sabihin lahat ng makakasakit sakanya."

"Ang mean mo naman sakin Joey."

"Mean na kung mean Ahyee."

"Bakit ba mahal na mahal mo yun? Baka nakakalimutan mong ako ang bestfriend mo dito Joey."

"Oo naman di ko nakakalimutan yun. Pero wala e, Team Karl all the waaaaayyy."

Ang landi. Ganyan, palibhasa do niya kasama boyfriend niya kaya tinitira nanaman ako. Palibhasa ngayon nalang ulit kami nagkausap ng matino.

It Girl Where stories live. Discover now