Chapter 23

52 6 0
                                    

Saturday morning. Ang gaan nang loob ko hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may magandang mangyayari.

"Good morning!" Bati ko kela Daddy at Ate na naghihintay na sakin para makakain na kami ng breakfast.

"Uy, mukhang maganda gising ng kapatid ko ah?"

"Gusto ko lang umpisahan ang umaga ko ng positive vibes ate."

"Gusto mo lang ba talaga o napag isipan mo na yung sinabi ko kagabi?"

"Dad?!"

"Hahahahahaha!" Sabay ng tumawa si Daddy at Ate.

"Anyway, Dad, kelan ba uuwi si Mommy?"

"Sa makalawa anak."

"Ohh. Bakit ba hindi kayo sabay umuwi dad?"

"Humirit pa kasi ang mommy niyo ng 3 days doon sa Cebu."

"Ah. Okay."

"San ba ang punta mo ngayon niyan?"

"Ah.. may mga aayusin lang dad."

"Pupuntahan niya syempre yung Ahyee niya dad ano ka ba."

"Okay anak. Sige bilisan mo na diyan kumain at alam kong miss na miss mo na si Ahyee."

"Hahahahahaha!!"

What's with them? Lakas mang asar ni Dad at ni Ate ngayon. Ngayon lang 'to . Pag nagising na si Ahyee di na nila ako maaasar.

Last night, when I realized some things ang daming pumasok sa isip ko. Na-excite ako na ewan. Nakakabading nga, pero aaminin ko kinilig ako habang iniisip ko si Ahyee.

Dahil sa sobrang excited ko naisip ko kung ano nga ba una kong gagawin kapag nagising na siya. Ano una kong sasabihin? Mag 'hi' o 'hello' ba ako? Ngingitian ko lang ba siya? Hay. She never fail to make me clueless.

Clueless yes. Tuwing magkasama kami sa sobrang saya ko minsan hindi ko na alam kung ano pa ba pwede kong gawin para mag stay pa sakin si Ahyee. Kung ano ba pwedeng gawin para malibang siya at hindi siya mabored kasama ko.

Pero, ang aga pa para pumunta ako sa ospital. I know anytime pwede akong pumunta doon pero parang meron kasi akong gustong gawin muna bago pumunta doon pero hindi ko malaman kung ano.

"Oh natahimik kana diyan Karl? Ano ba kasing iniisip mo at tahimik ka diyan?"

"Wala.."

"Wala daw. Kaya pala you look bothered." They laughed at me again. 

Pagkatapos ko kumain ay agad akong umalis para pumunta muna kay Ian. Naisip ko na! Alam ko na, hah! This is perfect.

It Girl Where stories live. Discover now