Chapter 33

48 6 0
                                    

Minsan sa life, you just have to fight for what you want. For what you love. For what you have. There's nothing wrong of trying or fighting. When you fight, kelangan dala mo ang salitang, willing to take the risks at dapat handa kang tanggapin ang maaaring maging kalalabasan o maging kapalit ng ipinaglaban mo..

" When I tell you I love you, I don't say it out of habit. I say to remind you that you're the best thing that ever happened to me." May bumulong sakin out of nowhere. Pagdilat ko ng mata ko siya agad ang nakita ko na naging dahilan para ngumiti ako.

"Good afternoon babe. Wake up I love you."

A-afternoon?! Hindi na ba morning?

"Uh. Good morning?"

"Haha, it's already 3pm."

"What?!"

"Haha yes. Look nakauwi na ko ng bahay at nakapagpalit ng damit. Nakabalik na ko dito tulog ka parin?"

Ang haba na pala ng tulog ko. Past 10 narin kami nakauwi dito sa bahay kagabi. Dito natulog sa bahay si Karl dahil malakas ang ulan at gabi na.

"I feel like I only slept for like 3 hours." Sabi ko na bumalik ulit sa pagkahiga.

"Wake up. Come on let's go out."

"No, I don't like Karl."

"Please? Pretty please?" Nag pout pa. Palibhasa weakness ko yang pagpapacute niya kaya ayan.

"Where are we going?"

"Basta. Tumayo kana diyan at mag ayos dali."

"Ayok- ugh!! Stop, ibaba mo ko!!" Kakagising ko lang pero nagsisigaw na ko. Buhatin ba naman ako at ibaba sa tapat ng cr namin.

"Go take a bath Ahyee. I'll wait for you. Love you!" Sabay kiss sa cheeks ko at tumakbo pababa.

Oo na eto na maliligo na ako. Ano pa ba magagawa ko nandito na e. Pero aaminin ko, kinikilig ako. haha. Eh ikaw ba naman pagkagising na pagkagising mo e.

Ngayon ko lang ulit 'to na-feel. Yung saya sa heart. Nako, landi. Landi Ahyee kaasar.

So wala namam nangyaring kakaiba sa pagligo ko. Hehehe. Ganun parin matagal parin ako maligo.

Paglabas ko ng banyo..

"Hoyyyyy!!"

"Ahyee ha, naligo ka lang sa ulan kagabi naging palasigaw kana."

"Sabi mo sa baba ka maghihintay?! Bakit nandito ka sa kwarto ko?"

"What? Boyfriend mo naman ako ah?"

"Gago!! Alis ka nga dito!"

"Haha, cute cute talaga ng girlfriend ko asarin."

"Ewan ko sayo! Labas ka nga!"

"Eto na nga oh, palabas na." Pinisil pa ang cheeks ko habang palabas ng kwarto ko.

"Oops, one more thing babe. The next time you curse, I'll punish you."

"Ha-ha *sarcastic laugh* tinatakot mo ba ako? What punishment?"

"Gusto mo malaman?"

"Yeah."

Lumapit siya ulit sakin sabay.. KISS SA LIPS!

Pinaghahampas ko lang naman siya habang pinapalabas ng kwarto ko. Aba namihasa na 'tong lalaki na 'to ah.

"Aray! Haha. What's your problem babe?"

"Kiss ka ng kiss sumosobra kana! Kainis ka!"

"Haha sorry na sge bihis kana."

"Te-teka lang."

"Bakit babe? Nagbago na ba isip mo? Di mo na ko paaalisin dito?"

"Shut up! San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta nga. Bilisan mo na diyan. Gagabihin tayo."

"Oo na. Get out."

Kahit na nang inis siya ngayon, napapangiti parin talaga niya ako. He's annoying, he's hilarious, he makes me yell, he drives me crazy, he's out of his mind, and he's everything I want.

It Girl Where stories live. Discover now