Chapter 56

31 8 0
                                    

Lord, help me! Hindi ko na alam gagawin ko. Na-corner na ata ako dito sa cafeteria na 'to. Pero kilala ko. Kilala ko ang boses na yun.

"Oh Karl." Sabi ni Rich. Rich nga ba ulit name niya? Ewan! With matching palakpak pa.

"Ahyee halika kana ihahatid na kita." Palapit sakin si Karl at hihilahin na sana ako palabas ng cafeteria kaso hinarang kami ng baklang to.

"Knight in shining armor ang tema? Ha ha ha! (sarcastic laugh) Bakit uuwi na kayo? May sasabihin pa ako sakanya Karl."

"Rick. Ako na bahala magpaliwanag non."

"Then do it NOW."

"What? Are you serious?! No. We'll leave."

"You gonna tell it? O ako nalang. Mamili ka Karl."

"Rick tama na!"

Ano ba 'to. Napagitnaan pa ako ng dalawang 'to. Nagsisigawan pa sila ah. Naguguluhan na ako. Sino ba talaga itong isa na 'to? Sabi niya kanina Rich name niya tapos Rick naman tawag sakanya ni Karl.

"Umuwi kana!" Inalis ni Rich yung pagkakahawak sakin ni Karl sa braso at tinulak ako ng bahagya. Aba! Masakit yun ah!!

"Oo!! Aalis naman na talaga ako! Hindi mo na ako kelangan itulak!"

"Sandali Ahyee."

"Oh pipigilan mo ba Karl?!"

"I can't let her alone Rick!!"

Nakatalikod na ako sakanila at papalabas na ng marinig ko ang sinabi ni Karl.

"You can't let me be alone? Really Karl?! You left me!!"

"Ahyee I'm sorry, I-"

"He left you because we're leaving Ahyee."

"Tangina Rick wag kang sumabat!"

"You two are leaving? Who cares?!" Matapang ko parin silang hinarap at nilapitan para ipamukha sakanilang wala akong pakelam.

"May relasyon kami Ahyee."

Jaw drop ako. Ano daw? May relasyon sila? Ha ha ha ha!! Tatawa na ba ako? O iiyak sa pang iinis niya?!

"Ano masasabi mo Ahyee? Kawawa ka naman! Sa hinaba-haba ng panahon na masaya kayo di niya sinabi sayo yun?"

"Bakit ko sasabihin yun Rick?! Wala tayong relasyon!!"

"Anong wala?! O sige wala. Pero NAGKAROON tayo ng relasyon dati!"

"Tigilan mo na 'to Rick please lang!"

"Natahimik ka Ahyee? Hindi ka na makapaniwala na yung pinakamamahal mong boyfriend pumatol sa kagaya niya? Nandidiri kana ba? Hahaha! Poor little girl."

"Ahyee I can explain."

"I knew it."

Nanlambot na mga tuhod ko. Hindi ko alam kung pano ako aalis sa harap nila.

"Ahyee?"

"Yes Karl. I knew it."

"Hahaha kawawa ka naman Ahyee."

"Umpisa palang.. hindi hindi, crush palang kita Karl alam ko na yun. Alam ko ng nagkarelasyon ka sa isang.. at ikaw pala yun Rich ay Rick pala. Ay oo nga! Ngayon ko lang naalala Rick nga pala name ng dating karelasyon mo Karl."

Taas kilay parin ako tinitignan ni Rick habang naiiyak na.

"Bakit naman ako mandidiri ha Rick?! Seriously, I'm proud of myself because I don't judge him. Hindi kagaya mo Rick na nandidiri kay Karl na sa totoo lang ikaw naman ang bumaboy sakanya at ikaw 'tong nagpupumilit kay Karl."

Oo. Alam ko naman na talaga nagkaroon sila ng relasyon ni Karl. Pero hindi ko na inisip yun. Hindi naman big deal sakin yun e.

"Atleast, I still gave him a chance. A chance to be love and to be inlove. Eh ikaw Rick. Binigyan mo na ba ng chance ang sarili mo mag iba ng pananaw? Chance na magmahal ng iba at mag let go? Binigyan mo na ba ng chance ang sarili mo na hayaan maging masaya sa panibagong pagkakataon ang sarili mo?"

Tinitigan ko lang silang dalawa habang nakayuko si Karl at nakatingin sa malayo si Rick. Mataray parin ang dating. Umalis narin ako sa harap nila.

Kelan ba ako ulit huling umiyak habang naglalakad mag isa? I still love Karl. Mahal na mahal ko siya. Galit ba ako? Hindi ko alam e. Para kasing ang unfair niya hindi man lang siya nag open sakin at naging honest.

Kaya pala nung contest. Yung question ko is about sa dalawang same sex relationship, hindi siya makatingin sakin ng diretso noon sa mata at hindi mapakali.

Hindi naman ako ganun kalupit na tao. Hindi ako masama gaya ng iniisip niya. Kung iniisip niya na magagalit ako ng sobra. Oo magagalit ako pero kaya ko parin siya patawarin.

Kung iniisip niya na pandidirihan ko siya, HINDI. I'm not that rude. Tao lang din siya. And I know. Nararamdaman kong walang nangyari sakanila ni Rick. Malakas ang instinct ko na wala. WALA TALAGA. Pero I still didn't know.

Pero ano pa nga ba? Nang maging kami hindi ko naman naalala na yun. Hindi na pumasok pa isip ko na nagkaroon nga pala siya ng man to man etc.

Wala akong karapatan husgahan siya. Lalo na hindi ko din alam ngayon ang tunay na nangyari.

It Girl Where stories live. Discover now