8pm na. Ilang oras na ba akong umiiyak? Hindi ko inexpect na mangyayari lahat 'to ng dahil lang sa kagagahan ko. Tinaboy ko yung isang lalaking sobrang nagtiyaga sa akin. Pati yung bestfriend ko wala narin.
Ang tanga tanga ko naman kasi e. Bakit ba ginawa ko yun? Hay. Bwiset ka Ahyee. Stupid stupid stupid Ahyee!!
*knock knock*
"Ahyee? Are you okay? What happened? Can I come in?"
"Yes ma."
Pagpasok ni Mama dito sa kwarto ko niyakap niya agad ako. At dahil sa love na na-feel ko galing kay Mama humagulgol nanaman ako ng iyak.
"Anak."
"Mama." Sagot ko na para bang bata na sobrang iyak habang humihikbi.
"Iyak ka lang anak. Iyak ka lang. Tell me if you're done."
Ilang minuto din akong hindi nakapagsalita. Iyak lang talaga ako ng iyak. Sabay sa pag iyak ko, bumuhos ang malakas na ulan. Nakikisama pa nga talaga ang langit sa sakit na nararamdaman ko.
"Alam mo kasi anak kaya doble ang sakit na nararamdaman mo ay dahil ikaw mismo gumawa ng way para umalis siya kahit na hindi mo naman talaga gusto. At isa pa, nasaktan mo siya ng sobra. Kaya ang sakit? Doble doble."
Tama nga si Mama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko sakanya.
"Hindi kita sinisisi anak. Pero alam kong alam mo sa sarili mo yung nagawa mo. Remember Ahyee hindi lahat ng tinutulak papalayo ay babalik."
Natakot ako. Eto rin yung feeling ko dati nung malaman ko ang about sa special girl. That time natakot akong baka mawala siya sakin. Tapos ngayon? Ganun ulit nararamdaman ko. Baka tuluyan na talaga siya mawala sakin.
"Ang anak ko, nagmamahal talaga. Ahyee I know mahal mo si Karl. Pero anak you need to fight for your love. Hindi mo dapat pairalin ang takot diyan sa puso mo. Wag ka magpatalo anak. Kasi sa huli, ang happiness mo rin ang nakasalalay."
Fight for my love? Mahal ko siya? Oo sobrang mahal ko nga siya. Kung ganun. I really need to fight.
"Karl is at the park. I saw him nang pauwi ako dito. He told me everything. I asked him why don't he go home to take some rest muna. Alam mo Ahyee, ang sabi niya sakin hindi siya aalis sa park hangga't hindi mo siya tinatawagan."
Sobrang lakas na ng ulan. Nasa park parin ba siya? Nauulanan na siya baka magkasakit siya.
"See? Kahit si Karl anak alam na matalino kang tao. Alam na madali kang maka-realize. Kaya willing siyang maghintay sa tawag mo dahil alam niyang tatawagan mo siya. So why don't you call him?"
Call him? No. Hindi, pupuntahan ko siya sa park.
"Saan ka pupunta Ahyee?"
"Kay Karl Mama kelangan ko siya puntahan."
"Malakas ang ulan Ahyee."
Nagmamadali na akong nagpalit ng damit. Nakapantulog na kasi ako.
"Ma please?"
"Hay. Sige na nga. Magdala ka ng payong wag ka magpaulan."
Payong? Hindi na. Kung basa na siya ng ulan dapat damayan ko siya. Sana nandun pa siya.
YOU ARE READING
It Girl
Fiksi RemajaEverytime Ahyee is about to see him destiny seems to always has its way to play that song.