Chapter 26:

44 6 0
                                    

Natigil ako sa nakita ko.. Gising na siya.  "Ahyee? Thank God!" tumawag ako agad ng Doctor.

Tatawagan ko na rin sila Tita Mia at Jerome. "Hello Tita? Si Ahyee, gising na po siya, gising na siya sa Tita." masaya kong sabi.

"Really? Oh my. Thank you Lord. Okay okay pupunta na kami diyan Karl."

Agad ko rin dinial ang number ni Jerome para sabihin ang good news, pero hindi niya ito sinasagot, marahil ay naglalaro na siya ngayon.

"Where's the mother?" tanong ng Doctor na inalis sa tenga ang stethoscope. "On the way Doc."

"Okay, mas mabuti kung sa mother ko iexplain ang lagay ngayon ni Ms. Rodriguez. But no worries, your girlfriend is fine. Excuse me."  My girlfriend? Soon. Nakahiga parin siya at hindi pa nagsasalita. Agad ko naman siyang nilapitan para kausapin. I hold her hand.

"Ahyee? How are you? Namiss ka naming lahat. Sobrang saya ko, na gising kana ngayon." nakatingin lang si Ahyee sa akin, walang response. "Ahyee? Kausapin mo naman ako o." nakangiti kong sabi.

"Sino ka?" 

Hi-hindi niya ako kilala?  "This is Karl, Ahyee? Hindi mo ba ako kilala?" kinakabahan ako sa maaaring maging sagot niya. Paano kung hindi niya talaga ako maalala?

Natawa si Ahyee. Tumawa ito ng mahina at hinaplos ang mukha ko, "What are you nervous? I'm just joking Karl." 

"Hindi ko gusto ang joke na 'yon Ahyee. Hindi ko kakayanin 'yon." seryoso kong sagot dito.

"I may forget what happened, but I'll never forget how you made me feel Karl." 

Hindi ako natuwa sa pambungad na joke niya sa akin. Pero nabawi na niya, ano pa bang magagawa ko? Wala na akong magagawa bukod sa mapangiti sa sinabi niya.

"I missed you damn much. I really missed you, Ahyee." tinignan ko ang maamo niyang mukha. Wala nang mas gaganda pa sa pakiramdam na makita ko ulit ang ngiti niya sa akin. Yung ngiti niyang para sa akin lang.

It Girl Where stories live. Discover now