Chapter 60

31 9 2
                                    

Masarap mag stay sa bahay. Pero alam mo yun, minsan talaga lakas din ng boredom sa bahay. Wala pa si Kuya Jerome wala tuloy akong kausap. Si Mama naman kausap si Ninang May.

BICYCLE!! TAMA. BIKE. Oo mag bike ka nalang Ahyee. Oo nga! Woohoo, galing ko talaga. Gumagana parin cerebrum at cerebelum ng utak ko kahit nasa bahay ko. Yess.

Bahala na, kung saan ako makarating basta makalanghap lang din ako ng sariwang hangin at matanggal ang pagka bored ko.

Earphones in. Ready.. pedal naaaaa-

"Can we talk?"

"Ha?"

It's Rich. Eh. Rick pala. Napanganga nanaman ako sa ganda niya. Pero hindi! Hindi dapat!

"No need." Aalis na ako e. Pepedal na ako kaso nakaharang. Bungguin ko na kaya?

"Bubungguin mo ba ako? Mamaya na siguro Ahyee. Kausapin mo na ako.

Napataas nalang ako ng kilay. Mind reader ba ito? Bakit niya nalaman yun? Tsaka bakit ang bait nito ngayon? Alam ko kasi mainit dugo nito sakin.

"Kung tungkol lang sainyo ni Karl ang pag uusapan natin, I'm so over it. Do whatever you want together with him Rick."

Nag iba ako ng way para makaalis na. Tinalikuran ko si Rick.

"I promised, after this talk everything's gonna be alright again for you Ahyee. For us. So please."

Haynako naman. Sige na nga! Tutal curious rin naman ako kung bakit mabait 'to sakin ngayon e.

"Okay! Okay. Angkas na."

"No. Hindi ako aangkas. Pwede bang maglakad nalang tayong dalawa?"

"Ha? Pero nandito na sa labas ang bike ko."

"Sige na naman oh, saglit lang 'to."

So wala naman akong choice, naglakad kami. Yung bike ko, wala. Dala ko lang. Bitbit ba. Alam mo yung itsura nung dalawang bida sa Endless Love na koreanovela? Diba mahilig mag bike yun? Yung scene nila na pag pagod na sila mag bike e naglalakad nalang sila at dala bike nila. Basta na-imagine mo na ba? Ganun ako.

"Gusto ko lang humingi ng sorry sayo Ahyee."

"Sorry saan? Sa pagsusuplada mo sakin?"

"Sorry dahil umeksena pa ako sainyo ni Karl."

"Okay na. Baka kayo lang talaga para sa isa't isa ni Karl."

"Sorry dahil siniraan ko si Karl sayo. Sorry dahil sinupladahan din kita. Alam ko rin na meron para talaga sakin. Pero hindi magiging si Karl yun Ahyee."

"Ano ibig mong sabihin Rick?"

"I went here again sa Pilipinas para talaga kay Karl. I taught, I can get him from you. Pero mali pala ako. Nung nasa ibang bansa ako, at nalaman kong ikaw ang girlfriend ni Karl nainis ako. Lumipas kasi ang mga panahon na akala ko makukuha ko si Karl."

Uhh. Okay the athmosphere getting serious now.

"Gaya nga ng sabi ko Ahyee, what Rick's wants, Rick gets. Akala ko isa doon si Karl." Medyo naluluha na si Rick.

"Ambisyosa ko lang Ahyee. Bakla akong tao napaka ambisyosa ko. Pero who cares?! I'm rich. I'm pretty. Right? Kasi transgender na ako. Pero hindi parin napansin ni Karl. Kung nasabi man na sayo ng Kuya mo yung tunay na 'kami' ni Karl dati. Totoo yun. Na masyado ko lang talagang sineryoso yun. Biruan lang kasi namin yun sinakyan lang ni Karl."

No words on my mind. Patuloy parin ang pakikinig ko kay Rick.

"Ngayon Ahyee, inaamin ko mismo sa sarili ko at sa harap mo na, hindi naman talaga naging kami ni Karl. Ako lang nag isip na totoong naging kami. Hindi naman kasi talaga basehan ang pera o ang itsura sa pag ibig."

Kaya bilib ako kay Karl alam mo ba yun? Kasi kahit anong pilit at akit ko sakanya, he still inlove with you. Ikaw lang gusto niya. Ikaw lang kelangan niya. Ikaw lang ang makakapagpasaya sakanya Ahyee. Ikaw at ikaw lang ang totoong mahal niya.

Ha-ha-ha!! Napaka ambisyosa ko talaga. Ngayon tinatanggap ko na ang katotohanan na walang seseryoso at magmamahal sakin na bakla Ahyee. Kayong mga babae parin talaga ang panalo.

Now, kung nagtataka at sinasabi ko ito sayo lahat. Isa lang ang bigla kong naalala. Yun ay ang Papa mo Ahyee."

Si Papa? Bakit? Naiyak na pala kami pareho ni Rick. Damang dama ko kasi siya.

"Kung di pala dahil sa Papa mo hindi mangyayari ang ilang napaka importanteng story mg buhay ko. Alam mo kasi, kung hindi dahil sa Papa mo hindi naman ako maglalakas loob na lumantad. Dati kasi, sila Jerome at Karl lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Sila lang pati iba naming kaibigan. Hanggang sa nakakwentuhan ko Papa mo at nalaman niya na may mabigat akong problema nung mga panahon na yun. Yun ay ang bakla nga ako.

Psychologist Papa mo. Kaya nalaman niya na may problema ako. Ang galing nga e, kasi nabasa ng Papa mo pagkatao ko. Totoo palang may magagaling ng Psychologists noh?

Nung araw din na yun, pinayuhan ako ng Papa mo. Na aminin ko ito sa magulang ko. Na eto lang naman talaga ang makakapagpasaya sakin pag naamin ko na sa mga magulang ko na bakla ako. He cheers me up Ahyee. Hanggang sa tama nga ang Papa mo. Matatanggap ako ng magulang ko at ito ang nakapagpalaya at nakapagpasaya sakin. Naging magaan ang buhay ko mula noon.

Naging tatay-tatayan ko narin kasi Papa mo. Hindi mo lang siguro alam yun. Kasi sa tuwing pumupunta kami sa bahay niyo, lagi kang nasa kwarto mo nagkukulong dahil ayaw mo makita ka ni Karl. Hahaha, crush na crush mo kasi talaga siya noon.

I'm sorry Ahyee. I'm sorry kung nasaktan kita. Sorry kinain kasi mg insecurities ang pagkatao ko. Buti nalang naagapan ko agad. I realized that, I owe your family a lot. Lalo na si Tito Nick at Jerome. Napakabuting tao nila sakin. Tinuring akong anak ng Papa mo at kapatid ng Kuya mo.

Alam kong hindi pa kayo nakakapag usap ni Karl. Pero ako na mismo lumapit at nagpaliwag sayo Ahyee dahil ako naman at puno't dulo nito Ahyee. Sobrang mahal ka ni Karl. Kaso ang sabi ni Karl, mukhang masaya kana ulit kay Lance kaya di na raw niya sisirain pa yung happiness na nararamdaman mo ngayon Ahyee."

What?! Kami? Ni Lance?! Ibig bang sabihin, iniisip at naaalala parin niya ako?

"Napakasama ko kasi, nagawa ko 'to sayo. After all they've done to me. Sinaktan pa kita. Sobrang pinagsisisihan ko yun Ahyee. I'm sorry."

Niyakap ko nalang si Rick at umiyak kaming dalawa. Ang sakit ang sakit sakit. Pero gumagaan na ang loob ko kahit papano. Sobra ko tuloy namiss si Papa.

"Ssshh. Rick, it's okay. I already forgive you. Kung nasaktan mo ako, okay na yun tapos na. Atlis ngayon you mean it. At tinanggap mo na. Thank you Rick."

"I'm sorry talaga!! Thank you Ahyee." sobra ang iyak ni Rick, natutuwa ako kasi naging totoo siya sakin ngayon.

"Wag kana umiyak. At Rick, wag na wag mong sasabihin na walang magmamahal at seseryoso sayo. Love has no gender okay? Meron at meron nakatakda para sayo. May tatanggap at totoong magmamahal sayo. Who cares if you're gay?! Basta as long na nakakapagpasaya at nakakatulong ka sa tao, malaking bagay na yon ha?

Di porket bakla ka, walang para sayo. Tao ka. Nagmamahal ka at may purpose ka rin sa mundo remember that. Just wait for the right time."

Naramdaman kong lalong humigpit ang yakap sakin ni Rick. And yes, I won't let go of this hug hangga't hindi pa siya okay.

It Girl Where stories live. Discover now