Chapter 49

23 6 1
                                    

Nag-celebrate kami sa pagkapanalo namin. At dahil first time ko sa ganitong 'patimpalak' talagang bumilib din ako kahit papano sa fighting spirit ko kanina. Haha.

"Ang galing mo naman kanina Fafa Lance. Alam mo kung di mo lang niloko bestfriend ko dati tiyak inlove na ako ngayon sayo."

"Ehem." Malandi talaga 'tong si Joey aba may lovelife na e. Buti nalang di masyado naka-focus sa group namin si Mama at Kuya. Remember di nila alam na first boyfriend ko si Lance?

Nauna nanaman kasi kalandian netong bestfriend ko. Ang awkward lang dahil nandito din si Karl. At kanina pa 'to walang imik. Naiilang for sure dahil nandito si Lance.

Hay! Eto nalang para naman may sense balikan natin kung pano nanalo si Lance.

FLASHBACK.
Sa talent, talagang naiiba si Lance dahil hindi guitar ang gamit niya kundi beatbox.

Sa Q & A naman naging specific siya sa pag answer na talagang humugot din mga nanonood sa sagot niya.

"Are you willing to let go for the things that makes you happy?" Yan ang question ng host sakanya at ang sagot niya?

"If SHE found home between HIS arms? YES I'M WILLING."

Napanganga din ako sa sagot niya to be honest. Ang simple kasi ng naging sagot niya pero may diin. Diin sa feelings at pagkakasabi. Nyenyenye.

Pero ang lungkot din ng pagakasagot niya. I mean, hello? As a person you can feel it. Lalo na kung kilala mo ang isang tao.

I'm not referring the question to old 'us' dahil I know di siya ang nag let go samin kung hindi ako. Siguro binase niya ang answer sakanila ni Jenn. Duh. Hahaha joke lang naman.

END OF FLASHBACK.

Odiba. Deserve naman na talaga siguro sa title na Mr. Psychology diba? Lalo na kung malalim ang pinanghuhugutan mo sa buhay e magiging bet mo siya sa naging sagot niya. Haha.

"Hey, are you okay?" Nakakapanibago lang kasi talagang tahimik si Karl ngayon kaya oo sige ako na. Ako na muna lalambing dito.

"Yes. Bat naman hindi?"

"Weh?"

"Yes nga."

"Karl."

"Oh?"

"Look at me." Hinarap ko mukha niya saken. Ano bang problema neto? Ayaw niyang tumingin sakin ayaw din niya sabihin problema.

Hinila ko siya paalis sa table kung san nandun lahat. Mag uusap muna kami. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganito siya.

"Why can't you look at me?" Tahimik parin siya. At hindi parin niya ako tinitignan.

"Mahal mo pa ba ako?" Pagkatanong ko nun, tsaka lang siya tumingin sakin.

"Ahyee." Mahinang sabi niya.

"Sagutin mo ko!" Nanginginig na sigaw ko dahil konti nalang iiyak nanaman ako. Pero ayokong umiyak dahil ayokong makita niyang umiyak ako.

Pag nakita niya akong umiyak baka maawa lang siya di pa niya sabihin saking yung totoo.

"Ahyee wag-"

"Oo o hindi lang oh."

"Hindi na."

HINDI NA. HINDI NA. HINDI NA. HINDI NA. HINDI NA. HINDI NA. HINDI NA. HINDI NA. HINDI NA.

Ano ba dapat isagot dun? Hindi ko alam. Kaya iiwan ko na siya dito. Papasok nalang ulit ako sa loob. Wag. Wag muna paapekto sa nalaman ko.

"Oh Ahyee san ka galing?"

"Ha? Diyan lang po Ma."

"Hinahanap kana nila sa loob."

"San ka po pupunta Ma?"

"Ibibigay ko lang 'to sa kapitbahay natin. Nanghiram kasi ako ng malaking kawali."

"Ah sige po."

Hindi. Hindi iiyak si Ahyee. Iniwan na ako nung una. Hindi na ako iiyak sa pangalawa.

"Oh eto na si Ms. Psychology!! Witwiw!!"

"Haha! Loko ka Joey!"

"San si Karl mo?"

"Ah eh, nasa labas."

"Ah o tara celebrate pa!!! Yung softdrinks natin diyan marami pa! Tagay na."

Ayos din 'tong si Lance eh noh. Ngiting ngiti. Di ba niya alam na- ay oo nga pala. Nanalo kasi kami. Kaya masaya. Dapat masaya lang. Walang iiyak. Wala Ahyee.

It Girl Where stories live. Discover now