Chapter 8

52 10 0
                                    

Tagal na naming naglalakad ni Karl di ko parin alam kung saan kami pupunta. Nakaramdam narin kasi ako ng pagod sa paglalakad.

"Pagod kana?" Ay thank you naman at nakaramdam si Karl.

"Slight?"

Umupo siya bigla di ko naman alam kung bakit.

"Ano ginagawa mo Karl?"

Suddenly, na-gets ko naman agad kung bakit umupo siya. Nakatingin naman siya sakin noon.

"Ay hindi na Karl, kaya ko pa maglakad."

"Sige na. Okay lang."

"Promise kaya ko pa."

"Come on."

Ipapasan niya ako. Omg, hindi pwede. Hindi pwede kasi. Ano.. pangit tignan. Basta ayoko.

"No Karl, maglalakad ako."

"Sige na kasi, malayo pa kasi pupuntahan natin."

Nakaupo parin siya habang sinasabi kong kaya ko pa maglakad. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang naglalakad.

"San ba kasi tayo pupunta Karl? Maglalakad nalang ako."

"Malayo pa nga. Sige na kasi. Promise pag nakarating tayo sa pupuntahan natin matutuwa ka."

"Hay. Sige na nga." Ayoko sana talaga pumasan sa likod niya. Pero mapilit kasi talaga e.

"Karl, ano kasi.. mabigat ako baka wala pang 10 minutes ibaba mo na ako."

"No. Kaya kita." Hindi kalakihan katawan ni Karl. Parang pang 16 years old lang. Yah promise! Okay lang naman sa age niya kasi baby face siya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

Hindi kami nag uusap ni Karl habang pasan niya ako. Pagod na nga ako. Sana hindi mahirapan 'tong may pasan sakin.

•••

"Ahyee? Wake up we're here."

Wake up? What happened?

"I'm sorry." Nakatulog ako. Grabe. Nakatulog ako sa lagay na yun ah? Bumaba nako sa pagkakapasan sakin ni Karl.

"Sorry Karl ah?"

"Okay lang. Sorry din dapat pala inuwi na kita pagod kana e." Napansin ko yung lugar kung nasan kami ngayon. Parang nasa. Nasa building kami nasa taas talaga rooftop ng building.

"Ang ganda." Simple lang naman yung lugar, puro sasakyan sa baba then buildings lang din nakikita ko. Pero maganda siya para sakin.

"Really? You like it?"

"Yes. I like it. Gusto ko yung ganitong mga view simple lang pero nakaka relax."

"Buti naman."

"San 'to?"

"Building siyempre haha. Joke dito sa building ng condo ko."

"May condo ka? Bakit sa family mo ikaw umuuwi?"

"Hindi ko pa ginagamit condo ko. Gusto ko kasi pag tumira nako sa condo kasama na yung future wife ko."

"Ah so parang nakalaan siya sa future family mo?"

"Yup."

"Sensya na nakatulog ako ah? Pag kasi komportable ako nakakatulog talaga ako."

"Okay lang sakin."

"Thanks."

"Welcome Ahyee."

"Wait. Nasa taas tayo ng building diba?"

It Girl Where stories live. Discover now