Chapter 16

38 8 0
                                    

"Hijo?"

"Bro?"

"Karl?"

"Uh- Tita." dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko.

"We're here na hijo. Napuyat ka ba?"

"Not really Tita."

"Here, nagdala kami ng breakfast natin. Naisip namin ni Jerome na dito nalang din mag breakfast para may kasabay ka."

"Thanks po Tita."

Buti nalang at medyo hindi na ganun kalungkot si Tita Mia. Gaya ko, siguro thinking positive lang sila ngayon.

"Kanina, habang nagluluto ako ng breakfast, I waited for Ahyee to say goodmorning. Pero, oo nga pala she's here." Sabi pa ni Tita Mia na nakangiti.

"Ahyee, wake up when you already hungry ha? Don't worry I will cook everything you want."

"Oo nga Ahyee, promise ko sayo, ililibre kana ni Kuya when you wake up."

Kinwentuhan nila ako about kay Ahyee. Yung puro masasaya. Nag take din ng mga promises si Jerome at Tita kay Ahyee na gagawin nila paggising ni Ahyee.

"Ikaw bro? Ano balak mo pag nagising na 'tong partner in crime mo?"

"Partner in crime?"

"Yes, magkasama kayo lagi nitong sister ko e." hindi ko na napapansin na madalas na kami nagkakasama, parang normal nalang din sa akin.. gustong gusto ko lagi siyang kasama.

"To be honest bro marami akong gustong gawin pag gising na siya."

"Gaya nang?"

"Ano- ah.."

"Hahaha. Mukhang marami ah? Sige di ko na itatanong baka di mo pa alam kung ano uunahin mo."

"Siguro nga bro, haha!"

"Karl, you can take a rest. Go home muna at ng makapag pahinga ka."

"Okay po Tita. Pero, Tita pwede po bang ako po ulit magbantay sakanya mamayang gabi?"

Tumingin si Tita kay Jerome at ngumiti.

"Sure hijo."

"Salamat po Tita. Sige po I'll go hom. Bro, uwi muna ako."

"Sige mag ingat ka hijo."

"Take care bro!"

•••

Pagkauwi ko ng bahay, nagpahinga agad ako. Natulog ako. Pero hindi ko magawang matulog ng malalim.

Hindi ko magawa kasi, namimiss ko na si Ahyee. Gustong gusto ko na siya ulit makausap, makasama, maasar. Suddenly, my phone rings. Sino naman 'tong tumatawag na 'to.

"Hello?"

"Hello Karl?! This is Ian."

Ian. Barkada din namin ni Jerome at team mate.

"Yes bro, what's up?" tagal nitong walang paramdam sa amin.

"Totoo bang nasa coma ang kapatid ni Jerome?"

"Yeah."

"What happened? Can I come to your house later?"

"Sige Ian what time? Hindi ako pwede ng gabi ako magbabantay kay Ahyee."

"2pm."

End of conversation. Nag-aalala din si Ian. Sa lahat ng team mates ni Jerome, kaming dalawa ni Ian ang madalas pumunta noon sa bahay nila.

Matutulog muna ako, kelangan ko makapagpahinga para mamaya sa pagbabantay kay Ahyee. 

It Girl Where stories live. Discover now