Chapter 6

79 7 0
                                    

It's been 1 month narin since nung nag start yung school ko. 1 month narin ang nakalipas simula nung niyaya ako ni Karl gumala. Gaya ng dati, nag mall lang ulit kami, naglaro sa quantum tapos kumain. Siyempre siya gumastos. Hahaha siya nagyaya e. Ginusto niya yun.

Marami narin nagbago sa lumipas ng isang buwan. Yung hindi ko inexpect na magiging magkaibigan pa kami Karl nangyari. Close na close na kami. Sa katunayan, may schedule na nga kami e. Tuesday, Thursday at Saturday lagi kami nagkikita. As usual laging bonding.

Hindi ko akalain na magiging ganito kami ngayon. Nung crush ko siya nung bata ako, dream ko talaga maging kaibigan siya, and it happened now.

Ang laki ng naitulong sakin ni Karl. Lalo na sa break up namin ni Lance. Talagang pinanindigan niya yung deal na, 'I'm the one who's going to make you happy'.

Nandito ako ngayon sa school. Kakatapos lang ng 2nd subject ko. 2 hours vacant pa bago mag last subject. Bored na bored ako.

I'm with Joey right now. New friend ko.  He's gay and I like it. For me sila ang pinaka totoong tao para sakin. Hindi siguro lahat pero karamihan talaga matuturing mong totoong kaibigan. Siya lang friend ko. Yeah, hindi ako friendly. Gusto ko isa lang lagi kong kasama.

Bookworm 'tong si Joey. Tahimik siya pag nagbabasa. Kumbaga no one can stop him pag hawak na niya books niya.

One at a time lang siya magbasa. Pero once na may binasa siya tuloy tuloy na yun. Pero pag wala siyang binabasa, he's fun to deal with.

"Joey? Bakit ganun?"

"What?"

"Halos karamihan ng tao dito sa campus at dito sa kinauupuan natin puro lovers?"

"Simple lang. Kasi malalandi sila aral muna bago landi. Hahahaha."

"Grabe ka!" 

"Joke lang ano ka ba. Siyempre kasi, love makes the world turn around. In tagalog pag-ibig ang nagpapaikot ng mundo."

"Naks! Ilang years mo ba pinag-aralan yung english mo na yun?"

"Ngayon lang. Nabasa ko sa book ko e."

"Hahaha."

Then suddenly, my phone rings.

Calling...
Karl

"Uyyy alam ko na kung sino yung tumatawag."

"Sino?"

"Si ever fafable Karl Benolirao mo."

Kilala narin kasi ni Joey si Karl. Paano, every thursday kasi dalawang subject lang ang meron ako. Lagi ako pinupuntahan ni Karl kaya nakilala na niya.

"Yes hello?"

"Ahyee."

"Oh?"

"Wala lang. I just want to disturb you." ang nice naman niya. Kagigil.

"At tsaka gusto ko lang na malaman mong.." Everytime na may pa-thrill na ganito si Karl, bumibilis yung heart beat ko. And it sucks!

"Ano yun?"

"Gusto ko sanang malaman mo na.." nakakakaba na ah!

"Ano nga?!"

"Na ang gwapo gwapo ko! Hahahaha! That's it. Bye take care!"

Langya! Nakakasar. Ang yabaaaang! Deserve niya talaga mababaan ng tawag.

"Ano sabi ni Karl?"

"Wala nang inis lang naman! Sinabi sa akin na gwapo daw siya!"

It Girl Where stories live. Discover now