Chapter 4

75 9 0
                                    

Umalis kami ng MOA. Habang inaalalayan ako ni Karl papunta sa motor ko iyak parin ako iyak.
Wala naman siyang imik. To be honest, nakakahiya yung ginawa ko kanina. Nakakahiya sakanya. Imagine, this is our first time na magsama tapos ganito pa. A mess.

Dinala niya ako sa isang court. Medyo maraming tao. Basketball court siya pero puro mga nagba-volleyball ang nandito. Sumunod nalang ako sakanya. Wala akong pakialam kung saan kami pupunta basta gusto kong umiyak.

"So now, tell me what happened. You know I don't care, I really don't care but I haved to. Hindi kita pwede hayaan na ganyan ang itsura. Kaya bago kita ihatid pauwi, gusto kong sabihin mo sa akin kung ano yung nangyari kanina, para man lang gumaan din ang pakiramdam mo. Come on, spill it."

"Lance and Jenn. Lance my boyfriend, Jenn close friend." matipid kong sabi.

"If I know hindi ka pa pwede mag boyfriend. You're just 17."

"Kahit naman may boyfriend ako, hindi ko napabayaan studies ko. At saka bakit alam mo na 17 palang ako?!"

"Uh– nabanggit lang sakin ni Tita. Nako sumbong kita diyan e." pang-iinis niya,

"Ano ba? Papakinggan mo ba ako o tatakutin?!"

"Okay continue."

"So yun nga. 2 years na kami ni Lance at niloko nila ako ni Jenn. The end." Fifteen lang ako nang mag boyfriend ako, masyado pang bata I know, but I know my limitations.

"Oh iiyak ka nanaman?"

"Masakit kasi! You don't understand. What do you expect me to do?"

"Here," Inabot niya sakin yung panyo niya.

"Salamat." Hinayaan na  niya ako umiyak. It made me uncomfortable, pero mas nangingibabaw kasi yung sakit na nararamdaman ko ngayon, kaya naman iniyak ko ng iniyak.

"Are you done crying?"

"I guess.."

"Kung ayaw mong isumbong kita sa Kuya mo, kelangan wag kang malungkot. Bawal sumimangot."

"That's impossible! Masakit nga e!!"

"Hindi pa ba sapat 'yang pag iyak mo ngayon? Kanina ka pa kaya iyak ng iyak. Tama na yun. He doesn't deserve your tears.

"Pwede bang wag mo nalang ako sumbong kay Kuya at Mama? Tutal wala naman na e."

"No. Siyempre hindi pwede."

"Ang imposible naman kasi ng gusto mo mangyari, ang dami mong pwede ipagawa."

"It's your fault. Kung hindi ka kasi nag boyfriend agad. Dapat hinintay mo ako." wala na siyang naitutulong sa mga sinasabi niya. Hinampas ko ito sa braso.

"Aray ko! Joke lang. Hindi ka naman mabiro. Yung iba nga, pag sinasabihan ko ng ganun kinikilig. Tapos ikaw?"

"Sila yun! Im not one of those girls na napapaikot mo!" kahit na patay na patay ako sa'yo dati.

"Oo na. Oh basta deal?"

"Okay deal." wala naman akong choice, kesa malaman ni Mama at Kuya pumayag narin ako. Madali lang naman magpanggap na masaya at ngumiti, isa pa gagawin ko lang naman 'yon kapag kasama ko siya.

"Smile kana." Akalain mo yun, concern siya sa akin. 

"I need to go home, nag-aalala na si Mama." hindi ko na namalayan ang mabilis na takbo ng oras.

"Don't worry, I texted Tita Mia. Sinabi kong kasama kita. So you're safe."

"Still, I need to go home."

It Girl Where stories live. Discover now