Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Nananaginip ba ako? Si.. si Karl Benolirao ba talaga yung nakikita ko ngayon?
(Insert 'It Girl' song by Jason Derulo)
Here it goes now. Naririnig ko nanaman yang song na yan na nagmumula sa ipod niya na nagp-play.
Everytime I'm about to see him. Lagi ko naririnig yang song na yan. Simula nung una ko siya makita noon, nag play din yang song na yan.
"Good evening tita." Bati pa niya na naka-smile. "Si Ahyee na ba 'to? Ang laki mo na. Dalaga kana." He says my name. Wow totoo ba talaga 'to? Ang sarap naman pakinggan ng pagkasabi niya sa name ko.
Teka nga. I don't care. Pagkatapos niya ako snobin lang noong grade six ako. Pagkatapos niya akong paasahin uh- okay okay Ahyee you cannot. Assuming nga pala ako dati. Pero galit parin ako sakanya.
FLASHBACK.
It was my boring summer vacation sa house ng Lola ko. It was afternoon and the only thing left for me to do is browsing my facebook feed.
Then Kuya Jerome came with someone who caught my attention. Lalo na nung tumabi siya sakin sa sofa. Yung feeling ko kanina nung nakita ko siya, parang yung feeling since our first meeting.
Pero dahil hindi niya ako kilala hindi niya rin ako pinansin. So I continue facebook'ing kahit na alam kong minsan tumitingin siya sa laptop.
Sakto, It Girl by Jason Derulo pa yung next na nag play sa laptop ko. Gusto kong umalis sa tabi niya at pumunta ng malayo para makita ulit mukha niya pero I can't. Who you. I mean I don't know him. So I really don't care. Halos 15 minutes lang ang tinagal nila ni Kuya at halatang nagmamadali sila. Sure ako magka-team sila ni Kuya sa volleyball.
Since that moment. Hindi nako mapakali. Parang I want to know everything about him. Kung sino siya, taga saan. Basta everything about him. Oo alam kong grade six lang ako that time. Only 12 years old. Pero hindi naman siguro masama ang magkaroon ng crush diba? Kahit na ahead siya ng 3 years sakin.
Hanggang sa malaman ko ang name niya tinanong ko si Kuya. Simula ng malaman ko lagi ko na siya ini-stalk sa facebook. Mine-message ko pa nga siya e. Pero hindi niya ako nirereplyan. Ilang beses ko yun ginawa pero kahit isang 'hi' wala.
Sobrang nakakahiya! Dahil babae ako at bata pa para gawin yun. Pero I wanna be friends with him lang naman. 4 months mula nung una kaming nagkita. Crush na crush ko parin siya hanggang lumipas ang 1 year, 3 years at 4 years ko siyang crush.
Puppy love. Alam kong malandi pakinggan. Pero totoo yan.
END OF FLASHBACK.
Ugh! Kaya hindi pwede. Ayoko. Ayoko siya tignan, pansinin o ano man. Nare-realize ko kasi yung kaanuhan ko nung bata ako dahil sakanya.
"Oh nandito pala kayo. Kumain na ba kayo ni Jerome?" Mama asked,
"Hindi pa po tita. Actually I cooked our dinner. Hinintay po namin kayo ni Jerome."
"Talaga aba, o sige come on let's eat. Where's Jerome?"
"Nasa room po niya."
Kainis. Dapat pala kumain nalang ako ng marami kela Ninang. Parang uh- parang hindi ko siya trip makasabay sa hapag kainan. Pero hindi ako pwede tumanggi. Dahil gutom ako. Dibale na. Babalewalain ko nalang. Iisipin ko nalang na kaming tatlo lang nila mama at kuya ang magkakasabay kumain.
Ilang saglit pa, bumaba narin si Kuya Jerome, "Mama. Andito na pala kayo. Tara kain na tayo."
"Sige sige. Balita ko eh si Karl ang nagluto kaya tikman na natin." Parang excited pa 'to si Mama kumain. Pag pinagpiprito ko siya di siya excited. Wide smile naman si Karl. Hmp, talagang marunong magluto yan e HRM course niya. Baka mamaya nilagyan niya ng lason pagkain ko o kaya gayuma? Joke nonsense ng mga naiisip ko.
Kumain na kami. Hindi naman ako sinungaling para sabihing hindi masarap yung niluto niyang sinigang. "Ahyee ano nga pala yung sinabi mo sakin kanina?" Nagulat ako, gusto ko sana sabihin kay Kuya pag kaming dalawa na lang.
"Kuya later ko nalang sabihin sayo."
"Ngayon na. Mamaya aalis kami agad."
"Uh- ano kasi. Uhm wag nalang pala kuya."
"Naku, panigurado magsusumbong yang sister mo sayo Jerome. Sinali ko siya sa santacruzan." sabi ni Mama.
"Oh bakit mo sinali?" Yes, buti nalang nagtanong si kuya kung bakit. Sabi na e, sakin to papabor. "Ahyee sige na sumali kana. Minsan lang yan." What?! No. Akala ko pa naman si kuya Jerome...
"Sabi sayo Ahyee e." Pahiya nanaman ako ah. Hays.
"Eh sino ba nagsabi sayo Ma, na yun ang sasabihin ko kay kuya?" Kahit ang totoo e yun talaga. Pero no choice narin naman ako kaya iibahin ko nalang.
"Uhm, ang totoo kasi ma, tatanong ko si kuya kung pwede siya ang escort ko sa santacruzan." Pagpapalusot ko,
"Hmm. Kelan ba yan?"
"Next Saturday na siya Jerome. So ie-escort mo ba kapatid mo?"
"Im sorry Ahyee. Next saturday may game ako. Finals na yun." Aww. Nakakatampo naman si kuya. Parang minsan lang mag favor e.
"Pero bago ka sumimangot diyan, may magiging escort ka naman na e." My face lightened up. Yun naman pala e. Siguro tatawagan niya si Jojo. Jojo was my childhood friend. Busy rin yun paano scholar ng university nila.
"Really kuya? Tatawagan mo si Jojo?" I asked while smiling.
"No. Who says that Jojo will be your escort?"
"But who kuya?" Eh sino? Yun lang naman naiisip ko e, si Jojo.
"It's Karl." nakangiting sabi ni Kuya. Uh-oh.

YOU ARE READING
It Girl
Fiksi RemajaEverytime Ahyee is about to see him destiny seems to always has its way to play that song.