Chapter 32
Ganoon ba talaga ang ang nagagawa ng inggit at galit? Parang sobra naman ang nangyari sa akin. Dapat bang kunsintihin ng mga magulang ang ginagawa ng kanilang anak. Hindi ba dapat masunod pa rin ang mga magulang. Pero bakit sa sitwasyon nina tita mas pinili niyang sundin ang gusto ng anak niya kaya lagi siyang galit sa akin.
Pero sabagay may ibang pinaghuhugutan si tita ng galit. Ako lang naman ang dahilan kung bakit nawala ang kapatid niya. Kung hindi lang sana nagbuntis ang nanay ko hindi kaagad siya mawawala. Kung saan hindi na lang ako nabuhay. Gustong-gusto kong makilala ang nanay ko. Gusto kong makita siya, makausap pero imposible na lahat. Iniisip ko tuloy ang unfair ng buhay. Bakit kailangan pang mabuhay kung kapalit naman noon ay may mamamatay.
Ano bang karapatan ko para kwestyunin Siya. Ang Diyos lang nakakaalam ng lahat, hindi ko dapat isipin na siya ang may kasalaan. May dahilan kung bakit 'to nangyari sa akin. Kahit pa nasasaktan akong malaman na wala na pala ang nanay ko nagpapasalamat ako ngayon na nalaman ko na kung ano ba talagang nangyari sa kanya. Ang tagal-tagal ko nang hinhintay na mangyari na magkwento na si tita. Pero grabe ha kailangan ngayong araw ko na rin malaman. Lalo lang akong napagod.
Nasa playground ako na malapit sa amin. Tahimik na ngayon dito dahil gabi na. Siguro naman wala ng batang magiisip na pumunta dito. Dito sa lugar na 'to ako noon laging naiinggit sa mga batang kasama ang mga magulang nila. Naalala ko noon kapag napapadaan ako dito ang sasaya nila habang naglalaro. Samantalang ako hindi man lang makalapot. Maraming bata ang nang aaway sa akin dahil wala daw akong kasamang magulang. Mga maldita kala naman nila kinaganda nila 'yon.
Nasaan naman kaya ang magaling kong tatay. Grabe siya hindi man lang niya naisip ang nanay ko. Ano 'yun hindi man lang niya naisip na baka may nabuo dahil sa ginawa nila. At ang galing rin niya matapos niyang gawin 'yon iniwan niya talaga si mama. Wala siyang kwenta. Hindi ko maiwasang magalit sa kanya. Parang hindi siya nagiisip. Hindi man lang niya hinanap si mama. Pero bakit nga ba niya hahanapin e iniwan nga niya.
Katulad rin kaya siya ni Sebastian? Kung hinayaan ko kaya siya na manligaw sa akin pagkatapos sinagot ko siya, gagawin rin kaya niya ang ginawa ng tatay ko sa nanay ko. Kapag nakuha na niya ang gusto niya iiwan na lang din niya kaya ako?
"Whoa! Janica umayos ka nga." sabi ko sa sarili ko, "Pinalayo mo na 'di ba? Bakit ka pa nagiimagine?" Bakit ba kasi kailangan pang pumasok siya sa isip ko? Nakakaasar. Lalo lang ako nakaramdam ng lungkot.
"Ako po ba kinakausap niyo?" Tanong ng maliit na boses.
"Ginulat mo naman ako. Kanina ka pa ba diyan?" May batang babae na nakatingin sa akin. Akala pa ata siya ang kausap ko. Kakasabi ko lang na wala na sigurong bata ngayon dito dahil gabi na, nagkamali pala ako.
"Gabi na ah bakit na andito ka pa?" Tanong ko sa kanya. Umeksena pa sa pagmomonologue ko.
"Tumakbo lang po ako dito. Kakalating lang po namin dito." Sabi niya. "Tapos nakita ko po itong playglound kanina."
"Kakalating?...aaah kakarating niyo lang dito, bagong lipat kayo." Utal pa ata siya sa r. "Bakit ka tumakbo papunta dito?" Gabing-gabi na dito pa talaga niya naisipang pumunta. Hindi ba 'to alam ng magulang niya?
"Waaaaah." bigla na lang siyang umiyak kahit wala akong ginagawa.
"Tahan na tahan na baka isipin ng makakarinig inaaway kita. Bakit ka ba umiiyak?" Hindi ako sanay sa mga bata. Ano bang dapat gawin? "Sige na tahan na." Kinalong ko siya at umupo kami sa swing baka sakaing tumahan siya. Luckily tumahan nga siya.
"N-nag-aaway...po...sina mama...at papa" sabi niya habang humihikbi.
Nalungkot ako sa sinabi niya. Kahit hindi ko naranasan ang makitang nagaaway ang mga magulang ko nakakalungkot lang na isipin na malaki ang epekto sa bata kapag nagaaway ang mga magulang nila. Nakikita ko rin 'to kay Kayla kapag nagaaway sina tito at tita. Pero hindi ko akalaing ganto pala ang impact nun sa kanya.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...