Chapter 7

225 18 0
                                    

Chapter 7

Lumipas na naman ang mga araw nang hindi ko namamalayan. Pauli-ulit lang naman nangyayari sa akin. Pag-uwi sa bahay madadatnan ko yung mag-ina. Konting-konti na lang matutusok ko na ang mata ng pinsan ko. Mabuti na lang si tita hindi ako masyadong pinupuna ngayon. Pagdating naman dito sa office ganon pa rin. Kung saan-saan kami nakakapunta. In fairness ang gaganda nung mga pinupuntahan namin. Katulad ngayon ang laking bahay nitong sinu-survey namin. Napaka-modern ng design, pati ung mga gamit ang bobongga.

"This is the library of the house. It consists of hundreds of books." Sabi ni Ms. Frances, ung nag-aassist sa amin dito. "And while reading one you can stay in this area to relax with nature." Bigla niyang hinawi ung malaking kurtina.

Wala akong masabi sa nakikita ko. Sobrang ganda, isa 'to sa mga pangarap ko. May glass wall siya na tanaw na tanaw ung nasa labas. Punong puno ng iba't-ibang bulalak na may mga puno sa bandang dulo. Nakakatuwang panoorin yung mga iba't-ibang insekto. Pati na ung mga ibon na malayang lumilipad.

Lumapit ako sa pader para lalo kong ma-appreciate ung tanawin.

"Do you like it?" hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"Hmm yeah." Tipid na sagot ko. "Hanggang like lang naman ako, sa mga bagay na alam kong hindi ko kayang makuha."

"Why don't you make an effort to make it yours?" tumingin ako sa kanya at saktong nakatingin rin pala siya sa akin.

"Okay ka lang ba sir? Alam mo naman estado ko sa buhay 'no. Kuntento na ako sa kung anong meron ako at tanggap ko naman na hanggang tingin lang ako. Masaya na ko d'on."

"There's nothing wrong on trying."

"Pero mas mabuting huwag nang maghangad ng higit pa sa nararapat."

"Oh wow, akala ko nanonood ako ng teleserye. Are you still talking about the scenery or there's something else?" tanong niya sa amin na parang may halong pang-aasar.

Napa-iwas ako nang tingin kay sir at lumayo sa kanya. Bakit parang pinipigilan niya ang sarili niya na ngumiti? Anong problema niya?

"What do you think?" hamon na tanong niya kay Ms. Frances.

"Yung scenery lang po yun. Tara na po sa ibang part ng bahay?" umepal na ako baka kung ano pa ang marinig ko.

"Okay." Titpid na sagot niya pero ung tono niya makahulugan. Bahala nga silang mag-usap diyan.

___

"What happened to you this time? Bakit ganan itsura mo?" taking tanong sa akin ni Sir Kevin na nakasalubong ko dito sa hallway.

Nakasimangot ako ngayon at ayoko munang makipagusap. Pero laging wrong timing si Sir Kevin. Hindi ko nan ga maintindihan ang boss naming lagi pa siyang tanong nang tanong.

"Gusto ko lang pong sumimangot." Nagpatuloy lang ako sa paglakad.

"Dahil na naman kay sir 'no?"

Tumigil ako at tiningnan siya, "Oo dahil na naman sa boss mo na hindi ko lagi masakyan ang trip. Hindi ko siya maintindihan. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig."

"Bakit ano bang sinabi sa'yo?"

Nagtanong pa talaga, naalala ko tuloy ang pinagusapan naming kanina.

"Pwede bang magtanong?" ano kayang trip niya pataga-tagalog pa.

"Sige sir, ano bang itatanong niyo? Basta ung kaya ko lang sagutin ha" tanong ko sa kanya na may halo pang biro. Kaya nga lang ang seryoso ng mukha niya. Feeling ko tuloy ang hirap ng itatanong niya.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon