Chapter 25

186 17 23
                                    

Chapter 25

Kung hindi lang ako nanghihinayang sa tinapay na inorder ko kanina pa ako umalis, tsaka favorite ko 'to e. Nakakaalibadbad kasi ang taong nasa tapat ko. Kanina oa siyang nanonood sa ginagawa ko. Nakakailang siya sobra. Kung minsan bigla pa siyang ngumingiti.

"Stop staring at me!" Binilisan ko pa lalo ang pagkain ko para makaalis na ako kaagad.

"Bakit? Siguro naiinlove ka na sa akin 'no?" itinukod pa niya sa mesa ang mga siko niya at ipinatong ang baba niya sa mga kamay niya.

"Asa ka naman! Tigilin mo na yang kalokohan ko. May pa courtship ka pang nalalaman." Malapit na akong matapos sa kinakain ko.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa text na nareceived. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext.

Si Seb pala. Bumati siya nang good morning at kinumusta ako. Hindi ko na siya nireplyan at ibinaba na lang ang phone ko sa mesa.

"Sino yung nagtext?" Pati ba naman yun kailangan pa niyang malaman.

"It's none of your business. Huwag ka ngang chismoso." pagtataray ko pa sa kanya. Pero tumunog uli ang phone ko dahil may nagtext. Bago ko pa makuha ay nahablot na niya kaagad.

"Ooh si Sebastian pala ang text mate mo ha." Tumayo ako para kunin 'yun sa kanya pero inabot rin naman niya kaagad sa akin kaya hindi na ako nahirapan.

Hindi na ako umimik at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa kinakain ko. May narinig akong tunog kapag nagpipicture. Napatingin ako kay Nikolai. Nakita ko siyang nagpipicture kasama ako kaya binatukan ko siya.

"Aray! Can't you see I'm taking pictures with you." iritado niyang sabi.

Busy siya sa pagkakalikot sa phone niya. Hindi ko naiwasang hindi siya pagmasdan. Kung tutuusin gwapo talaga siya. Pareho sila ni Seb, hindi mapagkakamalang beki. At kapag nalaman na ganon sila makakaramdam ka ng panghihinayang. Bagay na bagay ang suot niya ngayong white polo shirt at black jeans. Maaliwalas rin ang mukha niya compared noong huli kaming nagkita. Totoo pati ang pinapakita niyang ngiti walang halong pamemeke.

"Stop staring at me!" Ginaya niya pa ung tono ko kanina nung sinabi ko yun sa kanya.

"Sadya kasi ang sakit mo sa mata." tapos na ako sa kinakain ko. Kailangan ko na ring bumalik malapit nang magtime.

"Dahil sa kagwapuhan ko? Don't fall for me immediately, no need to rush." umiiling-iling pa siya habang sinasabi yon.

"Ang kapal rin pala ng mukha mo." I didn't expect na may side pala siya na ganon. I thought he's kind of serious person but he's weirder than I thought.

Tatayo na ako para umalis nang nagring ang phone ko. Kinuha ko ito at napatingin kay Nikolai na kanina pang nakangiti. Sinamaan ko lang siya nang tingin.

Bago pa ako makasagot ay nakasigaw na agad siya. Nailayo ko pa sa may tenga ko ang phone ko dahil sa pagsigaw niya.

"Why are you with him?!" Napapikit pa ako bahagya bago siya sagutin.

"What do you mean? Sinong 'him'?" Patay malisya kong tanong sa kanya.

"Don't lie to me! I know you're with Nikolai." napatingin ako saglit sa phone ko. Paano naman niya nalaman kung sino ang kasama ko?

Hindi ko kailangan pang itanong sa kanya. Nahahip ng mga mata ko si Nikolai na nagpipigil ng tawa niya.

"Bakit mo ko sinisigawan? Ano bang pake mo?" Nag-sorry siya bigla kaya naguilty ako dahil sa rudeness ko, "T-tsaka hindi ko naman alam na pupuntahan niya ako. Para lang siyang kabute na sumulpot sa harapan ko. W-wala akong planong makipagkita sa kanya." Bakit ba kailangan kong makonsensya? Wala naman siyang karapatang magalit.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon