Chapter 21
"Uy Janica congrats at nakatagal na dito buti natiis mo ung masungit na babae na yun." nangungulit na naman siya.
Pero tama siya kahit lagi akong napag-iinitan ng babaeng pinaglihi sa sama ng loob ay nakatagal ako dito. It's been five months since I started working here. Masaya ako sa bawat araw na lumilipas. Wala akong ibang iniisip bukod sa mga trabaho ko. At hanggnag ngayon wala akong balita kina Tita. Nahihiya rin kasi akong bumisita baka ipagtabuyan lang nila ako. Miss na miss ko na ang sermon niya. Marami na rin akong ipon na ipagmamalaki sa kanya.
Sana kahit hindi man ngayon maging mabait siya sa akin. Sila na lang kamag-anak ko kaya importante sila sa akin. Sila almg ang kaisa-isang nakilala ko. Kahit nga mga magulang ko hindi ko kilala.
"Ikaw nga nakatagal e." pagbibiro ko sa kanya.
"At least ako hindi naman nasermunan lagi. Nasermunan lang ako yan nung bago pa lang talaga ako. Huwag na nga natin pagusapan yun." tumalikod na siya at pumunta na sa pwesto niya. Hindi ko lang masabi na siya naman lagi ang nago-open nung topic na yun e.
Wala na sa akin ang sermon na yun. Minsan kasi wala namang kwenta gusto niya lang talagang magpuputak na parang manok. Ako lang kasi ang bukod tanging hindi lumalaban sa kanya. Ayoko kasi ng gulo kasi nga mabait ako. Kaya behave dapat lagi. Mahal ko ang trabaho ko kaya dapat ingatan ko 'to.
"Tama na yan. Lunch na tayo!" Hinila na ako ni Joyce palabas ng office. Ambilis talaga ng oras hindi ko na namalayan na lunch na. Hindi ko rin naramdaman ang gutom.
"Teka lang nakakaladkad na ako. May hinahabol ka ba?" Grabe siyang makapang-higit makakalqs ata braso ko.
"E kasi naman e..." parang kinikilig niyang sabi, may padyak pang kasama. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gusto kong makita ung bagong crew dun sa kainan na pupuntahan natin." mas binilisan pa niya ang lakad hanggang makalabas na kami ng building.
Walking distance lang ung kainan na sinasabi niya. Maliit lang pero maraming kumakain dito. Sikat rin sa mga estudyante. Sa panahon kasi ngayon lahat na ata ng mga kainan kailangan nilang mapuntahan. Pero hindi lang din naman mga estudyante mas marami lang talaga sila. Lalo na't mura dito. Marami rin silang ino-offer na combo meal at student meal.
"Dito tayo dali. Next time na kita ililibre kapag kami na." sinundan ko ung tinitingnan niya. Nakita ko ung lalaking nags-serve ng pagkain.
"Kapag naging kayo? Kilala ka ba?" Sasapakin niya sana ako pero hindi niya itinuloy. Napabusangot pa ang mukha niya.
"Alam mo suportahan mo na lang ako sa pangarap ko." tinawanan ko na lang siya.
Umorder ako ng sweet and spicy chicken wings. Favorite ko 'to, tamang-tama kasi ang ang anghang at tamis. Umorder na rin si Joyce. Nang dumating ang order namin umarte na siya na parang ang hinhin. May pangiti-ngiti pa dun sa lalaki akala mo'y nakaktuwa ang ginagawa niya. Kaya nung makaalis ung lalaki, pinalo ko siya.
"Umayos ka nga! Halatang- halata ka naman. Dapat hindi ganon." inirapan lang ako ng luka.
Kumain na kang kami ng mapayapa. Basta pagkain ang usapan wala na munang pansinan. Pero siya pasulyap-sulyap pa rin sa crush niya. Para siyang high school student kung makatingin sa crush niya. Nagagalit pa kapag may kausap na iba.
"Tara na magt-time na. Tigilan mo na ang pagtungin sa kanya baka matunaw na" umalis na kami at bumalik na sa trabaho. Buti hindi na siya umangal pa. Kakaladkarin ko sana siya e.
Nang makapasok kami ay dumeretso siya sa iba naming katrabaho para ikwento ang crush niya. Bago pa ako makapunta sa table ko ay nakasalubong ko ang secretary ni Madam. Naalala ko naman tuloy si Sir Kevin.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...