Chapter 20

177 17 0
                                    

Chapter 20

Kung minsan talaga kahit gusto kong kamuhian ang isang tao hindi ko magawa. Lalo na kung minsan na siyang naging mahalaga sa akin. Kahit anong tindi nang ginawa nila hinding-hindi ko sila gagantihan. Dahil kung gagawin ko yun magiging akong mas masama sa kanila.

Matapos nung paguusap namin tinupad nila ang kahilingan ko. Hindi na sila nangulit pa. Hindi ko rin sila nakikita kung saan. Mabuti naman hindi ko naiisipin kung anong gagawin ko kapag nagtagpo ang nga landas namin. Kahit anong pilit kong alisin sa isipan ko hindi ko magawa, lagi ko pa ring naiitatanong kung bakit sa lahat ng pwede niya makilala bakit ako pa?

Ilang buwan na ring ang nakakalipas pero wala rin akong balita kina Tita. Meron pa ring parte sa utak ko na umaasa na baka isang araw sumulpot na lang sila bigla sa may pinto ng bahay. Pero hindi yun nangyari. Hindi na sila nagbakaabala na hanapin ako. O kaya kamustahin. Naaawa ako sa sarili ko. Sa pagkakaalam ko wala akong ginawang masama sa ibang tao pero bakit lahat na lang ng mga tao tinatalikuran at iniiwan ako. Ganon siguro ako kamalas na kahit sarili kong mga magulang iniwan rin ako.

"Hoy Janica! Binabayaran ka dito para magtrabaho hindi mag-daydream. Concentrate on your work!" Agang-aga napasungit ng babaeng 'to. Ayaw na ayaw ko talaga na bumibisita siya rito sa office. Para siyang pinagsamang Kayla at si Tita. Grabe kasungit at mapanlait.

Kahit ganon ang trato sa akin nina Kayla mas gugustuhin ko na sila na lang kesa sa babaeng 'to. Namiss ko tuloy sila bigla kahit hindi nila ako miss.

Napairap na lang ako sa kanya habang nakatalikod, may iba siyang sinesermunan. Nagkatinginan pa kami ni Joyce, napatawa na lang kami sa inaasta ng babaeng pinaglihi sa sama ng loob. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko baka mabalikan pa niya ako ayoko nang makinig ang matinis niyang boses.

Lunch time na, nakikinig ako sa mga reklamo nila dahil dun sa pagsesermon kanina.

"Nakakasura talaga yung babae 'yon! Porket siya ang anak ng boss natin ganun siya umasta." paghihimutok nung isa sa mga katarbaho ko. Nahuli kasi siyang nakikipagusap sa phone.

"Bakit ka kasi nagc-cellphone?" Hindi ko na inintindi ang mga pingauusapan nila.

Sanay ako sa masasakit na salita. Kaya manhid na ako sa mga sermon niya. Mas mabuti rin na hindi siya pansinin, ayokong mawalan ng trabaho. Kaya dapat lagi lang akkng mabait. Sabagay lagi naman akong mabait sila lang talaga ang hindi.

Nang matapos ang lunch ay nagsimula na muli kaming gawin ang kanya-kanyang trabaho. Busy ngayon sa office marami kasing mga bagong client. Kahit maliit lang ang business na ito hindi imposibleng umusbong 'to. Marami kasing mga bigating client. Maganda kasi ang service. Hindi na rin kakapagtaka dahil parehong mabait ang may ari huwag na kang banggitin ung anak na masungit.

"Janica pinapatawag ka ni madam. Huwag kang magalala umalis na ung bruha." hininaan pa niya ung huli niyang sinabi kaya tinawanan ko na lang siya.

"Okay. Thank you." Tumayo na ako para pumunta sa office ni Madam.

Kumatok muna ako nang tatlong beses bago binuksan ang pinto. Nadatnan ko siyang abala sa hawak-hawak niyang portfolio.

"Janica. Maupo ka dito." tukoy niya sa upuang nasa harap ng mesa niya.

"Pinapatawag niyo daw po ako." ngumiti siya sa akin at iniabot ang portfolio na tinitingnan niya kanina. I skim the portfolio in a short period of time. This contains some of the design of the furnitures that we're offering.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon