Chapter 33

127 7 3
                                    

Chapter 33

Nakakatamad kumilos ngayon parang bugbog na bugbog ang katawan ko. Parang lalagnatin ako, kung ano-ano kasi ang mga inuutos sa trabaho. Mabuti na lang walang pasok ngayon, nakakatamad talagang kumilos.

Kanina pa akong nakatitig lang sa kisame. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Tita at Kayla. I still don't know how to approach them. Pero parang wala na rin naman sa akin ang mga nangyari. Sila lang ang kilala kong pamilya, kaya kong silang patawarin.

Nagisip-isip pa ako saglit bago ko napagisipang bumangon na. Ang pangit kung aaksayahin ko lang ang oras ko na tumulala dito. Kailangan kong magisip ng magandang gawin ngayon araw dahil siguradong uulanin na naman ako ng mga gawain sa trabaho. Kaya hangga't kaya kong hindi magkamali pinipilit ko talaga. Ayoko nang masermunan ng babaeng pinaglihi sa sama ng loob.

Tumayo ako at nag-stretch-stretch pa. Medyo sumasakit ang likod ko. Ang bata-bata ko pa sumasakit na kaagad ang kasukasuan ko. Hindi na rin kasi ako nakakapag-exercise, imbis na magexercise mas pipiliin ko pang matulog at kumain. Hindi naman lumolobo ang tiyan ko kaya okay lang.

Feel na feel ko pa ang pags-stretch nang biglang kumatok ng malakas si Kayla.

"Aray!" Dahil sa gulat ko sa biglaang katok niya ay naumpog sa nightstand ang hinliliit kong daliri sa paa. Napaka-unexpected talaga lagi kapag nabubunggo ang daliri ko. This is the worst feeling ever.

"Ate lumabas ka na daw diyan tanghali na!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto.

"Bwisit ka talaga Kayla! Tsaka ang tanghali ay twelve o'clock hindi seven o'clock!" Pamimilosopo ko sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin ang daliri ko. Sana hindi mamatay ang kuko ko.

"Bahala ka kay mama!" Umalis na siya sa tapag ng kwarto ko. Next pa siya makakapasok sa school. Mabuti na lang gumaling-galing na rin siya. Hindi pa siya fully recovered pero pinayagan na siyang pumasok. Kailangn lang niyang ingatan ang sarili niya. Marami-rami siyang hahabulin na lectures at quizzes at exam na rin niya sa susunod pang linggo.

Tahimik pa rin ako kapag kaharap ko na si Tita. Kapag tinatanong niya ako tsaka lang ako umiimik. Hindi ko para magopen pa ng topic para lang makapagusap kami. Kapag si Kayla ang kausap ko natural na lagi kaming nagaasaran kaya wala namang halos nagbago, ayun nga lang hindi na siya makapagtaray sa akin na parang siya ang boss ko na lahat ng gawin ki ay mali para sa kanya. Dapat lang dahil kahit anong sabihin niya dapat lang na magbait siya sa akin I'm older than her after all.

"Kaasar ka Kayla!" Ang hirap talaga kapag nauumpog ang hinliliit na daliri nayayanig ang buong katawan.

Makaalis na lang kaya, makapagliwaliw naman kahit minsan. Saan kaya makapunta ngayon? Kailangan kong sulitin ang araw na 'to dahil sigurado akong mas-stress na naman ako sa trabaho bukas. Kaya dapat walang kahit anong kanalasana nag maganap sa akin ngayon. Kailaykong iiwas ang sarili ko sa negativity. Kaya hahayaan ko na si Kayla ngayon sa susunod na kami magtutuos.

Nakita ko si Kayla sa may kusina pagkalabas ko ng kwarto. Mabuti ring dito na sila nakatira hindi na ako mamomroblema sa pagluluto, si tita na ang bahala. Pero kung tulad pa rin sila ng dati baka hindi na rin nakakakain dito sa labas, mas pipiliin ko nang kumain sa labas kesa makinig ang sermon ni tita.

"Kumain ka na Janica. Mabuti't mainit pa ang pagkain. Pinagtimpla rin kita ng kape." bungad sa akin ni tita ng makalapit ako sa kusina.

"Hindi naman nagkakape si ate." nagulat ako sa sinabi ni Kayla. Paano naman niya nalaman na hindi ako nagkakape never naman ako nagsabi sa kanya ng ayaw at gusto ko.

"Kung itatanong niyo kung bakit alam ko simple lang. Dahil nga galit aki sa kanya dati pinagmamasdan ko siya kapag may ginawa siya. Lagi kong napapansin kapag gabi at tulog na ang lahag lalo na si mama nagtitimpla ka ng chocolate drink." Sinaman ko siya nang tingin. Pati ba naman pagtitimpla ko ng maiinom nakabantay smrin siya.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon